STEFFANY'S POV
Nasa sala ako ngayon at masayang nagboborda. Na miss ko talaga 'to. Isa 'to sa mga paborito kong ginagawa. Natatawa na lang ako ng marinig ko ulit ang iyamot na boses ni Trixie na kaharap ko lang naman. Kanina pa siya naiinis dahil ayaw kong sumama sa kaniyang mamasyal sa mga kalapit na baryo sa amin.
Bakit naman ako sasama sa kaniya? Kilala ko ang pinsan kong 'to. Sa kapilyahan nito siguradong ipapakilala lang niya ako sa mga lalake sa kalapit na baryo. Irereto lang naman niya ako. Gusto niyang ipamukha sa akin na hindi ko kailangan ipagduldulan ang sarili kay Xander dahil marami na man umanong ibang lalake sa tabi-tabi.
Lalake sa tabi-tabi? The h*ck! Iba rin talaga itong pinsan ko. Ang lakas niyang ireto ako, ni siya nga wala ring jowa. Tsk! Naiiling na lang ako sa kalokohan niya.
Narinig ko ulit ang buntong hininga niya. Pang-ilang beses na ba 'to? Natatawa ako ng makitang bagot na bagot siyang nakatingin sa akin.
"Ano ba namang mukhang 'yan Trixie, mag-borda ka na lang kaya diyan?" napahagalpak ako ng tawa ng nakabukas ang bibig niyang napatanga sa akin na parang bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Talaga lang pinsan? Alam mo namang ang pagborda ang pinakahuling bagay na gagawin ko 'di ba? I hate arts! Wala akong talent diyan" naiinis na sambit nito habang humalukipkip. She's adorable when she's irritated kaya lihim na lang akong napangiti.
"Hindi mo kasi sinusubukan, lagi na lang lalake ang inaatupag mo. Pero hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend. Why so cousin?" hindi siya nakatiis kaya inis na siyang tumayo.
"Ayan ka na naman eh! Ako lalake lagi ang inaatupag? Iniinis mo ba ako pinsan? Well, sige ipapakita ko ang talent ko sayo. Maghintay ka diyan." sambit nito saka padabog na umalis sa harap ko, kita ko pang may tatawagan siya bago tuluyang naka alis. Ano na naman kaya ang binabalak ng babaeng 'yon?
Napangisi ulit ako ng mapagtantong nanalo ako. Yups, that's our bond together, to annoyed each other. Paunahan na lang lami kung sino ang unang mapipikon. Well, panalo ako ngayon. Halatang pikon na pikon ang magaling kong pinsan. Try harder Trixie! Alam kong weird pero sanay na kami at nag eenjoy naman din kami.
Pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagboborda habang nakangisi pa rin. Damn! I'm so happy na kahit ngayon lang ay nagawa kong tumawa ng totoo. Sa nakalipas na buwan ay halos nakakalimutan ko ng ngumiti, kapag ngumiti naman ako minsan ay pilit. Pero nang makita ko si Xander na unti-unti bumabalik sa dati ay 'di ko mapigilang mapangiti.
Naalala ko na naman siya. Magdadalawang araw pa lang pero nami-miss ko kaagad siya. Gusto ko agad makita ang ngiti niya. Muli kong itinuloy ang pagboborda nang maisip ko ang panyong dapat sanang ibibigay niya sa akin noong birthday ko. Dalhin ko kaya ang mga gamit na ito?
Napangiti ulit ako sa naisip pero agad rin itong nawala at basta ko na lang nabitawan ang hawak kong tela na kanina lang ay binuburdahan ko nang marinig ang pamilyar na boses sa likod ko.
Namamawis at namumutla na ata ako sa kaba. Sh*t! What is he doing here?
Paano niya nalaman na nandito ako.
Nanghihina akong lumingon at hilaw na sinalubong ito ng ngiti."My pancake!" masayang sigaw nito saka tumakbo sa akin.
No! No! I don't like this! Akma na akong tatayo pero huli na dahil niyakap niya ako ng mahigpit na halos ikaguho ng sistema ko. This creepy creature is hugging me? I can't believe this!
Nakita ko ang pilyang ngiti ng pinsan ko na nakahawak sa siradura ng pinto. She called him? Arrggh! I hate her! Talented nga talaga siya pagdating mga lalaking ikakapikon ko. Mukhang nakabawi ata ang gaga kong pinsan.
Napatanga na lang ako kay Trixie when she mounted 'Good luck couz' saka masayang umalis habang nagsasayaw-sayaw pa. Alam na alam niya talaga ang ikakainis ko.
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...