Chapter 34 ( Poor Ava )

1.5K 39 0
                                    

Hapunan..

Inimbetahan ni mamita ang Pamilya ni Ava  sa isang hapunan dahil matagal tagal na rin niyang  hindi nakikita ang mga ito.

Pagbaba niya ay nahulat siya ng makita si Uling at Panyang. Tumakbo ang dalawa at sinalubong si Ava ng mahigpit na yakap.

"Ate ebyang, miss na miss ka na po namin" ani Uling

"Nangangayayat na kami sa mga luto ni kuya Pako" ani Panyang

Nakakumot-noo si Ava sa sinabi ni Panyang "huh, bakit naman?" nagtatakang tanong ni Ava

"Hindi kasi masarap kapag si kuya Pako ang nagluto" bulong ni panyang

"Uy uy uy, ano yang binubulong bulong mo diyan?" ani Pako

"Kuya?" sambit ni Ava at agad na niyakap niya ito

"Ginagalingan mo kasi lagi ang pagluluto, ayan tuloy nasanay sila sa masarap" ani Pako

"Ayaw kasi nila akong kumilos sa bahay kaya ayan pinagtyatyagahan namin ang luto niya" ani Dolor

Bumaling ang tingin niya sa naglalakad na nanay Dolor. Agad niya itong nilapitan at niyakap.

"Nay nakakapaglakad na kayo ulit?" gulat na gulat na sambit ni Ava

"Gusto ko pa makita ang mga apo ko kaya sinusunod ko lahat ang doktor kahit ang hirap hurap umiwas sa mga bawal, kinakaya ko" paliwanag ni Dolor

"Welcome to our home" bati ni mamita na papalalit sa kanila.

"Welcome balae" bati rin ni Ofelia

"Salamat sa pag imbeta, miss na miss na namin si Ebyang" ani Dolor

"Wala iyon balae, dapat nga araw araw nang sa gayon eh makasama ka namin sa zumba class" ani Ofelia

"Ay, kung malapit lang ang bahay bakit hindi, paborito ko ang pagsayaw, noon ay lagi ako sa diskuhan" ani Dolor

Nagkatawanan ang tatlo sa sinabi ni Dolor.

Nagkatinginan ang magkakapatid sa tinuran ng tatlo.

"What's going on here?" kunot noong tanong ni Jessica

Napalingon si Dolor sa babaeng nagsalita. Magsasalita sana ito ng inahan siya ni mamita.

"Tara na sa  mesa nakahanda na ang hapunan" anyaya ni mamita

Nagkatinginan sina Ava at Jessica habang nakaakbay si Ava sa dalawang kapatid.

Nasa sala ang apat naghihintay sa kanila.

"Tara na!" sambit ni mamita sa apat

Tumayo ang mga ito at isa isang bumati sa nanay ni Ava, nakipag kamay naman sila kay Pako. Humabol ng dating si Arriette at mga bata na binihisan pa niya.

Tabi ni Apollo si Jessica, laging asiwa ito kapag tabi niya ang babaeng mala higad kung gumalaw, literal na kinakati siya. Nag allergic na ata ito sa presensya ng babae.

Dumating na rin si baby karga karga siya ng personal maid, inilapag niya ito sa high chair para pakainin na siya ni Ava. Nagkatinginan ang maid at si Jessica, para silang nag-uusap sa mga tingin na iyon.

"Ang laki na pala ni Sabrina, kay gandang bata, manang mana kay Sage" ani Dolor

"Ofcourse, Sage is handsome" sabat ni Jessica

Nilingunan niya si Jessica na nag fake smile sa kanya "Nag abala pa kayo, ang dami ninyong pinaluto" ani Dolor na nakangiti sa dalawang ginang.

"Dahil special ang bisita, hindi lang basta bisita, isa na kayong kapamilya" ani mamita na nakangiti kay Dolor

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon