"oh bakit parang gulat na gulat kayo? " tumawa ito ng malakas. Hindi niya napansin ang paglapit ni Lucas sa kanya at hinawakan siya sa braso.
"Ano ba, bitawan mo nga ako Lucas!Hindi mo ako pwedeng paalisin, hindi ako pwedeng mawala sa okasyong ito dahil ako" itinulak niya ng malaks si lucas at pumunta sa harapan at itinaas ang papel. "Ako ang tunay na nanay ni Sabrina at hindi ang importor na iyan! Narito sa kamay ko ang katibayan na ako ang tunay na ina ni Sabrina!" lumapit siya kay mamita at itinapon ito sa mukha ni mamita.
Napasinghap si Ofelia sa pambabastos ni Jessica sa kanyang mama.
Ang mga tao ay nagbubulong bulungan na, si Sage at Hunter ay nagulat sa rebelasyon ni Jessica. Hindi nila akalain na si Jessica ang nanay ni Sabrina, nakaramdaman ng matinding takot sa dibdib si Ava at mahigpit na jinawakan si baby Sabrina. Niyakap niya ito ng mahigpit.
Pinulot ni Herrero ang papel at pinagpagan, ibinigay niya iyon kay Donya Felomina.
Kontrolado ang emosyon ni mamita na inabot iyon at binasa. Isang DNA result, nagpapatunay na si Jessica nga ang tunay na nanay ni Sabrina. Kinusot niya ang papel ng marahas sa halo halong emosyon ni mamita.
"Mama, totoo ba na si Jessica ang biological mother ni Sabrina?" nag aalalang tanong ni Ofelia
"Palabasin ang babaeng iyan" tanging sambit ni mamita.
"tama ako diba, nagulat ko ba kayong lahat? Binayaran lwng ni Sage ang imposter na iyan para maging yaya ng bata, oportonista pa ang ava na iyan, gumawa pa siya ng kwento para maikasal sa isang Mariano at huthutan kayo ng pera. Alam naman ng lahat kung gaano kayaman ang Mariano. Ngayon, sabihin ninyo sa akin na ako ang nagpapanggap at hindi siya!" ani Jessica.
Lumapit sa kanya ang dalawang nakatuxido. Hinawakan siya sa magkabilang braso.
Bago pa man mailayo si Jessica ay sumigaw pa ito.
"gusto nyo pa ba ng rebelasyon? Ano ba bitawan ninyo ako" pagpupumiglas niya sa dalawa. "Totoong si Sage ang ama ng bata" dagdag pa niya.
Nanlambot ang tuhod ni Ava sa mga sunod sunod na rebelasyon ni Jessica. Hindi na niya kayang tumayo pa roon at hintaying pumatak ang mga luha sa mga mata niya.
Iniabot niya si baby Sabrina kay Sage ng hindi man lang lumilingon at umalis. Tumakbo ito, lumayo siya sa lugar, habang tumatakbo ay hindi rin magkamayaw ang mga luhang pumapatak sa kanyang mata. Hanggang sa makaramdaman ito ng pagod sa mga paa sa walang hintong pagtakbo.
Pinauwi na ang mga bisita at umuwi na sina mamita at Ofelia.
Naiwang tulala si Sage na nakaupo sa upuan kasama si Sabrina. Ang hinahangad na maging anak na lang sana si Sabrina ay naging totoo nga, kaya pala ang gaan gaan ng loob niya sa bata.
Gabing gabi na ng umuwi si Ava sa mansion. Madikim sa loob, tahimik at walang tao. Dumiretso siya sa kwarto, hindi niya nakita si Sabrina, napaupo siya sa gilid ng kama. Nagtataka siya king bakit walang tao sa mansion o di kaya ay nasa resort pa ang mga ito.
Iniligpit niya ang mga laruang naka kalat, nakita niya ang litrato sa gilid ng kama. "tapos na trabaho ko, ngayong alam na nila ang lahat kailangan ko na umalis."aniya habang hawak hawak ang larawan. Pinahid niya ang mga luha at ibinalik iyon sa pinagkuhanan niya. Nagpunta siya sa walking closet at inilabas niya ang dating damit at imilagay sa malaking bag. Humihikbi ito habang nag iimpake.
Napabungtong hininga siya ng makita matapos. Pinqgmasdan niya ang buong paligid, labis na lungkot ang nararamdaman niya. Ang masayang alala na binuo nilang tatlo sa silid na iyon ay mananatili na lang mga alala.
Lumabas na siya ng kwarto at dahan dahang bumaba ng hagdan. Nang nasa baba na ay biglang bumukas ang ilaw sa tapat ng sala.
"Saan ka pupunta!"
Nagulat aiya ng mqgbukas ang ilaw at may biglang nagsalita. Paglingon niya ay nakita niya si mamita na nakaupo sa couch.
"Halika rito" ani mamita na hindi man lang tumitingin kay Ava. Maawtoridad ang tono ng boses nito.
Tumango si Ava at dahan dahan itong naglakad papalapit sa sala.
Huminto siya sa harapan ni mamita at nakayuko. Kagat kagat niya ang pang ibabang labi.
"Sinong nagsabing umalis ka? Nakalimutan mo na ba na asawa ka ng apo ko?" ani mamita
"Kasi ho hindi naman po totoo yung lahat, na nagpapanggap lang kami ni Sage, na nagsinunggaling ako. Sorry po mamita" ani Ava na lumuhod sa harapan ni mamita at humahagolgol sa pag iyak.
"Niloko niyo kami lahat sa ginawa ninyo. Alam mo ba kung anong kaparusahan sa mga nagawa ninyo?" ani Mamita
Umangat ang ulo nito, hindi niya maunawaan ang ibig sabihin ni mamita.
"Mayroon kang limang araw para humingi ng tawad sa Pamilya mo. Susunduin ka ng mga tauhan ko sa inyo pagkatapos ng limang araw. Herrero ihatid na ninyo siya sa kanilang bahay " ani mamita.
"masusundo po madam" ani Herrero at sinaman na niUTa sa labas si Ava. Hindi man lang niya nakita si Sabrina para magpaalam at si Sage. Kung kamusta na siya at ano nmang iniisip niya.
Umalis siya ng mansion na hindi man lang niya nakita ang mag-ama niya. Tuluyan ng tumulo ang mga luha nito jabang papalayo ang sasakyan sa mansion.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomansBook1 Night Trap (completed)