Umalis si Sage ng hindi nagpapaalam, hinayaan niya ng mag-isa si Ava na asikasuhin ang mga bisita. Sumasakit na rin ang paa nito sa taas ng heels niya. 5'7 lang kasi ang height niya kaya kailangan mataas ang heels para maabot ang height ni Sage na 6'1.
Hindi siya sanay sa ganoon kataas na heels, sa opisina na hanggang 2inches lang nahihirapan na niyang ilakad yun pa kayang 6inches.
Umupo siya sa gilid at minamasahi ang talampakan. Medyo kunti na rin ang mga bisita kaya umupo siya saglit. Lumapit si Porter sa kanya
"Congratulation" bati ni Porter
Pag angat niya ng ulo ay nakita niya ang kaibigan ni Sage na si Porter. "Thank you" tipid niyang sagot
"anyari diyan?" tanong niya
"hindi kasi ako sanay magsuot ng ganito kataas na heels. Wala naman akong choice kasi mapagkakamalan akong bansot kapag magkasam kami ni Sage at tyaka utos ni Madam Felomina" ani Ava
"Ooh bakit madam pa ang tawag mo kay mamita?"ani Porter
"Hindi pa kasi ako sanay, nahihiya akong tawagin siya ng mamita eh" mahihiyang sambit ni Ava
" sa bagay, masasanay ka rin kapag tumatagal na" ani Porter.
Tumango tango na lang siya dito. Napalingon sila sa paparating na si baby Sabrina dahil sa tawa nito habang karga karga siya ng yaya nito.
"Hi Sabrina, yung pangako ko sayo maglalaro tayo" ani Porter
Kinuha niya ito at isinayaw siya, sinabayan niya ang tugtog. Tuwang tuwa ang baby sa ginagawa nila. Gustong gusto niya iniikot siya sa iri ni Porter.
Bumuntong hininga si mamita habang pinagmamasdan ang manugang.
"Mama kanina pa kayo diyan bumubuntong hininga" ani Ofelia na nahalata niya ang mama sa pagbuntong hininga nito ng sunod sunod.
"Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko" ani Felomina
Nakakunot noo si Ofelia na sinundan ng tingin ang mga mata ng mama.
"Oh anong ibig ninyong sabihin?" ani Ofelia
"Hindi ako kumbinsido na mahal niya ang apo ko, kung pera lang ang habol niya malilintikan yan sa'kin" ani mamita
"Mama hindi pa tapos ang okasyon kung ano ano na ispikulasyon ninyo" ani Ofelia
"Ah basta iba ang pakiramdam ko sa babae na iyan. Ibang iba kay Arriette, sa umpisa pa lang ay alam ko na agad na sila ni Lucas ang magkakatuluyan. Ewan ko sa dalawa kung totoo ba ang ipinapakita nila" ani Mamita
"Eh asan ba si Milo?" tanong ni Ofelia na hindi niya mahagilap ang anak
"Ang sabi ng tauhan umalis daw ito, mabilis ang patakbo" ani mamita
"Bakit hindi man lang niya pinatapos ang okasyon, tyaka iniwan niya mag-isa dito si Ava" nagtatakang tanong ni Ofelia
"Hindi ako panatag sa dalawang ito, may dapat akong gawin" ani mamita
"Yan ka nanaman mama, hindi ka lang detective cupid ka pa" ani Ofelia
"Shhhh kaysa naman ikaw, naturingan na nanay ng apat na brusko pero sing lambot marshmallow ang puso mo kaya hindi sila nasisindak sa mga sermon mo" ani mamita
"Eeeemp" ani Ofelia
Umuwi si Ava kasama si Sabrina sa flat. Naglalaro sila ni baby sa kama, medyo hyper ngayon si baby kaya hirap siyang patulugin. Dahil sa pagod ay ay nakatulog si Ava. Napabayaan niyang gising si baby Sabrina na naglalaro. Wala siyang kamalay malay na nahulog na ito at umiiyak.
Nadatnan ni Sage na nasa sahig si baby. Iyak ng iyak pero si Ava ay mahimbing ang tulog. Kinuha niya ang baby at inalo niya nito.
Nang tumahan ang baby ay inilagay niya muna ito sa crib. Marahas na tinapik si Ava para magising.
Napakurap kurap pa ito sa tindi ng tulog.
"Gumising ka nga diyan! Hindi mo ba narinig ang iyak niya. Nahulog na lahat lahat si baby mahimbing pa ang tulog mo diyan" galit na sabi ni Sage
"Sorry nakatulog ako sa sobrang pagod" paghingi ng paumanhin ni Ava na mabilis kinuha si Sabrina at kinarga
"Baka nakakalimutan mo, hindi porket kinasal tayo ay ganun na rin tayo sa isa't isa. Babysitter ka niya kaya gawin mo ng tama ang trabaho mo dahil pinapasuwelduhan kita" ani Sage
"Sorry talaga, hindi na mauulit" ani Ava
"Dapat lang dahil hindi pinupulot ang pinapasahod ko sayo, huwag kang opotunista" seryosong ani Sage
Nagpintig ang tenga ni Ava sa narinig. "Hindi naman po ako ganoong klaseng tao. Ginagawa ko ng tama at maayos ang trabaho ko, nagkataon lang na napagod ako ng husto dahil sa pag asikaso sa mga bisita ng mag-isa kaya nakatulog ako. Hindi po ako oportunista tulad ng iniisip niyo sa akin. Mahirap lang po ako pero hindi ko gawain ang ibinibintang ninyo" ani Ava na naluluha habang simasabi iyon
Kumampay sa hangin si Sage at tumalikod. Pasuray suray itong lumabas ng kwarto.
Pumatak ang luha ni Ava sa iniisip nito sa kanya. Nakatitig si Sabrina sa kanya. Nangingilid din ang luha. Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya at ngumiti. Alam ng baby damayan ang mommy niya.
"ssshoooo huwag ka na umiyak baby, mahal na mahal ka mommy. Sorry kanina kung nahulog ka dahil sa kapabayaan ko, promise hindi na iyon mauulit" aniya dito at idinampi ang pisngi niya sa pisngi ni Sabrina.
Natulig na si baby sa balikat niya. Siya naman ngayin ang hindi makatulog.
Noon pinapangarap niyang ikasal, na may magandang gown. Natupad nga iyon pero sa maling tao pa, sa isang lalaki na wala naman siyang kahit kunting nararamdaman na pagmamahal. Sa lalaki na mababa ang tingin niya sa kanya. Na isa lang siyang babae.
"Ganito pala ang feeling ng makasal sa estranghero, napapanood ko lang ito sa tv at nababasa sa libro noon." aniya sa sarili. Napabuntong hininga na lang ito.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)