STEFFANY'S POV
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng pag tulog ko ng makarinig ng kalampag sa labas ng kwarto. Pagtingin ko sa orasan alas kwatro na ng madaling araw. Sino kaya iyon? Maya-maya ay nag desisyon akong lumabas para tignan ito.
Halos magkandaugaga ako sa paglalakad dahil sa pagkakamangha sa loob ng bahay nila. Ngayon ko lang nakita ng husto kung gaano kaganda rito. Halata ring mamahalin ang mga kagamitan nila.
Medyo madilim sa labas dahil nakapatay ang ilang ilaw. Dahan dahan akong naglakad nang sa gayon hindi ako matalisod pero impit na lamang akong napasigaw ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Laking gulat ko nang makita kung sino ito.
"X-xander?", mahinang bulong ko, lasing na lasing siya at hindi na halos makalakad ng maayos.
"Don't call me by that name" galit nitong sabi at hinarap ako sa kaniya habang hawak ng mahigpit ang dalawang braso ako.
"Sir, p-please bitawan mo ko na sa-ssaktan ako" mahinang pakiusap ko pero lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak rito hanggang sa mapadaing na ako.
"A-aray ang sakit, please bitawan mo ko" ibang-iba na talaga siya. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"You know what? You're all the same! Women are bitches and slut. At nang-iiwan pa talaga kayo. Tsk" cold nitong sambit na punong-puno ng galit ang kaniyang mga mata.
"Sir please, madaling araw na po baka magising sila ng maaga ipapasok ko na po kayo sa room niyo", sambit ko na hindi alintana ang sumasakit kong braso dahil sa mahigpit niyang hawak.
"Why, you don't wanna hear it? Kasi ano? Because it's true, right? pagalit pa rin niyang turan.
"No sir, hindi lahat. Huwag mo kaming gawing pare-pareho base sa criteria mo dahil hindi lahat pera lang ang habol may mga mabubuti rin" sagot ko at naramdaman kong unti-unti na kaming matutumba dahil sa kalasingan niya pero nagawa niya akong isandal sa pader kahit pa gewang-gewang siyang naglalakad.
"Who the hell are you to tell me what to do. You are just like them, a worthless slut!" napapikit ako sa huling salitang binitawan niya
Hindi niya ba talaga ako nakikilala? Mapait na lamang akong nakatitig sa kaniya.
"Women are not trustworthy. All you just want is money and to reach your dreams leaving me behind, leaving me hanging. Shit.. shit this life." dagdag nito sabay mura, nasasaktan ako sa nakikita ko, alam kong nahihirapan siya. Napasinghap ako ng bigla na lang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko.
Ilang minuto kami nasa ganoon posisyon. Nakatulog siya sa sobrang kalasingan. Maya maya pa ay naisipan ko na siyang ipasok sa kwarto niya.
Medyo nahirapan akong dalhin siya dahil mas malaki siya sa akin. Buti na lang at naituro ni Manang Menda sa akin ang kwarto niya kanina na kaharap lang din ng kwarto ko. Inalalayan ko siyang mahiga sa kama at laking gulat ko ng bumagsak rin ako sa ibabaw niya dahil sa pagyakap niya sa bewang ko.
Napagmasdan ko ng malapitan ang kaniyang mukha. Makapal na kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong, at mapupulang labi na para bang inaakit akong halikan siya. Ang gwapo niya, siguradong maraming nagkakandarama sa kaniya pero iba siya sa taong nakilala ko 11 years ago. Napailing na lang ako at dali-dali ng tumayo.
Binihisan ko muna siya kahit napapalunok ako ng makita ang hubad niyang katawan, tanging boxer short lang ang natitirang saplot sa kaniya kaya pinipilit kong huwag siyang tignan habang isinusuot ang damit.
Pagkatapos ay nagbasa akong ng face towel at ipinunas sa mukha niya. Bigla siyang gumalaw kaya saglit ko munag itinigil ang pagpunas sa kaniya. Nangangamoy alak ang kwarto niya. Marami siguro ang nainom nito. Nang tapos na ako sa pagpunas ay umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang pisngi niya. He changed a lot.
"Bakit ka ba nagbago ng ganito?" mahinang tanong ko habang pinahid ang luhang tumakas sa aking mata. Naalala ko naman ang mga panahon noong mga bata pa kami.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomansaPROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...