CHAPTER 20: HE REMEBERS ME

430 16 2
                                    

ALEXANDER'S POV

Nasa sala kami ngayon at nanonood ng palabas samantalang nasa kwarto naman si Rose at nagpapahinga na. Umuulan sa labas at malakas rin ang kulog. Maya-maya ay bigla ko na namang naalala ang paglapat ng labi ko sa labi ni Rose kanina. Her lips was soft..... and sweet? Arghhh!!!!What am I thinking?? Maraming labi na ang natikman ko kaya bakit ako nanininabo sa labi niya. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko at 'di nagtagal ay nagpaalam na akong umakyat para magpahinga.

Nang nasa kwarto na ako nakita ko si Rose na nakatalukbong ng kumot. Pansin kong para itong takot pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Humiga agad ako sa kama.

Kumulog ng malakas at kitang-kita kong napaigtad si Rose. What's happening to her? Is she? Nakumpirma ko ang katanungang nasa isip ko ng kumulog ulit ng malakas at paigtad na naman siya habang impit na napasigaw. She's afraid of thunder.

Nilapitan ko siya at niyugyog pero laking gulat ko ng humarap itong may luha sa pisngi at agad-agad na yumakap sa akin ng mahigpit. She's trembling!

"Hey, what happened? Are you okay?", tanong ko parin kahit alam ko na ang sagot.

Umiling agad siya sa tanong ko. "I'm--I'm scared of thunder.", sagot nito habang yakap parin ako.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at binuhat siya papunta sa kama. Inihiga ko siya at kinumutan habang humiga naman ako sa kabilang side. Aangal pa sana siya pero nagsalita na ako.

"Just sleep here, I know you're still scared. I won't do something bad to you", wala na siya nagawa pa at tumango na lang.

Tuloy-tuloy pa rin ang ulan at pagkulog pero pansin ko pa rin ang bawat pag-igtad niya. Kaya inabot ko ang kamay ko sa kaniya.

"Come on, give me your hand.", ayaw  parin niyang iabot ang kamay niya pero nang kumulog ulit, mabilis pa sa alas kwatrong hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Sa bawat pagkulog ay humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakatagilid ako sa kaniya at pinagmamasdan siya. Mukhang unti-unti nang nawawala ang takot niya. Kapagkuwan ay naramdaman kong nakatulog na siya dahil lumuwag na ang hawak niya pero imbes na bitawan ko siya mas hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kamay niya. It somehow makes me relax. I don't know why am I feeling this right now. Imposibleng magustuhan ko siya dahil hindi naman siya 'yong tipo kong babae. Sa kaiisip hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

STEFFANY'S POV

Nasa byahe na kami ngayon pauwi kina Xander. Kanina pa ako walang imik at pinamumulahan habang naalala ang posisyon namin ni Xander kaninang umaga sa kama.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, tatayo na sana ako ng mapansing may mabigat na nakadagan sa bewang ko. Kinabahan ako ng makita ng kamay ito ng isang lalake. Unti-unti kong inangat ang paningin ko at mas nagulat ako dahil naka intertwined ang isa pa naming kamay habang pareho kaming nakatagilid.

Muntik akong mapasigaw ng mapagtantong si Xander ang nasa harap ko at ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Ramdam ko ang mabango nitong hininga kahit hindi pa ito nagkakapagsipilyo.

Dahan-dahan kong ikinalas ang sarili ko sa kaniya at mabilis ngunit tahimik na tumakbo ng banyo. Pulang-pula ang mukha ko kaya dali-dali akong naligo.

Napailing na lang ako sa naalala. Sa kakaisip ko hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa mansyon pero nagtaka ako ng may sasakyan at may binubuhat na bagahe ang mga katulong. Nang tignan ko si Xander walang imik lamang ito. Agad siyang lumabas ng sasakyan at dere-deretsong pumasok sa loob ng mansyon. Nilapitan ko naman si Manang Menda.

"Hello po Manang, ano pong meron?", tanong ko rito.

"Oh, iha nakabalik na pala kayo. Halika rito at tulungan mo kaming magpasok ng mga gamit kararating lang din ng mga magulang ni Alexander.", kumabog ang dibdib ko sa gulat

"Ma-magulang h-ho?", namumutla kong tanong. Pano kung makilala nila ako? Tumango lang si Manang sa tanong ko at binigyan ako ng bag na ipapasok sa loob. Nanghihina namam akong naglakad.

Napatigil naman ako sa palalakad nang makarinig ako ng pagtatalo. Nang tignan ko ito. Nakita ko si Xander na nakaupos sa sofa sa sala habang kaharap nito ang mga magulang niya.

"You can't control my life like this!", malakas na sigaw ni Xander sa ama.

"Don't try me son. Stop acting a child be a grown up man now. Ikaw ang magmamana ng kompanya. You're just destroying your life ng dahil sa babaeng 'yon", tugon ng ama na halatang nagtitimpi rin sa ugali ng anak.

"I'm destroying my life?", pagak namang napatawa si Xander

"You--you're one who destroyed me!", singhal nito sa ama habang tinuturo ito at tumayo.

Napasinghap ako ng tumayo ang mommy niya at sinapal si Xander sa pisngi.

"Where is your manners son? He's still your dad kaya matuto kang rumespeto", galit na turan ng kaniyang ina.

"What? You're siding with him again mom?", kita ko sakit sa mga mata niya.

"He's the reason why I'm in this mess mom. Don't you remember? Inilayo niya sa akin si Celine. Inilayo niya ang kaligayahan ko mom. Ilang ulit niya ng ginawa 'to!", nasasaktan ako sa mga naririnig ko. Ganoon ba talaga niya kamahal si Celine? Kaligayahan niya?

Napayuko na lang ako ng may luha ring lumabas sa mata ko. Ikaw rin ang kaligayahan ko Xander kaya napakasakit makita na nahihirapan ka dahil sa ibang babae. Napaangat ako ng tingin ng marinig ang ama niya.

"She isn't enough my son. Kailangan niya pang patunayan ang sarili niya kung karapat dapat siya sayo.", sambit ng ama. Pagak akong napatawa dahil ang ama rin niya ang dahilan kung bakit ganito si Xander. Gaya rin pala ito noong nangyari sa amin.

"That's bullsh*t dad! Kaya ba binigyan mo siya ng pera? Binayaran mo siya para iwan ako.", napailing siya habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

"I don't really know if you care about me or all you---all you just care is our business", huling sambit ni Xander bago umalis bahagya pa siyang nagulat nang makita ako pero nilampasan niya lang ako at lumabas ng bahay.

"Xander! Get back here, we're not done yet.", sigaw ng ama pero pinigilan siya ng asawa niya.

Natigilan ako ng makitang nakatingin ang mga magulang niya sa akin. Mariing sinusuri ng ama ni Xander ang mukha ko. Agad akong yumuko ng magtagis ang bagang nito. Imposible namang makilala niya ako 'ba ba? Si Xander nga hindi ako nakilala eh!

"Magandang hapon po Sir, Maam. Ako po 'yong bagong katulong galing probinsya. Ako po si Trixie Rose Domingo", pagpapakilala ko at yumuko. Pero gulat ako sa naging tugon nito.

"Do you really think you can deceive me Steffany Rose Ramirez.", nabato ako sa kinatatayuan ko ng my diin ang bawat pagbanggit niya sa pangalan ko.

He remembers me!?
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon