chapter 15 (Sabrina's best friend)

1.6K 48 0
                                    

Dahil wala siyang magawa at tulog naman si baby, kinuha niya sa maleta ang small canvas at ang stand neto. Inilabas din niya ang iba pang gamit pang guhit. Kinuha ang cellphone at humanap siya ng magandang kiha ni Baby Sabrina. Iyon ang gagayahin niyang idrawing.

Umabot ng kalahating oras ang pagguhit niya. Nilahyan niya ng pangalan ni baby Sabrina sa baba sa gilid. Natuwa siya sa kinalabasan ng kanyang drawing. Hindi niya akalain na sa tagal ng panahong hindi niya ito ginamit ay hindi na niya kayang gumuhit. Isinabit niya iyon sa tapat ng crib ni baby.

Nakaisip ito ng paraan para kumita habang nasa bahay lang. Sa susunod na lalabas sila para mamili ng grocery at ibang kailangan sa bahay ay bibili siya ng gamit sa pagpinta. Baka sakaling kapag nag online selling siya ng mga pipinta eh may bumili. Dagdag kita rin iyon.

Dumating si Sage at tulad ng mga nakaraang gabi ay diretso lang siya sa kwarto. Lalabas lang ito kapag iinom o pupunta ng banyo. Halatang hindi siya nito gusto makita.  Hindi man lang niya magawang tignan at tikman ang mga niluluto niya. Saurang lang kung mapapanis iyon kaya nagdesisyon siyang magluto ng pang isahan lang total ayaw ng mga luto niya. Suyang suya si Sage sa presensya ni Ava.

Kung tutuusin pareho lang sila mg sitwasyon. Hindi nila pareho gusto ang isa't isa. Kaya kwits lang.

Kahit ayaw sa kanya ni Sage ay ipinagdrawing pa rin niya ito medyo malaki ng frame ng kunti kaysa sa unang ginamit na canvas. Isinabit niya iyon sa tabi ng drawing ni Sabrina. Kung titignan ay para nga silang magkamukha, kung hindi al ni Ava ang totoo ay talagang mapagkakamalan nia ang dalawa, kahit noong pa lang ay paniwalang paniwala siya na anak nga ni Sage si Sabrina.

Maaga ng magising silang dalawa, bumaba sila ni Sabrina para mag trolling lang sa garden ng hotel at para maarawan naman si baby kahit saglit lang.

May mga kasabayan silang nagjajogging kasama ang kanilang alagang aso.

Gustong gusto ni Sabrina ang makakita ng aso. Tuwang tuwa ito kapag tumatahol sila. Imbes na matakot ay natutuwa pa siya at napapa palakpak.

Nakita niyang parating si Sage seryoso ang mukha at may bitbit na malaking kahon. "Baby andiyan na daddy mong sumpongin" aniya sa baby.

Ngumiti si Sage, ngumiti din si Ava ng malapad pero hindi pala siya ang nginingitian. Nadismaya siya ng si baby Sabrina pala ang nginitian at hindi siya.

"Hi baby Sab, I bring something you for you" ani Sage na hinawakan ang maliliit na kamay nito. Ninuksan niya ang kahon at bumungan ang maliit na dog. Sumasalaw sa trolley niya si Sab sa tuwa ng makita ang maliit na aso.

Meron na silang kasamang body guard ni Sabrina kahit saan man sila magpunta. Katabi ni baby si Hunter sa pagtulog. Si Sage ang nagbigay ng pangalan ng aso na tyak kapag nalaman ni Hunter ay baka kung anong gawin nito sa kanya. Hindi rin magawalng umangal si Ava dahil hindi naman siya ang may ari ng aso. Pigil ang tawa nito dahil kapangalan ng kapatid niyang si Hunter ang aso. Iniisip pa lang niya ang expression ng mukha ng kapatid ay tyak malilintikan talaga si Sage.


The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon