"para ka diyan namatayan, ldude" paninita ni Porter
"Oo nga bukas na ang kasal mo bakit ka naglalasing ng ganyan?" ani Sixto
Tahimik lang siyang umiinom. Hinayaan na rin siya ng mga ito.
Yung masaya sanang bachelor bash para kay Sage ay nauwi sa kanya kanyang inom party.
Samantalang sa Bachelorrette party ni Ava ay nagkakasayahan na. Wala halos kaibigan si Ava kaya isinama ni Arriette ang dalawang friends. Noong una ay ayaw pang payagan si Arriette ni Lucas pero sa bandang huli ay pinayagan din siya alang alang kay Ava. May tiwala naman siya kay Arriette.
"Ang saya nito, grabe noong si Arriette walang ganito" ani Valerie
"Talaga?" tanong ni Ava
"Yeah, sabay kasi ang proposal at wedding." paliwanag ni Val
Nahihiyang ngumiti si Ava sa kanila.
"Ayan na!" ani tili ni Cheska
May gumigiling na naka underwear lang ang umaangat mula sa malaking kahon. Bakat na bakat ang manhood ng macho dancer na hinired ni Valerie. Nagtakip ng mata si Ava sa nakikita. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakita ng ganoong katawan
Nakita nilang nagtakip siya kaya biglang hinawakan siya nila Valerie at Cheska.
Pumikit ito at nagtititili. Pumapalakpak lang si Arriette na hindi masyadong tumitingin.
Nakaisip ng kalokohan si Val. Tumayo siya at kumuha ng tali. "Cheska hawakan mo kamay niya" utos ni Val
"Teka anong gagawin nyo?" ani Ava na kinakabahan sa ginagawa nila sa ganya
"You'll like it soon darling" malanding sabi ni Val
Nakatali siya sa upuan. Gumigiling sa harapan niya yung lalaki. Iniikutan siya nito habang gumugiling. Tili lang ng tili si Ava
Pagkatapos ay balik couch na sila at umiinom. "You are one us now, girl" ani Val
Natahimik bigla si Ava sa sinabi ni Val. Wala pang ilang oras niyang nakilala ang mga kaibigan ni Arriette pero tinuring na siyang isa sa kanila.
Hindi na siya nagtaka kung bakit mga kaibigan sila ni Arriette. Mabait din sila tulad niya. Napaka perfect ni Arriette. Hindi pa man niya ito lubos na kilala at humahanga na talaga siya dito.
Yung sumasayaw na mga babaeng hinired ni Porter ay hindi nila magawang painitin ang gabi ni Sage. Hindi man lang niya magawang tignan ang mga ito. Tuloy lang siya sa paglagok ng alak na isinasalin ng waiter sa baso niya.
Tumayo siya bigla at pasuray suray sa paglalakad. Inalalayan siya agad ni Porter. Hindi na rin nagreklamo dahil alam niyang hindi na niya kaya. Si Porter na ang nagmaneho. Pag akyak nila sa flat niya ay pinagbuksan sila ni Ava.
"Pasensya na kung napadami siya ng inom" ani Porter
"Emm" ani Ava na tinulungan na rin niya ito alalayan si Sage na ihiga sa kama.
"Salamat sa paghatid ahh?" ani Ava, h
"Porter" pagpapakilala nito
Nakipagkamay siya kay Porter.
"Finally meet Sage wife to be" ani Porter.
Niglang umiyak si baby Sabrina. Nagmadali itong pumuntang kwarto, binuhat niya si baby at nagpunta sa sala.
"Siya ba baby nyo ni Sage?" tanong ni Porter
Tumango siya at ngumiti ng bahagya
"Hi baby" bati nito kay Sab
Nakatingin lang si baby sab kay Porter
"Aaah medyo malalim na rin ang gabi, mauna na ako" pagpapaalam niya,Kumaway siya kay Sab. Naabot ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit nito
Nagkatinginan sina Porter at Ava."baby aalis na si tito Porter, babye ka na" ani Ava kay Sab.
Nagbent ang ulo nito at ngumiti. Natuwa si Porter sa ginawa ni Sab.
"Gusto pa yata niyang makipaglaro" ani Porter
"Sige na malalim na ang gabi" ani Ava "siguro next time na lang baby okay"
Naiiyak ito ng bawiin na ang kamay ni Porter na hawak hawak niya. Ngumiti si Porter at hinimas ang ulo ni Sab.
"Sa susunod na lang baby ha, magkikita naman tayo bukas sa kasal ng mommy at daddy kaya may oras pa tayo maglaro" ani Porter.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)