"Ikaw Sage sama ka ba?" tanong ni Porter"Yeah,I'm going to finish this first baka bugahan ako ng apoy ni Lucas" ani Sage na narinig pa siyang tuwama sa kabilang linya ni Porter
"Ooh then you must be hurry chicks are going crazy here" pang iinggit ni Porter
"Sige na, ibaba ko na 'to." ani Sage
Pagbaba niya ng cellphone ay tumunog ulit ito.
Numero lang ang nasa screen.
Pinindot niya ang answer button
"si Milo ba ito?"
"Sino to?" ani Sage na seryoso ang tinig
"Si Ava ito, yung anak mo umiiyak, hinahanap ka ata, ayaw niya tumigil" ani Ava
"Baka kulang lang yan sa gatas, gutom lang yan" ani Sage
"kakatapos lang niya uminom, nagtatrantrum siya gusto niya ng kalinga ng ama kaya kahit saglit lang pumarito ka para naman maramdaman niyang may tatay siya" paliwanag ni Ava
"Oo na, send mo na lang address, papunta na ako" ani Sage. Kinuha lang niya ang coat at tyaka lumabas ng opisina. "Layla, aalis na ako. Bukas ko na tatapusin yan, may importante akong pupuntahan" pagpapaalam niya sa sekretarya niya
Tumango lang si Layla sa sinabi ng boss
Nasa daan na siya ng matanggap niya ang address. Nag dial siya ng maalala niya ang napag-usap nila ni Porter.
"Oh ang bilis mo naman yata tinapos yan, excited ka na bang makita ang mga chikababes dito?" tanong ni Porter
"Pass may biglang tumawag emergency" ani Sage
"ang labo naman dude, sige next time na lang. Make sure pupunta ka ha" ani Porter
"sige na" tipid na sagot na at tyaka inend ang button.
Paghinto ng sasakyan ay sumilip pa siya sa bintana kung tama ba ang address na ibinigay sa kanya. Bumama siya sa sasakyan at dahan dahang lumapit sa gate. Tinignan ulit ang screen at binasa ang address. Lumingon llingon siya sa paligid, may mga nag-iinuman sa looban. Para siyang tenement style ang naturang lugar.
Kumatok siya sa gate. Ang mga naroon ay napatingin sa kanya. Ang ilan ay nagtatanungan pa.
May lumapit na lalaking malaki ang katawan. Ponagbuksan siya ng gate nito.
Tumikhim ito na parang may bumara sa kanyang lalamuna. "Andiyan po ba si Ava Saavedra?" tanong niya dito.
Halatang malaking tao ito dahil sa height niyang 6'1 ay tinitingala pa niya ang lalaki.
"ah si Ava, bakit mo siya hinahanap?" tanong nito
"Tumawag kasi siya,pinapapunta niya ako sa bahay niya." paliwanag niya
"Sandaliblang. Diyan ka lang" aniya at tyaka isinara ulit ang gate
Napaatras ito sa lakas ng bagsak ng pinto ng gate. Nakakunot noo itong sinilip ulit sa loob.
Maya maya ay nakikitaa na niyang naglalakad ang taong hinahanap niya karga karga ang sanggol.
Nang magbukas ang pinto ng gate ay hinila niya ito sa labas. Nakita iyon ng mga lalaki. "Ava may problema ba diyan?" tanong nang isa
"Aah wala po mang rene!" sigaw niya dito na sumilip pa at tumango.
"ano ba, bakit ka ba nanghihila diyan" reklamo ni Ava
"Ano bang klaseng lugar to ha, kaya siguro umiiyak yan dahil sa mga taong maiingay na yan!" ani Sage
"Hoy bago ka mag conclude diyan alamin mo muna kung bakit umiiyak anak mo, tyaka FYI mababait ang mga kapitbahay ko. Ang tinement na yan ang kilala dito na mga mababait at nagtutulungan" paliwanag niya
Halatang hindi interesado si Sage sa paliwanag ni Ava dahil hindi siya nakatingin kay Ava.
"Hindi naman na umiiyak ang baby pwede na siguro akong umalis?" ani Sage
Napasinghap si Ava ang nginisihan niya si Sage
"Anong akala mo sa anak mo ha, ni wala pa nang ilang minuto mong nakita, di mo man lang hinawakan at kinumusta aalis ka na agad. Anong klase kang ama ha?" angil ni Ava
"shhhh ang dami mo dada, ano ba kita ha... Baka nakakalimutan mo na ako nagpapasahod sayo, amo mo ako kaya ayusin mo pananalita mo." ani Sage
"Amo nga kita pero kasi magkaroon ka naman ng affection sa baby, parang hindi mobsiya anak ah" Giit pa ni Ava
"Pinaglihi ka ba sa manok at putak ka ng putak." inis na sabi ni Sage
"Ayaw mo lang marinig kasi nga truth hurts." ani Ava na umirap pa.
Dumukot siya sa bulsa. Naglabas siya ng pera at ibinigay kay Ava.
"Kakabigay mo lang unang sahod ko nung isang linggo ah" ani Ava
"Idagdag mo para hindi magutom yan, aalis na ako" ani Sage at tyaka mabilis na sumakay mg sasakyan.
"Teka lang paano naman itong bata" ani Ava pero hindi na siya napakinggan dahil umalis na si Sage. "Haaayst walang pinagbago suplado rin hanggang ngayon. Sayang ka eh crush kita noong high school tayo dahil ang gwapo mo pero suplado akala mo naan siya lang ang gwapo sa school emmmps! Halika na sa loob baby kung ayaw sayo ng daddy mo ako na lang magmamahal sayo. Hindi ba niya nakikita kung gaano ka kacute at malambing?" aniya sa sanggol
May oras pa siya at maaga pa pero hindi na siya pumunta sa bar, umuwi na lang siya sa flat at uminom mag-isa. Niluwagan niya ang neck tie at tyaka sumadal sa malaking single sofa. Ipinatong niya ang paa sa lamesang salamin at sumisimsim ng alak.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)