STEFFANY'S POV
Napatanga na lamang ako nang nasa harap na ako na napakalaking mansyon ng mga Delos Santos. Grabe makalagalag panga ang ganda at laki nito meron din itong CCTV camera sa gilid ng gate. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang pangunahan na naman ako ng kaba at pagdadalawang isip.
"Itutuloy ko ba?" kinakagat ko lamang ang aking kuko habang nag-iisip. Sa huli mariin lamang akong napapikit at akmang pipindutin na sana ang doorbell nang bigla na lang bumukas ang malaking gate.
Lumabas roon ang napakagandang kotse na kulay asul. Kaya agad akong tumabi upang mabigyan ito ng daan habang mangha pa ring nakatitig rito. Nakatingin lang ako rito ng bigla itong tumigil sa banda ko. Napasinghap ako ng ibaba nito ang salamin ng kaniyang kotse at naaninag ko ang kaniyang mukha. 'Kilalang kilala ko ang mukha to!' sambit ko sa aking isipan
"What are you looking at woman?" cold nitong sabi habang deretsong nakatingin sa aking mata na agad ko namang ikinayuko
"Ahhmm-mm bb-bagong k-katu--long po ako r-rito sir" nauutal kong sagot
"Oh really, then throw these trash somewhere" walang emosyon pa rin nitong sabi sabay hagis ng kung ano na dali-dali ko namang sinalo
"Yes sir, a-ako n-na po bb-bahala rito" mabilis kong tugon habang nakangiting itinataas ang bagay na hindi ko pa rin alam kung ano. Nakita ko naman siyang napa smirk at umiiling sabay paharurot ng kaniyang kotse.
I finally met him. Ang bilis ah! Grabe ang daming nagbago sa kaniya. Mas lalo siyang naging makisig ngayon. May malalapad na balikat, gwapong mukha at paniguradong mas lalo rin siyang tumangkad ngayon. Napangiti ako habang tinatanaw ang papalayo niyang sasakyan pero agad ring napawi nang maalala ang pagiging cold nito sa kaniya.
Grabe ang sama ng asal niya kanina ha, hindi naman sya ganoon dati. He became somebody else. Napatingala na lamang ako sa langit habang iniisip ang rason kung bakit ako nandito. I came here to bring back his old self. Ang Xander na nakilala at minahal ko noon ng sobra.
Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni naalala kung may dapat pa pala akong itapon kaya naghanap ako ng basurahan. Laking gulat ko na lamang nang makita kung ano ang hawak-hawak ko.
"T-teka? Panty ba to? bulalas ko habang tinitignan ang iba ko pang dala at halos lumuwa ang mata ko nang makitang mayroon din akong hawak na bra at dress kaya mabilis ko iyong itinapon at nagsisigaw.
"Ahhhhhhhhh, Xander, you jerk!" nagagalaiti kong sigaw habang tinatanaw ang kotse nito pero hindi ko na ito nahagilap pa.
"Iha, ikaw ba si Rose? Iyong bagong katulong galing sa probinsya? ani ng isang may katandaan na ginang.
Humarap naman ako rito at kinalma muna ang sarili bago sumagot."Ah, opo ako nga po? Nakangiting sambit ko.
"Oh, segi-segi, pasok ka iha" agad naman akong sumunod sa kaniya
-FASTFORWARD-
"Iha, ako nga pala sa Aling Menda, ako ang mayordoma dito sa mansyon. Ito naman si Manong Ben, driver dito" mahinahon na pagpapakilala nito sa akin
Ngumiti ako at nagpakilala "Ako po pala si Trixie Rose Domingo, Rose na lang po para mas maikli", magalang kong pagpapakilala kahit na kinakabahan at nagmano sa kanila.
"Ang gandang bata at magalang pa" nakangiting sambit ni Manong Ben. Sinuklian ko rin ito ng ngiti at iginaya na nila ako sa aking magiging kwarto.
"Ngayong araw, magpahinga ka muna iha alam kong pagod ka mula sa biyahe. Bukas ko na lang ipapaliwang sayo ang mga gawain dito" ani Manang Menda
"Oh siya, iayos mo na lang muna ang mga gamit mo ngayon iha" pahabol ni Mang Ben na ikinatango ko bago isinara ang pinto.
Humilata agad ako sa kama dala ng sobrang pagod. Napapikit ako ng maalala ang pagpapakilala ko sa pangalan ko kanina. Sa totoo lang, si Trixie dapat ang nandito ngayon para sa trabahong ito pero hiniling ko sa kaniya na ako na lang dahil gusto ko talagang tulungan si Xander. Nilubos ko na rin at hiniling sa kaniyang gamitin ang pangalan niya nang hindi nila ako makikilala. Ganoon ko siguro kagustong makita siya. Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...