Nagwawala siya pagdating sa hotel room ni Porter si Jessica.
"Nagmukha akong tanga, ako ang napaniwala nila sa pagpapalabas na nainiwala sila sa akim, ang tanga tanga ko bakit hindi ko iyon napanson o naramdaman ?" aniya habang nagsusumigaw sa inis at galit
"Tama na!" sigaw ni Porter
"Huwag mo akong sigawan, dahil sayo kaya ako nabuking, hind papalpak ang plano kapag hindi ka nagpapakita sa akin!" ani Jessica
Hinawakan niya ito sa bibig. "Huwag mong iapapsa sa akin ang kapalpakan mo. Sino ba ang nasa loob ng mansion. Hindi mo ba naisip na may mga hidden cam doon? Hindi mo ba alam na maraming bantay? Kaya huwag ako ang sisihin mo sa kabobohan mo!" ani Porter at itinulak niya ito sa kama.
Pinaupo si Ava sa couch at ipinaliwanang ni Hunter ang lahat. Si mamita at Hunter lang ang may plano ng lahat. Hindi lang noong pinalabas ni Jessica na muntik na siyang pagsamantalahan siya ni Porter nakita ang dalawa. Madalas ay sa bar at sa iba't ibang hotel nag checheck in sila. Kaya malabong maniwala si Hunter sa palabas nila dahil kitang kita niya at kahit hindi sabihin na may namamagitan sa dalawa.
"Napapalibutan ang buong mansion ng survilance camera, kahit sa kasulok sulukan ay may nilagay ako.
Para mamonitor ko ang lahat ng galaw ni Jessica." ani Hunter"Kaya pala lagi kang wala ,dude" ani Apollo
"Yung sa kusina na nasugatan siya, pasensya ka na ha Ava kailangan kong gawin iyon, ponaniwala ko siyang nasa panig ko siya para hindi ako paghinalaan ni Jessica, desperado na siya kaya ginawa ko yun." pagpapaliwanag niya kau Ava
Ngayon ay unti unti ng nauinawaan ni Ava ang lahat. Pati sina Sage Lucas at Arriette
"Ano pa at isang top agent si Hunter, bravo!" ani Apollo "Akala ko ikaw na ang ikatlong tanga." dagdag nito
"Sssh" suway ni mamita
"nakakatakot, hindi ko alam pero nakakabahala ang ang mfa kinikilos ni Jessica at kasabwat pa niya si Porter, haaay hindi ako makapaniwala" ani Ofelia na napasinghap sa gulat
"kailangan mag doble ingat lalo't alam na niya na alam natin magkasabwat ang dalawa. Sigurado akong gaganti ang mga iyon" ani mamita
parang nabunutan ng tinik si Ava dahil ang inaakala niyang masama na siya sa tingin nilang lahat ay hindi pala pero ito nanaman ang pangamba niya, ngayong wala na si Jessica sa mansion ay hindi na nila alam kung ano ang galaw nito at ni Porter.
Two months later.......
Wala nang Jessica na nanggugulo sa kanila. Naging maayos na ang lahat.
Ngayon ay kaarawan ni Sabrina, idadaos ang selebrasyon sa kanilang resort, abala sila sa paghahanda dahil isang taon na si baby Sabrina. Marami silang batang bisita, may mga dala silang dogs dahil paborito ni Sabrina ng aso, si Hunter ay may asawa na at nanganak na kaya tatlo na ang aso niya.
Tuwang tuwa ang bata dahil maraming bata at mga asong nagkalat sa party. Walang mapaglagyan ang sobrang galak ni baby, dami niyang nakikitang baloons,toys at iba.
May mga palaro ang inembetahang clown and friends na ikinasiya ng mga bata.. May sing and dance contest pa...
"Ang saya saya ng mga bata" ani mamita
"Oo nga mama, tignan mo si baby Sabrina tywang tuwa" ani Ofelia
"Kaya nga gustong gusto ko magka apo dahil ganito ang idinudulot nilang saya. Kailan kaya ako bibigyan ni Apollo at Hunter." ani mamita
"mailap si Hunter sa mga babae, alam nyo naman ang ugali niya." ani Ofelia
"Hay naku, uugod ugod na ako kailangan na nila akong bigyan" ani mamita
"Heto mamita" ani Hunter na iniabot ang hotdog na nasa stick
Nahinto si mamita at lumingon kay Hunter na nag abot ng hotdog. Nagkatinginan ang dalawang ginang.
"Akala ko gutom na kayo mamita, narinig ko nigyan, ayan nagbigay na ako" ano Hunter
"Ha eh sabi ko nga" ani mamita na nag fake smile sa apo at tumingin kay Ofelia "Ang lakas ng pandinig, hindi naman niya narinig yung salitang anak" bulong niya kay Ofelia
"sige ma, mamita doon lang ako" ani Hunter at umalis na
"Hunter stop!"
Huminto naman si Hunter.
"Hunter jump"
Tumalon naman si Hunter
"Hunter crowl"
"Aba pinaglololoko ata nila ako napahaplos siya sa baba at namaywang.
"Good Job Hunter, seat properly"
Paglingon niya ay nakita niya kung sino ang tinatawag ni Sage na Hunter. Lumalit ito dito at hinampas sa balikat.
"Akala ko pa naman ako, huminto ako at tumalon, yun pala aso.... Ooooh tapos Hunter ang oangalan. Mikha ba akong aso?" ani Hunter
Natawa si Apollo ng marinig iyon. "Hunter ang oangalan ng aso ni baby Sabrina?" nagbibirong tanong ni Apollo.
"Isa ka pa"ani Hunter at tyaka kiniliti si Apollo. Nagwrestling ang dalawa, pawang katuwaan lang na tuwang tuwa ang mga bata ng makita sila. Sa kakulitan ng dalawa ay nahulog sila sa pool.
Tumunog ang bell na hawak ng clown, paglingon nila ay nakita nila ang cake na hawak hawak ng naka uniporme na chef.
Nagpunta na sina Sage at Ava sa harap. Sinindihan nila ang kandila at nag umpisa na silang kumanta habang pumapalakpak.
Patapos na ang kantahan ng may malakas na palakpak ang narinig nilang lahat.
Ang masaya sa mga mukha nila ay napalitan ng pagtataka. Si Hunter at Apollo ay mabikis na umahon sa pool at hinarangan si Jessica sa paglapit.
"Hindi ka na talaga dala, gusto mo pa yata ang makulong dahil sa pang gugulo mo" ani Apollo
Ngumisi si Jessica at tinignan si Apollo. "Ganyan ba ang itinuro sayo ni Ofelia na anino ni Felomina ng tamang asal? Ganyan ba wng pagsalubong ninyo sa isang bisita or should I say special guest" ani Jessica
"Tumigil ka na pwede ba!" ani Hunter akhang hahawakan niya si Jessica ng mabilis na nakailag ito at lumayo sa dalawa.
Lumapit ito sa kinaroroonan nila mamita. Ngumiti siya sa dalawang ginang. "Miss me mamita? I know you!" kumampay siya sa hangin at tumawa.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
Любовные романыBook1 Night Trap (completed)