Chapter 53 ( Delfin- Ava )

1.5K 38 0
                                    


Back to the present

Sa pag-uwi nila sa mansion ay kinakabahan si Ava dahil sa biglang pag alis nila sa presscon. Baka pagalitan sila ni mamita sa nagawa.

Papasok na sila sa paseo, ang tanging maririnig lang  ay ang mga yabag nila.  Huminto si Sage ng makarating sila sa bungad sa sala. Napatingin siya kay Sage at tumingin sa tinitignan nito. Si mamita na nakatayo na nakaharap sa amin, seryoso ang mukha nito. Humawak siya sa braso ni Sage ng mahigpit. "Kasalanan mo to" bulong ni Ava

Tumawa ng mahina si Sage. "Kung hindi ko yun ginawa, walang priposal na naganap" bulong ni Sage

"eemp" ani Ava at nag pout ito.

"Bakit kayo huminto!" ani mamita

Napapiglag silang dalawa at natahimik. Pinalo niya iti sa braso. "Sage ikaw magpaliwanag" ani Ava.

Nag umpisa na silang maglakad papalit sa kinaroroonan ni mamita. Nasa likuran niya si Ava.

"You did great!" sigaw ni mamita. Pumalakpak ito

Nagkatinginan ang dalawa na nagtatakang ngumiti na lang din ng tumawa si mamita.

"that was perfect, you blown them away with one punch. Mga tsismoso ng buhay!" ani mamita.

Natawa si Sage, pinigilan siya ng hampas ni Ava. Tumigil naman ito.

Dumating ang yaya na buhat buhat si Sabrina.

"haa baby, halika nga dito, namiss ka ni mommy" ani Ava na hinagkan niya ito.

"Na miss ka rin ni daddy!" ani Sage na hinalikan niya ito sa noo.

Umakyak na sila ng silid, habang nilalaro ni Sage si babay ay nagjilamos at palit muna si Ava. Sumunod si Sage pagkatapos niya. Magkatabi na sila matulog pero nasa gitna si baby Sab. Para na silang one happy family.

Sabay silang nagpunta ng simbahan. Hindi nila pinapansin ang mga tao at mga bulungan nila.

Ito ang unang beses na pupunta sila ng simbahan na magkakasama.

"maraming salamat dahilhindi mo kami pinabayaan, hindi mo hinayaan na magkalayo at masira kami, mahal namin ama, sana ay gabayan mo po kami sa lahat ng pagsubok na kinahaharap namin at mga darating pa, na malampasan namin ang problema ng magkasama. Pukawin mo ang damdamin ng mga taong may galit sa amin" mataimtim na nagdarasal si Ava, pumatak ang luha nito pagkatapos niyang magdasal. Palabas na sila ng simbahan. Nakita nila ang isang lalaking sa tanya niya ay nasa singkwenta pataas na ang edad nito na nakatayo sa gilid ng kanyang sasakyan may kasamang mga bodyguard.

Lumapit ito sa kanila. Hinawakan ni Sage si Ava at pinaatras niya sa may likuran habang karga karga niya si Sabrina.

"huwag kayong matakot, wala akong balak na masama. Ako si Delfin Alfaro" pagpapakilala niya sa kanila

Tinignan muna niya ang kamay nito bago niya inabot iyon at nakipag kamay. "Sage Mariano" tipid na sabi ni Sage

Tumingin ito sa nasa likod na si Ava. "Ikaw siguro si Ava?" aniya na naka ngiti

Hindi na sila nagtaka kung kilala siya nito dahil mainit ang usapan ng mga tao sa buhay nila. Kahit saan sila magpunta ay kilala sila ng mga tao.

"ang totoo niyan ay si Ms. Ava ang sadya ko rito, king maari sana ay paunlakan ang aking imbetasyon na makausap siya" aniya kay Sage na ang tingin ay kay Ava

"Paano ako makakasiguro na malinis ang intensyon nyo sa kanya" seryosong tanong ni Sage

"kung gusto nyo ay sa mansion ni madam Felomina tayo mag-usap" ani Delfin

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon