Chapter 40 (Sanctuary Island)

1.5K 45 0
                                    



Ikalawang yugto

Sinundo na si Ava ng mga tauhan ni mamita. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin. Wala rin siyang alam kung ano ang parusa niya. Tumingin muna ito sa nanay at mga kapatid. Nakakalungkot man ay kailangan niyang sumunod. Sumakay siya ng sasakyan ng tahimik lang. Nakatingin siya sa labas habang binabaybay ang daan kung saan ito patungo.

Nasa may pintuan sila habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Sage paalis,  inihahatid na siya sa Santuary Island.

"mama sigurado ka ba na hindi mo ipapaalam kay Sage muna ang katotohanan?" nag-aalalang tanong ni Ofelia

"Hindi pa panahon para malaman niya anh totoo. Kailangan niya muna makapag-isip ng maayos at decision sa mga bagay na ginawa nila, hindi pwedeng hanggang doon na lang silang dalawa."ani Mamita na ngumiti ng makahulugan kay Ofelia

Napasinghap si Ofelia sa sinabi ng kanyang ina. "Mama ano nanaman ba ito?" hindi siya makapaniwala

"Tumahimik ka na lang baka gusto mo isunod kita dion" nagbibirong banta ni mamita

Hindi na sumagit si Ofelia sa pagbibiro ng ina.

Pagdating sa dalampasigan ay sinundo sila ng isang bangkang di makina. Dapit hapon na,paadilim na sa buong paligid at lumalamig na ang simoy ng hangin.

Habang tumatakbo ang bangka at lumalayo sila sa pampang unti unti nawawala ang signal sa kanyang cellphone. Pagdaong sa pampang ay sinalubong siya ng mga naka tuxido. Maraming mga tauhan ang nadun na nagkalat sa paligid. Yumuko sila bilang pagbibigay galang sa kanya pagkatapos ay iginiya na siya sa isang makaling bahay na bato.

Habang naglalakad ay kapansin pansin na ang gamit na ilaw ay kandila at gasira. Hindi masayong maliwanag at hindi rin masyadong madilim, sakto lang upang makita ang buong kapaligiran. Paakyat sila sa isang hagdan na nababalutan ng mga puno sa magkabilang gilid. Pagtingin niya sa ibaba ay halos walang mga bahayan na malapit sa dito.

(anong klaseng lugar ito, ito ba yung lugar na sinasabi ni Sage.) aniya sa isip

Napakalungkot ng lugar, tanging ang mga yabag lang nila ang lumilikha ng ingay. Pagpasok sa malaking pintuan ay bumungad sa kanya ang mga nakaunipormeng mga babae na naka yuko. Yumuko rin siya at nagbigay galang sa mga ito.

"Maligayang pagdating seniorita" sabay sabay nilang sambit.

Iginiya siya ng pinakamatanda sa kanila. "Pasok na po tayo sa loob" aniya kay Ava

Nakita niya ang mesa na pino ng pagkain. Iba't ibang uri ng isda ang nakahain.

"Kain na ho kayo, siguradong nagugutom na kayo sa hinaba haba ng inyong paglalakbay. " aniya ng matanda

Tumango si Ava at naupo na. Napaka rami ng iniluto nila samantalang mag-isa lang siya.

Napangiti siya ng makita ang mga isda, ang ilan sa mga iyon ay hindi pa niya nakikita at natitikman. Tama nga ang matanda gutom na siya at mas lalong ginutom ng makita ang mga pagkain.

Nqg-umpisa na siyang kumain, nasa tabi gilid lang ang mga ito na nakayuko. Medyo naiilang siya dahil hindi siya sanay na may nagbabantay sa kanya habang kumakain. Napayuko ito at ngumiti ng bahagya. Dahil sa gutom na talaga siya nilantakan niya ang pagkain. Hindi na niya pinansin ang mga nakamasid sa kanya. Tuloy tuloy lang siya sa pagkain hanggang sa nakaramdaman na ito ng kabusugan. Naka ilang isda siya ng ulam at siguradong tinik lang ang itinira niya sa plato.

Napahawak siya sa kanyang tyan na animoy puputok sa sobrang kabusugan.

"Salamat sa pagkain, ang sarap ho... Napa rami ako ng kinain" ani Ava sa matanda

Tumayo na siya at iginiya siya sa kanyang silid. Sinindihan ng matanda ang mga nakasabit sa ding ding na gasira sa may hagdanan. Yari sa kahoy ang sahid pati ang dingding. Malamig sa loob kahit walang aircon or bentelador. Hindi na nga kailangan ng kuryente sa loob ng silid dahil ang liwanag ng buwan ay pwede na para masilawan ang kabuuan ng silid, hindi nga lang sing liwanag ng di bombilya.

Hindi rin naman niya magagamit ang cellphone mito dahil walang signal tinignan na lang niya ang mga litrato sa kanyang gallery. Punong puno ng mga litrato ni Sabrina ang nandoon. Nakaramdam ito ng kalungkutan. Miss na miss na niya si Sabrina. Yung mga puyat niya para lang isayaw ito kapag umiiyak. Yung mga ngiti niya at tunog ng tawa niya kapag naglalaro sila. Yung magkatabi silang matulog. 

Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga mata at humiga na sa kama. Pinatay niya ang cellphone at inilapag sa lamesita at pumikit.

Kinaumagahan sa pag gising niya ay naalimpungatan siya ng may  narinig siyang sirina  Dumungaw siya sa bintana at tinignan ang nangyayari sa paligid. Nakita niya ang pag daong ng barko sa pampang. Maraming mwngingisda ang dumaong na may mga hinihilang banyera na puno ng mga isda ang laman. Nagpalit agad siya ng damit at mabikis na lumabas ng mansion. Lumapit siya sa daongan at pinagmamasdan niya ang mga ito. Tinitignan niya ang mga nahuling mga isda.

Tuwang tuwa ito sa mga nakikita, karamihan sa mga isdang nahuli ay ngayon pa lang niya nakita. Yung iba nagtatalsikan sa banyera dahil buhay pa ang mga ito.

Abala ang lahat sa pagbaba ng mga iada at nag aabang na ang mga naglalako sa may malaking open hall.

Nawili ito sa kakapanood hindi na niya namalayan ang oras, hindi pa ito nag aagahan. Lumapit sa kanya ang ilang katulong kasama ang matandang babae.

"Miss kanina pa po namin kayo hinahanap, lalamig na ang pagkain" ani ng matanda

"ah sige ho pasensya na po king hindi ako nakapag paalam, naexcite lang po ako sa mga isda" paliwanag ni Ava. Sumunod na siya sa mga ito pabalik ng mansion.

Ano kayang magiging buhay niya sa mansion, hanggang kailan siya mamamalagi sa Isla, anong kapalaran ang naghihintay sa kanya roon?

#Note: Malalaman niyo rin kung sino talaga ang mga magulang ni Ava sa takdang panahon.

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon