CHAPTER 5: HIS REASON

480 23 1
                                    

ALEXANDER'S POV

Bumangon ako mula sa pagkakahiga pero agad ring napabalik ng higa habang sapu-sapo ang aking sumasakit na ulo.

"F*ck this hangover!" sambit ko habang mariing ipinikit ang aking mata at nahiga pa sandali nang mapansing nasa kama ako nakahiga. Lagi kasing sa couch ang bagsak ko pag umuuwi akong lasing. Napabalikwas ulit ako ng bangon ng mapansing iba na ang damit ko.

"Sh*t sinong pumasok sa kwarto ko!", inis kung sambit dahil hindi ako nagpapapasok ng kahit sino sa kwarto ko.

Sa inis ko mabilis akong pumunta sa banyo para mag shower. Pagkatapos ay nagbihis at dali-dali bumaba sa kitchen. Lintik sinong may sabing pwede silang pumasok sa kwarto ko.

Nadatnan ko si Manang Menda at isang babae na naghahanda ng agahan. Nabigla sila at sabay na napalingon nang malakas kong hinampas ang dining table

"Who the hell entered my room?" sigaw ko at nabitawan ng babae ang hawak niyang sandok, pero wala pa ring sumasagot sa tanong ko at takot lang silang napatingin sa akin.

"Answer me!" bulyaw ko at unti-unting itinaas ng babae ang nanginginig niyang kamay kaya agad ko siyang nilapitan at marahas na isinandal sa ref napadaing pa sya pero wala akong paki alam.

"S-sir, sor-ry hh-hindi ko po a-alam", takot na sagot nito habang nagkanda utal-utal. Lalo pa siyang napadaing ng hawakan ko ng mahigpit ang braso siya.

"Well, now you know. Subukan mo ulit pumasok at malilintikan ka sakin" banta ko sa kaniya at marahas siyang binitawan kaya napa upo siya sa sahig habang naluluha.

"Pasensya na po kayo sir bago po kasi siya at hindi niya pa po alam ang mga bawal gawin sa mansyon. Humihingi po ako ng sorry" sambit ni manang ng nakayuko

"Then make sure na maiitindihan niya ang mga bawal dito dahil ayaw ko sa mga taong bobo!" mariing turan ko habang nakatingin sa nakayukong babae at mabilis na lumabas ng bahay.

"What a slut", sambit ko habang nasa sasakyan ako. Alam kong pera lang ang habol ng babaeng yon kaya niya sinadyang pumasok sa kwarto. Tsk, golddigger!

Patuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang makarating ako sa bar ng kaibigan ko.

"Yow, bro ang aga naman ata." turan ni Jack na may ari nitong bar

"Mukha atang aborido si Alexander ah. Ano bro nabitin ka ba? pilyong namang tanong ni Niel habang umiling na lang si Christian at inhabot sa akin ang isang baso ng whisky.

"Could you just shut the f*ck up." inis kung sabi sa kanila. Napailing na lamang sila at natawa.

Ito ang buhay ko and yes I'm a bad guy.  I hate girls dahil pera lang ang habol nila. Hindi sila dapat siniseryoso dahil pang kama lang sila. I have friends na kasama ko sa mga kalokohan ko. Jack Mill, Neil Cruz, at Christian Ford na parehong may pinagkakaabalahang negosyo while me, walang plano sa buhay.

Nakapagtapos na ako pero wala sa plano ko na manahin ang pagiging CEO ng sikat na  IT Company hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Tsk, para saan pa? Wasak na ako ng talikuran ako ng babaeng mahal ko para lang sa pera. Ito ang rason kung bakit naging bato ang puso ko. Kaya pinangako ko sa sarili na hindi ulit ako magmamahal dahil pare-pareho lang sila. Pera ang habol kaya tama lang na kamuhian sila.
#



Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon