Chapter 31 ( Great pretender )

1.4K 42 0
                                    

"Alam mo huwag ka na magalit, dahil nga sa nangyari umaayon ang plano natin, pati ang matanda napaniwala ko, pasalamat tayo kay Hunter dahil siya ang naging tulay." ani Jessica sa kausan na si Pirter sa kabilang linya.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako iniisahan dahil masama ako magalit kapag niloloko ako" ani Porter

"Huwag kang mag alala, iyan ang huling iisipin ko" ani Jessica na umirap pa ito sa hangin. "Sige na baka madatnan  pa ako rito" aniya

Pagkatapos ay suyang suya siya kay Porter. Never niyang naging gusto ito. Para sa kanya laruan lang si Porter na kayang kayang paikutin sa kamay.

Lumabas siya ng kwarto. Nadatnan niya si Ava na nilalaro niya si Sabrina sa may Garden.

Lumapit ito sa kanila. Umupo siya sa couch katapat ni Ava.

"Good morning sweet Ava" ani Jessica.

Hindi siya pinansin nito. Tuloy tuloy lang siya sa pakikipaglaro sa baby.

"Haaay naku, ang ganda ganda ng araw pero ang iba diyan nagdidilim ang mukha" aniya na sumandal sa couch

"Tara na Sabrina sa loob, magluluto tayo ng lunch ni daddy" ani Ava kau baby

Inirapan niya si Ava pero hindi siya binalingan man lang ng tingin. "Ambisyosa akala mo naman anak mo"

Naiinip siya na andoon lang sa mansion. Nagpagala gala siya sa paligid. Nagkalat ang mga tauhan sa buong paligid. Hindi siya sanay na hindi umaalis, ang planong pag pirme sa loob ng bahay ay wala sa bokabularyo niya pero sa pinaplano nila ay kailangan niyang pagtiisan.

Nakaramdam ito ng gutom, may naamoy siyang masarap. Nagtungo siya sa dining area. Nakita niyang umupo si Sage. Pinagsisilbihan siya ni Ava. Lumapit siya sa kanila at naupo kahit walang pahintulot.

"Naamoy ko mula sa labas ng Garden nakakagutom pwedeng makikain?" aniya na ngumiti kay Ava

(Aba anong nakain nito at biglang tao kung magsalita) ani Ava sa isip

Hindi niya hinintay ang sagot ni Ava kumuha siya ng kanin sa plato niya at ang ulam na niluto ni Ava.

Umupo si Ava sa tabi ni Sage  habang nasa gitna nila Sabrina. Tapat naman ni Sqge si Jessica. Hindi nila ito pinapansin.

"You cooked this great." ani Jessica

hindi pa rin siya pinapansin ng mga ito.

"Ang bait bait naman ni baby Sab, daddy ooh dapat may pasalubong siya mamaya kasi kumakain siya ng vetegables" ani Ava

"Very good naman ng baby namin, manang mana sa daddy ah" ani Sage

"Sa akin kaya nagmana si Sab" ani Ava

"Sa katakawan oo" pagbibiro ni Sage

"Ang bad mo talaga, baby narinig mo iyon. Mag demand ka ng pasalubog yung Pizza donut at Pesto" ani Ava kay baby

"Oooh baby makakain mo yun, bilib na talaga ako..." ani Sage

Nabubwesit na si Jessica sa hindi pagpansin sa kanya ng dalawa. Tumayo siya at kinalampag ang mesa.

Nagulat sila pero hindi pa rin nila ito tinignan. Si baby sa gulat ay umiyak.

"ssshhhhhh tahan na baby, halika total tapos na tayo kumain doon na tayo sa kwarto, maliligo na tayo" ani Ava.

"Tara sama ako" ani Sage

Sabay silang tumayo at pumanhik sa kwarto. Pagsara ng pinto ay nakahinga ng maluwag si Ava.

"Sa ginawa nating mas lalo siyang nagalit" ani Ava

"Hayaan mo siya, para walang gulo huwag na lang pansinin, okay na yun. Hindi muna ako papasok sa kompanya" ani Sage

Si Sage ang naghihili kay baby Sabrina habang si Ava naliligo.

Nakita ni Jessica ang sewang sa pintuan ng kwarto nila Sage. Sumilip siya sa loob. Wala siyang makita oh baka sa luwang ng kwarto ay hindi lang niya abot tanaw ang kabuuan.

Naka night gown si Ava na biglang bumungad sa kanya. Inaayis niya ang sapin sa kama.

"Magpakasaya ka na dahil hindi na magtatagal ang posisyon mo bilang asawa." bulong ni Jessica sa sarili. Ngumisi ito at tyaka umalis ng padabog.

"Bwesit, hindi nila ako pinapansin. Ginagalit talaga ako ng Ava na iyan... Nagkamali ako ng maliitin ko siya, baka siya pa ang humarang sa mga plano nito.

Tumunog ang phone nito.  Kinuha niya  sa bedside table ang phone nito.

"napatawag ka?"

"wala ka bang balak lumabas diyan?"

"ano ka ba, kapag lumabas ako baka paghinalaan nila ako"

"Paano naman ako, may pinagkasunduan tayo, kapag hindi ka lumabas mamayang gabi pupintahan nita diyan"

"Yan ang huwag na huwag mong gagawin Porter, mabubuko tayo, pupunta ako!"

(Bwesit kung hindi lang kita kailangan matagal na kitang dinispatsya)

Itinapon niya sa kama ang phone niya at nagpunta ng banyo. Itinapat ang mukha sa shower, ninanawnam ang maligamgam na tubig mula rito. Pag pikit niya ay may nakita siya sa kanyang isip. Nagmulat ito at napahawak ang mga kamay sa pader.

(Patay ka na, bakit ayaw mo akong lubayan.... Tantanan mo na ako!!!) sigaw niya. Umiiyak ito sa galit. Kinalma niya ang sarili at tinapos agad ang pagligo.

Umupo siya sa gilid ng kama, tuliro. Bumabalik sa isip ang mfa nangyari sa kanya. (You can't stop me, patay ka na kaya manahimik ka na!!!!) aniya habang marahas na sinusuklay ang buhok. Hindi ito kumukurap. Makikita mo sa mga mata niya ang galit at takot.










The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon