STEFFANY'S POV
Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng kwarto at halos sabunutan ko na sarili ko dahil sa hiya. Bakit? Bakit hindi ko nakita to kanina? Pano kung nakita to ni Xander, ni manang Menda? Ano na lang ang sasabihin nila. Ahhhhhhh! , kailangan ko ba talagang danasin to. Paano ko siya haharapin? Napasalampak na lamang ako sa kama ng hindi ko na alam ang gagawin. Bakit ba kasi nagka hickey pa 'yong halik na yun. Ahhrrggh! Hindi naman kasi basta halik lang 'yon, kinagat niya saka sinipsip. Ahhhhh, mababalik na talaga ako.
Maya-maya nakarinig ako ng kotse marahas na tumigil sa labas ng mansyo. Agad akong lumapit sa bintana at tinanaw iyon. Halos pamulahan ako ng mukha ng makitang lumabas roon si Xander. Pero nagtaka ako ng pumunta siya sa passenger seat binuksan ito. Hinila niya palabas ang isang babae at marahas itong isindal sa kotse saka hinalikan. Nanlaki ang mata ko nakikita ko ngayon.
Akala ko ba galit siya sa mga babae. Pero bakit niya ginagawa 'to? Bakit siya nakikipaghalikan sa babaeng ito? Hindi... Hindi ko na kaya to!
Dali-dali ako lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan. Hindi ko paiiralin ang hiyang nararamdaman ko dahil lang sa hickey. Paano ko siya mababalik sa dati kung hahayaan ko siya gawin lang ang gusto niya.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng may humawak sa kamay ko. Si Manang Menda.
"Iha, huwag kanang makialam ikaw lang ang masasaktan." sambit ni manang habang hawak pa rin ang kamay ko. "At saka lagi naman niya iyang ginagawa", napailing pa nitong dugtong.
Lagi? Tsk! Mas lalong hindi ko siya papayagan ipatuloy 'to. Kailangan kong makialam kung gusto ko siyang ibalik sa dati kahit na..... kahit na pasakit ang magiging bunga nito sa akin.
"Manang, pasensya na po pero 'di kayang panoorin na unti-unti niyang sinisira ang sarili niya" magalang na turan ko habang pinagpatuloy ang paglabas sa mansyon.
Nasa ganoon posisyon pa rin sila ng madatnan ko kaya inis kong hinila ang laylayan ng polo ni Xander na ikinahiwalay ng mga nag-iespadahang labi nila.
Galit na binalingan ako ng malanding babae na halos lamunin na ang labi ni Xander. Napa irap ako ng maisip na nabitin ito sa ginawang paghila ko sa kahalikan niya.
"What's your problem, b*tch?", halos sumabog ang tenga ko ng marinig ang tawag niya sa akin. Me? B*tch? Then let me show you how b*tchy I am.
Mas hinila ko sa Xander papunta sa aking likod kaya nasa gitna niya ako at ng higad nato.
"Really? Well, you look b*tchier than I am. Look what you're wearing? Kinulang ka ata sa tela ate girl." mataray kong turan habang tinignan siya mula ulo hanggang paa dahil sa suot nitong napakaikli na halos lantad na pati kaluluwa niya.
Galit niya naman akong tinignan. "Are you kidding b*tch? Look how low class you are. Those cheap clothes.... Ewhh", ganti nito habang tinignan ang suot ko. "And by the way, who are to interup us? Huh?" medyo natigilan ako sa tanong niya. Sino nga ba ako sa kaniya?
"I-I'm her younger sister." medyo nauutal kung sambit. "And I won't let my brother touch someone like so you better get out", nakapamewang kong turan sa kaniya. Tahimik lamang si Xander sa likuran ko at hindi nakikisali.
Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko ang kamay niya. Napansin kong naka tingin si Mang Ben kaya naka isip ako ng plano. Sana kumagat siya.
"Mang Ben, pakawalan niyo nga iyong mga aso. Iyong mga bulldog po ha para lapain tong babaeng to", utos ko, medyo nalito pa siya pero kinidatan ko siya bilang signal. Sana makuha niya.
Maya-maya ay tumango ito at nag 'yes maam' bago pumunta sa likod. Lihim naman akong napangiti. Nakitang kong nahintakutan 'yong babae kaya mabilis siyang tumakbo palabas na halos magkadapa-dapa sa suot niyang mahabang heels. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Takot ka pala eh!
Sumigaw pa siya ng 'We're not done yet, you'll pay for this'
"Go on, maghihintay ako", mapanuksong sagot ko.
Napapitlag naman ako ng makitang may tumatakbo papunta sa amin habang nasa likuran si Mang Ben. Napatalon ako ng tumahol ito na parang galit. Ahhh, m-may aso talaga dito..?
"M-mang B-ben nnman...!Kunwari lang dapat, kunwari!", sigaw ko na ikinakamot niya sa kaniyang batok. Mabilis na akong tumakbo papasok sa mansyon. Nahawakan pa ni Xander ang kamay ko at pinipigilan akong tumakbo pero kinagat ko ang kamay niya dala ng matinding takot kaya nabitawan niya ako. Narinig ko pa ang mga mura niya pero 'di ko na siya tinignan pa.
-FASTFORWARD-
Nasa library ako ngayon dito sa loob ng mansyon. Sinabi ko kay Manang na ako na lang maglilinis dito pero ang totoo iniiwasan ko si Xander. Tapos ako pagnahuli ako ng taong 'yon. Pansin kong hapon na nang matanaw ko ang labas dahil sa bintana dito library.
Nang matapos akong maglinis naisipan kong magbasa muna saglit. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mapansin kong bumukas ang pinto kaya mabilis kong ibinalik ang libro at dali-dali sanang lalabas nang mapagtanto ko kung sino ang bumukas ng pinto. My ghad!
Yumuko ako ng 'di ko makayanan ang titig niya. Humakbang siya sa papalapit kaya umatras ako para maka iwas. Bakit ba lagi akong kinakabahan kapag ginagawa niya to. Napatigil ako sa pag atras ng bumangga ang paa ko sa upuan. Huhu dead end na ba 'to?
Iiwas na sana ako at dadaanan sa gilid niya para lumabas ng bigla itong nagsalita na ikinakaba ng dibdib ko.
"Sit, I want to be alone with you", sambit niya sa baritonong boses.
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...