Chapter 39 (Jessica's real story)- Revelation Part 4

1.5K 39 0
                                    

Inilabas nila si Jessica sa gate habang nagsisisigaw ito.  Isinara nila ang gate pagkatapos ilabas siya ng mga tauhan dahil sa panggulo sa loob.

"You can sweap away from me Sage. You are mine, don't get hard on me!!! I'm not yet done, babalikan ko kayong lahat lalo ka na matanda ka!!! Aaaaah!!!" sigaw niya habang tinatambol ang gate.

Paglingon niya sa paparating ay nakita niya ang patrol cars .Lumabas ang mga kapulisan at lumapit kay Jessica.

"Anong ginagawa nyo rito?" natatakot na tanong niya.

"Kayo po ba si Ms. Jessica Torilyo?" tanong ng isang pulis

"Oo ako nga" aniya na natataranta na ang kapiramdam niya sa loob loob nito

"May warrant of arrest kaming dala, ikaw ay dadakipin sa salang pagpatay kay Mr. Lazaro Mendez noong nakaraang taon, ikaw ay nagkasala Sa ilalim ng batas Article 248 sa Revised Penal Code. Sa presinto na kayo magpaliwanag" ani ng isang pulis.

Hindi ito nakapagsalita. Hinawakan siya sa kamay at pinosasan. Isinakay siya sa patrol car at dinala sa presinto.

Idiniretso siya sa kulungan habang wala pa siyang abogado na magtatanggol sa kanya.

"Tawagan niyo si Porter!" sigaw niya

Habang nasa loob siya ng silda ay pinagtitingin siya ng mga kapwa niya nakakulong. Mga nakakatakot ang itshura na may mga tattoo pa sa braso at dibdib. Umupo siya sa sulok at niyakap ang kanyang tuhod.

"Hindi nila pwedeng malaman, hindi pa... Hindi pa ako tapos... Hindi pwedeng ako lang ang dumanas ng hirap. Hindi pwedeng maging masaya habang akobnagdurusa. Hindi ako papayag" galit na galit na bigkas niya dito.

"Hoy anong pangalan mo" anibng isang babae sa kanya. Sinipa siya sa paa

Hindi ito kumikibo o tumitingin sa kanya.

"hoy bingi ka ba!" sinipa niya ulit ito

"Bakit ba ang kulit mo, ayaw kitang kausapin!" sigaw niya dito

"Aba bastos pala ito eh, kararating sumisigaw." ani ng babae at hinawakan siya sa mukha "baguhan ka lang baka gusto mo ewelcome ka ng mga latay na dadapo sayo" pagbabanta ng babae.

Malakas na itinulak niya ito at tumayo. "Subukan mo papatayin kita!" galit na sabi ni Jessica

"gago ka pala eh" sinunggaban siya ng babae at sinuntok sa mukha at sinimuraan sa tyan. Napaupo si Jessica sa sakit.

Pumito ang pulis at lumapit sa kanila. Inawat sila bago pa man magkarambolan sa loob. Inilipat siya sa kabilang silda. Kakaunti lang sila doon at walang siga sa mga iyon.

Pagkaraan ng ilang oras ay lumapit ang pulis. "May bisita ka" ani ng pulis at pinalabas siya nito ng nakaposas.

"Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Porter ng makita siya

"Pinagbibintangan nila ako sa kasalanang hindi ko ginawa. Porter tulungan mo ako, hindi ko kayang magtagal rito. " pagmamakaawa ni Jessica

Pinunasan ni Porter ang mga luha nito sa mata at niyakap si Jessica.

"Ilalabas kita rito, gagawin ko ang lahat." ani Porter

"Kapag lumabas ako rito, magsasama na tayong tatlo ikaw ako at si baby Sabrina" ani Jessica

Kumalas sa pagkakayakap si Porter at hinawakan niya ito sa balikat.

"Anong ibig mong sabihin?" kinot noong tanong ni Porter

"Mayroon kang dapat malaman." yumuko ito at umiiyak " Porter" tumingin siya sa mga mata nito ng siretso "Anak mo si Sabrina, ikaw ang tunay na ama ni baby Sabrina." ani Jessica

Nagulat si Porter sa rebelasyon ni Jessica. Hindi ito makapaniwala.

"Alam kung hindi ka maniniwala kaya hindi sinabi sayo, baka kasi hindi mo siya tanggapin kaya inilihim ko ang tungkol sa kanya. " tuloy tuloy na ang luha sa mga mata niya

Niyakap siyang muli ni Porter

Sa gitna ng kanyang iyak ay nakangiti ito. Ngumiai siya sa pagkakataon na nakikita niya mula kay Porter.

"Paano, ipaliwanang mo pa nga kasi hindi ko maintindihan" ani Porter

"Marihap bang intindihin na ikaw ang ama ni Sabrina?  Sabi ko na eh, hindi ko na dapat sinabi sayo dahil hindi paniniwalaan. " ani Jessica at nag galit galitan ito

"Hindi sa ganun, nagulat ako dahil sa mga sinasabi mo. Na anak ko si Sabrina, pero paano napunta kay Sage ang bata?" Tanong ni Porter

"Iniwan ko siya sa tapat ng sasakyan niya noong gabing iyon. Natakot ako na baka kapag sa akin lumaki si Sabrina ay hindi ko magampanan ang pagiging ina ng mag isa. " paliwanag niya

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" ani Porter

Natahimik ito.  Nag iisip ng idadahilan. Naalala niya ang napag usapan nila ni Sage tungkol sa isang babae

"Narinig ko ang usapan niyo ni Sage tungkol doon sa babaeng gusto mo, sa pagdedescribe mo sa babae alam kung hindi ako iyon kaya umalis ako at hindi ko sinabi sayo ang sitwasyon ko. Natakot ako na baka ayawan mo ang dinadala ko" ani Jessica.

Pinunasan ni Porter ang mga luja ni Jessica. "Kukunin ko ang bata sa yaw at gusto nila. Ako ang ama ng bata kaya sa akin siya, ilalabas kita rito.. Aayusin ni attorney ang kaso" ani Porter.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay ibinalik na sa loob ng silda si Jessica

"Uto uto ka talaga Porter. Hindi ka talaga nag-iisip. Kaya gustong gusto kitang paikutin sa mga kamay ko eh" aniya At tyaka tumawa ng malakas.

Natutulog siya sa karton.. Nang biglang may nagpakita sa panaginip niya.

>kahit anong gawin mo sa'kin ka babagsak, hindi ka niya mamahalin...!<

"Hindi, patay ka na... Hindi mo na ako magugulo... Hindi mo magugulo ang plano ko!" sigaw niya habang natutulog.

Tinapik siya ng isang babaeng inmate. Nagulat ito ng biglang magmulat si Jessica. Sinunggaban niya ito at sinakal.

"Pinatay na kita, hindi ka na babalik!!!!!! Hindi mo na ako masasaktan pa!!!!!! Hayop ka, pagkatapos mo akong babuyin hindi ka nanarapat na bumalik... Pinatay na kita. Patay ka na!!!!" sigaw niya. Nagpupumiglas ang babaeng sinasakal niya... Dumating ang mfa pulis at binuksan agad ang silda at pinagpapalo si Jessica. Muntik na niyang mapatay ang babae.

Kapapasok lang niya at agad na niyang natikman ang bartolina.

Nakahiga siya sa malamig na sahig. Dumadaloy ang mga luha sa mga mata niya.

"Mom, tulungan mo ako... Wala akong kakampi, pinagtutulungan nila akong lahat. Hindi ko sinasadyan, hindi ko na kaya ang ginagawa niya sa akin kaya ko siya pinatay... Mom, asan ka na tulungan mo ako" mahina niyang sabi habang umiiyak.

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon