Chapter 42 (Rain beside you)

1.5K 41 0
                                    

Napakalawak ng rancho Verde na pagmamay ari ng mfa Mariano. Marami silang alagang baboy, baka at kabayo. Sila ang major exporter ng meat products sa karatig bayan kahit nasa isla ang kinaroroonan ng mga ito.

Nawili siyang sumama sa rancho at mwgpakain ng mga alagang baboy baka at kabayo, nangulit siya kay mang Gardo na payagan siya,kakakulit ay pinayagan din.

Nang pakainin na niya ang mga kabayo ng dayame ay dumating ai Sage, inilabas ng isang tauhan ang kabayo, sumakay si Sage dito, noong una ay naglalakad lang ang kabayo. Pinapanood lang niya itong nangangabayo. Ang gwapo at bagay sa kanyana ang suot pangngabayo.

Nagkibit-balikat siya ng papalayo na si Sage, itinuloy niya ang pagpapakain sa mga kabayo sa kwadra.

"nakita mo yun, yung amo niyong may amnesia ata, parang hindi niya ako kilala, kakainis at gigil." aniya habang hinahaplos ang noo ng kabayo.

May iba't ibang puno sa loob ng rancho, may dala dala itong oanungkit at basket. Nakita niya ang puno ng chico na hitik na hitik sa bunga.

"Pwede na kayong sungkitin at ipahinog" aniya habang nakatingala. Nag umpisa na siya manungkit, yung iba magulang na pero matigas pa rin. Yung iba malambot na pwede na kainin. Kumuha siya ng isa at tinikman. Napapikit ito habang kinakain iyon "Ooh ang tamis, "ang sarap naman nito"aniya at tuwang tuwa siya sa pag ubos niyon, pagkatapos ay nanungkit ulit siya.

"Eehm this is sweet, can I have this?" ani Sage. .

Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Paglingon niya dito ay kumakain na ito ng chico.

Hindi agad siya nakapagsalita. Nakatingin lang ito kay Sage na kumukuha ng chico sa basket.

Iniangat niya ang tatlong hinog tyaka ngunmiti ng bahagya at umalis.

"bwesit sumusobra ka na talaga, hindi ka namamansin humungi ka pa ng pinaghirapan kung sungkitin..." aniya sa hangin at nag cross arm ito.

"Miss babalik na ako sa mansion, tara na po" ani mang Gardo na may bitbit na dayame sa kaliwang balikat.

Tumango ito at mabilis na kinuha ang basket na may lamang chico at mangga.

Maaga pa pero madilim na sa kalangitan nagbabadyang uulan ng malakas. Binilisan ni mang Gardo ang pagpapatakbo ng karwahe. Nagsimula ng umulan, malalaking patak hanggang dumarami ito. Hindi nakita ni mang Gardo ang malaking bato, hindi naiwasan ng kabayo iyon. Natumba ang Karwahe at tumilapon si Ava, nagkalat sa daan ang mga prutas na nasa basket. Sa lakas ng pagkakabagsak niya ay tumama ang kanyang ulo sa matigas na lupa. Nawalan ito ng malay.

"Miss gumasing ka" ani Mang Gardo na niyuyogyog siya nito.

"Anong nangyari?" ani Sage na biglang baba sa kabayo.

"tumama ang gulong ng karwahe sa bato kaya natumba iyon at tumilapon kami ni Miss" paliwanag niya habang natataranta ito sa pagkawala ng malay ni Ava.

"ako na bahala sa kanya, tatawag ako ng tutulong sa inyo" ani Sage at binuhat na niya ito at isinakay sa kabayo.

Kahit malakas ang ulan ay hindi niya alintana ito, tuloy tuloy ang takbo ng kabayo.

Unti unting nagmulat si Ava ng mata, nakita niya si Sage, pumikit ulit siya sa pag aakalang nananaginip lang siya, sa muling pagmulat ay malinaw na ang kanyang paningin. (Si Sage nga,teka bakit ako andito) tumingin siya sinasakyan nila, nataranta siya kaba at takot na baka mahulog siya sa kabayo. Yumakap ito ng mahigpit kay Sage ipinulupot niya ang mga kamay sa balakang nito at pumikit. Maya maya ay nagmulat ito at dahan dahang sinulyapan ang mukha ni Sage na ang tingin ay diretso sa kalsada.

Napangiti ito at nakaisip ng kapilyuhan. Ipinilig niya ang ulo sa dibdib ni Sage at dinadama ang bukol bukol na muscle nito. Nakangiti siya jabang ginagawa iyon.

"malambot ba?" ani Sage

Nagmulat si Ava ng marinig si Sage at ang sinabi nito, nataranta siya at biglang layo ng ulo niya sa dibdib nito.

Hindi nakatingin si Sage pero nakita niyang naka ngisi ito.

Inirapan niya ito. "Ibaba mo nga ako, kaya kung umuwi mag isa!" pagsusungit ni Ava.

"huwag kang magalaw mahuhulog tayo" ani Sage

"ibaba mo kasi ako, maglalakad ako pauwi" sigaw niya dito

"Ano ba, sabi nang huwag kang magalaw eh, mahuhulog tayo!" sigaw ni Sage

"Ibaba mo ako ano ba" tinambol tambol niya ang dibdib ni Sage

Biglang hinto ng kabayo.  Napakapit ito sa damit ni Sage at pumikit. "Aaaah mamamatay na ako!" sigaw niya

"O ayan, ang oa mo! Baba" ani Sage

Pagmulat niya, tumingin siya sa paligid. "Paano ako baba dito" tanong niya at tyaka inirapan si Sage

Bumaba si Sage sa kabayo.

"Teka sandali, paano ako bababa" nataranta siya ng bumaba si Sage

"ilagay mo sa stirrups ang isa mong paa at tyaka ka bumaba" ani Sage

Takot na takot siyang inaabot ang stirrups dahil baka bigla siyang magkamali ng kilos at mahulog siya. Naabot niya ito pagtapos ay isinuksok niya ang  paa ay umalis siya sa pagkakaupo sa kabayo. Nadulas ang paa niya sa stirrups at diretso siyang nahulog, nahulog siya kay Sage.

Nasampat siya at hinawakan siya nito sa baywang. Malapit ang mga mukha nila. Nakatitig silang pareho sa isa't isa,hindi niya maipaliwanag ang saya at talagang pinanabikan niya ang mga matang iyon, maya maya ay umulan ng malakas ulit. Bumalik sila sa kanilang huwesyo.

Nailang siya sa sobrang lapit ng mga mukha nila.
"Ibaba mo ko" ani Ava na tinapik ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya.

Ibinaba nga siya ni Sage. Wala siyang sabi sabi ay naglakad ito. Naglalakad na ito, umiwas siya ng dumaan si Sage na nakasakay sa kabayo.

"akala mo, makakauwi ako ng mag-isa" aniya habang pinagmamasdan ang kabayong papalayo.

"sayang naman yung mga chico at mangga ko" aniya habang naglalakad. Pumapadyak padyak pa ito sa inis

"Miss Ava, bakit po naglalakad kayo ng mag-isa malapit na dumilim, delikado sa daan kapag mga ganitong umuulan. " ani Deniz

"Natumba kasi yung sinasakyan naming karwahe kaya naglalakd ako" paliwanag ni Ava

Bumaba ito sa kabayo. "sumakay na po kayo" alok ni Deniz

Napatingin siya dito habang naglalakad. "okay lang talaga ako, sanay naman ako maglakad." ani Ava

Sumabay na si Deniz sa paglalakad habang hila hila niya ang lubid ng kabayo.

Sinamahan siyang naglakad pauwi ng mansion.

"Miss naku basang basa ka, Dalia kumuha ka ng tuwalya, Rosa maghanda ka ng pampaligo niya" utos ng matanda.

Dumiretso sila sa malaking banyo, doon ay sinamahan siyang magtanggal ng damit.

"Ako na po, kaya ko na alisin damit ko" ngumiti siya ng bahagya at naasiwa. Hindi siya sanay na may ibang tao kapag maliligo siya. Nang maghubad ito ay naiilang siyang nakatingin sa mga ito. Nakahanda na ang paligo niya sa malaking bathtub na yari sa kahoy.

May mga petals ng rosas sa tubig. Ang sabi nila para ma kalma ang katawan at ang body temperature ay bumalik.




The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon