CHAPTER 28: NEED A BREAK

403 17 0
                                    

STEFFANY'S POV

Nagising ako sa kalagitnaan ng pag tulog ng makaramdam ako ng panunuyo ng aking lalamunan. Dahan-dahan akong bumangon dahil sa uhaw pero nasapo ko ng mahigpit ang aking ulo. Parang mabibiyak na ito sa sobrang sakit. Mariin akong pumikit upang maibsan man lang ang sakit nito pero wala pa ring epekto kaya bumalik ako sa pagkakahiga.

Hindi ko pa man naproseso sa isip ko kung bakit sumasakit ang ulo ko nang may kamay na pumulupot sa bewang ko at basta na lang akong hinila ng kung sino kaya nasubsub ako sa matitipunong dibdib nito. It's shirtless? No! It's he... he's shirtless! Oh God! Ano bang nagawa kong kalokohan?

Dala ng kalituhan, agad kong inangat ang ulo ko para makita kung sino ang katabi ko pero hinigit ulit ako nito na naging dahilan upang masusob naman ako sa leeg nito. This scent.... I know this scent! Kay Xander 'to. Kilalang kilala ng ilong ko ang pabango niya.

Napakagat-labi na lang ako ng maramdaman kong gumagalaw siya na para bang naghahanap ng komportableng posisyon. Ayaw kong magising siya kaya para akong tuod na nagpipigil ng hininga para 'di makagawa ng anumang kilos na ikagigising niya pero halos mapasigaw ako ng sa isang iglap lang ay magkaharap na ang mukha namin. Sobrang lapit namin sa isat-isa na animoy maglalapat ang aming mga labi sa oras na may gumalaw ni isa sa amin.

Nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko at nakikilit ako dahil do'n. Magkadikit rin ang tungki ng aming mga ilong at ilang dangkal na lang ang layo ng aming mga labi. Nanlalaking mga matang nakatitig lamang ako sa mga mata nitong nakapikit at payapang natutulog. Ito yata ang gusto niya posisyon. Bigla akong pinamulahan ng pisnge ng mapagtanto ko kung gaano kami kalapit. Ramdam kong nag-iinit ang paligid.

Maya-maya ay mariin kong ipinikit ang aking mata para alalahanin kung anong kagagahan ang ginawa ko kahapon. Sa tanda ko hiniling ko kay Xander na uminon. U-uminon!? Gosh!
Sira na talaga ako, hindi ako pwedeng uminon! Hinding hindi pwede dahil iba ang epekto ng alak sa akin.

Pinilit ko pang alalahanin ang mga ginawa ko pero para akong binuhusan ng malamig na tubig ng unti-unti kong naalala ang mga ito. Sa bar... Si Christian, naalala ko ang ginawa kong kahihiyan kay Christian kagabi. Lupa lamunin mo na ako!

Natuptop ko naman ang labi ko ng maalala ang ginawa namin ni Xander. N-naghalikan kami... H-hinubad niya 'yong damit niya. My Gosh! H-hinubad niya?! Napabalikwas agad ako ng bangon dahil sa mga naalala ko. Ano bang kagagahan 'tong nagawa ko? Bakit pa kasi ako uminom.

Kinabahan ako ng may yumakap ulit sa bewang ko habang naka upo ako sa kama, agad ko siyang nilingon pero tulog pa rin ito kaya nakahinga ako ng maluwag. He's been cuddling me so much. He's so clingy, b-but I like it somehow. Napangiti ako sa naiisip pero agad ring nabura ang ngiting 'yon. Hindi tama 'to. Kailangan kong pigilan kung anong tuwa man ang nararamdaman ko ngayon dahil sa huli ako lang din naman ang masasaktan. Sa huli ako lang din ang talo.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya na nakayapos ng mahigpit sa bewang ko. Nang tuluyan ko itong matanggal ay tahimik akong umalis sa kama. Nang maalis ang kumot na nakatalukbong sa aking katawan ay impit akong napasigaw. I'm wearing his damn shirt? Gosh! Binihisan niya ako kagabi? Agad kong sinilip ang loob ng shirt niya na suot ko para masiguro kung may undergarments pa ba ako at nakahinga naman ako ng maluwag ng suot ko pa rin ang mga ito.

Agad kong pinulot ang mga damit ko na nasa sahig at isinuot ito. Nang matanaw ko ang wallclock sa kwarto niya napagtanto kong alas kuwatro pa pala ng umaga. Muli ko siyang tiningnan sa kama at mahimbing pa rin itong natutulog. Paano ko ba siya haharapin? Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa kagagahan ko kagabi. Anong gagawin ko? Napasabunot na lamang ako nang 'di alam ang gagawin para makaiwas sa kaniya. Nagpalakad-lakad pa ako sa kwarto sa kakaisip ng paraan upang hindi kami magtagpo nang maalala ko na pwede akong umuwi ngayong araw sa probinsya. Si Xander mismo ang nagsabi na pumayag ang parents niya kahapon.

Tahimik kong tinakbo ang pintuan ng kwarto niya para makalabas. Mas mabuting umuwi na muna ako para makaiwas sa kaniya, namimiss ko na rin sila mama. Agad akong naglagay ng mga damit sa bag na dadalhin ko nang makapasok ako sa aking silid. Hindi pwedeng maabutan niya ako dahil mababaliw ako sa hiya. Hindi na ako nagtagal sa pagkuha ng damit, basta kung ano 'yong mahila ko 'yon na.

Nang matapos ako sa paghahanda ng gamit ay agad akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay tapos na akong maligo at halos magkanda baliktad-baliktad na ang pagsuot ko ng damit sa kamamadali. Lumabas kaagad ako ng kwarto at nagmamadaling bumaba sa hagdan. Naabutan ko si manang na naghahanda ng agahan kaya tinignan ko muna ang relo ko. Alas singko pa lamang ng madaling araw kaya nagpasiya na muna akong tumulong bago tuluyang umalis. Nakakahiya naman kay manang kung hindi ako tutulong kahit saglit. Inilagay ko muna sa sofa ang bag ko saka ako pumunta sa kusina.

"Magandang umaga po Manang!", masiglang bati ko rito na agad niyang ikinangiti.

"Oh, gising kana pala Rose.
Magandang umaga rin sayo. Nakabihis ka ata, aalis ka ba?", kapagkuwan ay tanong nito.

"Opo, uuwi muna ako sa probinsya namin. Pumayag naman po sina sir at ma'am. Nandito po ba sila sa mansyon? Magpapaalam po sana ako", tugon ko pero umiling naman siya.

"Wala sila rito, hindi sila nakauwi kagabi. Sa pagkakaalam ko sa hotel lamang sila natulog. Tawagan mo na lang sila para makapag paalam ka.", sagot nito kaya tumango na lang ako. Mas mabuti ring hindi ko makita ang ama ni Xander, galit pa rin ako sa ginawa niya.

"Tulungan ko po muna kayo bago ako umalis Manang.", masaya naman itong tumango sa akin.

Tinulungan ko si Manang na magluto ng pang agahan ni Xander pero 'di ko mapigilang hindi tumingin-tingin sa hagdan baka kasi bigla na lang itong bumaba. Hindi niya dapat ako maabutan dito. Mas nagmadali ako sa ginagawa ko dahil mag aalas-sais na.
Isa-isa ko ng inilapag ang mga ulam sa mesa. A beacon, hotdogs, fried rice and eggs, sandwich and coffee. In short a simple breakfast for Xander.

Nagliligpit na ako ng mga kagamitang ginamit kanina sa pagluluto ng marinig ko ang boses ni Xander mula sa itaas. Nanlaki ang mata ko ng marinig na tinatawag niya ang pangalan ko. Gosh! Ang aga naman yata niyang nagising ngayon. Noon nga alas nuwebe yan lumalabas ng kwarto niya. Nataranta ako ng binalingan ako ng tingin ni Manang at binigyan ako ng tawag-ka-ni-sir look.

"Ah m-manang p-pwede po bang sabihin niyo kay sir na kanina pa ako naka-alis?", turan ko at binigyan siya ng nagsusumamong tingin. Kumunot naman ang noo niya sa pakiusap ko.

"K-kasi po m-may problema l-lang kami. P-pwede po ba? Please!", kinakabahan na ako habang hinahawakan ang kamay niya. Kapagkuwan ay tumango na lamang siya.

"Oh sya segi, ako na bahala basta ayusin niyo kung ano man yang problema niyo ha.", tumango naman ako bilang sagot.

Lumabas agad ako ng kusina pero agad ring napatago sa malaking vase ng makita ko siyang magkasalubong ang kilay na nagmartsa papunta sa kwarto ko, nakapamewang pa ito habang kinakatok ang pintuan. Tumakbo agad ako papunta sa sofa para kunin ang bag ko dahil nakatalikod ito sa akin. Nang makuha ko na ang bag mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo sa dalawang malaking pintuan ng mansyon ng hindi man lang tumitingin sa aking likuran.

Pagkalabas ko ay tinakbo ko ng mabilis ang malayong gate na para bang may humahabol sa akin. Nakasalubong ko pa si Manong Ben na naglilinis ng kotse at nagtataka sa pagmamadali ko, binati niya pa ako pero tanging ngiti at pagkaway na lang ang nagawa ko pabalik dahil sa hinihingal na ako. I badly need a break!
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon