ALEXANDER'S POV
Nasa kwarto ako ngayon habang hinihintay na pumasok ang babeng iyon. Akala niya siguro nakalimutan ko ang nangyari kagabi. Well she's wrong. I still remember how she shouted at me at talagang dinamay pa niya ang mommy ko. It's time to give her punishment. Pakunwari pa siyang ayaw niya sa halik and that b*tch even slap me. Now you'll pay for that.
Hindi ako naka tulog ng maayos kagabi dahil sa namimiss ko na naman si Celine. Nagwala ako nang maalala ko kung bakit niya ako iniwan. Mas pinili niya ang pangarap niya kaysa sa akin. Kaya ko namang ibigay sa kaniya lahat ah!. Bakit hindi niya ako nagawang piliin ng mga panahong yon?
Gulong-gulo ang kwarto ko na parang dinaanan ng malakas na bagyo.I know I started hating girls when she left me. But I can't deny the fact that I'm still longing for her presence. I still love her and I know that I'm still waiting for her because she promised that she would come back. And I'm holding on to that promise. Ayaw ko ng iwan ulit kagaya ng kaibigan ko na una kong minahal. Naikuyom ko ang aking kamao ng maalala ang araw ng pagkawala ng aking childhood friend. Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto.
"Come in!" maawtoridad kong sambit
Bahagya siyang nagulat ng makita ang loob ng kwarto ko. Well now papagurin kita. Let's see kung hanggang saan yang lakas mo.
"P-Pinatawag niyo raw mo ako sir?", tanong nito habang nakayuko. Halatang iniiwasan niyang magtama ang mata namin.
Lumapit ako sa kaniya na agad niyang ikina atras. Napa ngisi na lang ako habang ipinapatuloy ang paglapit hanggang sa wala na siyang maatrasan at tumama ang likod niya sa pinto.
"Look at me", mabagal at sexy kong pagkasabi. Nakita ko ang kaba sa kaniyang mga mata ng iangat niya ang ulo niya.
"S-sir ano po bang ipag-uutos niyo", kinakabahang sambit nito na mas nakapag pangisi sa akin
Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya kaya mas nataranta siya. "Tell me your name", mapang asar kong sambit habang hinihipan ang leeg niya.
"Steff---T-trixie R-rose Domingo po Sir" napapikit siya ng mariin habang sinasabi ang pangalan niya.
" Well, as you see Rose, makalat ang kwarto ko. Now I want you to clean all these mess by yourself", turan ko na agad niyang ikinaagat ng tingin. Kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isat- isa. Seryoso ko lang sinalubong ang tingin niya at unti-unting umatras kaya wala siya nagawa kundi ang tumango at nagsimulang mag linis.
STEFFANY'S POV
Bumuntong hininga na lang ako nang hindi pa rin ako nangangalahati sa paglilinis kahit binibilisan ko na ang pagtatrabaho. Nagkalat lahat ng gamit niya sa sahig. May mga bote rin ng alak at ang iba ay basag-basag at nakalat sa sahig. Grabe ang laki ng kwarto niya. Matatapos ko ba to? Napailing na lang ako at pinagmamasdan siya prenteng nakahiga sa kama pero alam kong gising siya. Kinabahan talaga ako sa inasal niya kanina akala ko uulitin niya na naman ang ginawa niya kagabi.Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis kahit na gustong gusto ko niya siyang ambahan ng suntok. Wala akong magagawa, amo ko pa rin sya.
Una kong nilinis ang walk in closet niya at lalo akong nainis nang makita ito. Sinadya niya ba to? Sobrang kalat at halos nasa sahig ang mga damit niya. Napailing na lang ako at nilinis ito.
Pagkatapos ay pinulot ko ang mga gamit at mga bote ng alak na nagkalat sa sahig. Impit naman akong napa sigaw ng napulot ko pala ang bubog at bumaon ito sa kamay ko. Naiiyak akong tumakbo sa banyo at dali-dali itong hinugasan. Nang hindi na masyadong makirot ay ipinagpatuloy ko na ang paglilinis.
-FASTFORWARD-
Pagod na pagod akong napaupo sa sahig habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa couch niya dito sa kwarto. Grabe ang sakit ng katawan ko wala pa naman akong maayos na tulog kagabi dahil sa kakaiyak tapos nadagdagan ang sakit ng katawan ko dahil halos buong araw akong naglinis dito.
Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto niya. Malaki ito, may couch at maliit na table habang may bookshelf sa gilid, may terrace rin dito, may malaking banyo at walk in closet. Napatigil ako ng maalala kung ano iyong nakita ko sa drawer niya kanina.
May nakita akong isang panyong puti na kagaya ng binigay niya sa akin at sa gilid nakita ko ang pangalang Rose. Alam kong iyon yong panyo na hiningi ko sa kaniya para sa birthday ko pero hindi ako makapaniwala na itinago niya pa rin iyon. Pinagmasdan ko siya pero naka tulog ata siya. Sa kakaisip ko hindi ko namalayang naka idlip na pala ako.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomantikPROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...