Pagbalik ni Sage ay wala si Ava sa treehouse. Hinanap niya ito sa kusina, wala siya roon kahit sa banyo ay wala ito. Nakarinig siya ng boses sa ibaba. Pagdungaw niya ay nakita niya si Ava na naliligo sa dagat.
Nabunutan siya ng tinik ng makita ito, akala niya kung ano na ang nangyari dito, talagang matutuluyan na siyang mababaliw.
Inihanda na niya ang magiging hapunan nila. Puro prutas ang kanilang kakainin.
Sinalubong niya ito na may dalang tuwalya, pumanhik na sila sa itaas. Nagningning ang mata ni Ava ng makita ang nasa hapag. Lumingin siya kay Sage
"Nakuha mo yan sa gubat?" namamanghang tanong niya dito
Tumango tango si Sage
"Hindi ka lang si Sage the cast away, survival of the fittest ka pa" ani Ava
Ginulo ang buhok nito at niyakap " ang dami mong alam mahal ko" ani Sage
Umangat ang tingin ni Ava "Ano ulit yon? Parang nabinggi ako sa huling sinabi mo" aniya
"Aaaayst bingi o gusto mo lang ulitin ko eh" ani Sage na hinawakan ang pisngi nito at pinisil.
"yun lang ayaw pang ulitin" ani Ava na hawak hawak pa rin ni Sage ang pisngi niya
"Aminin mo kinilig ka no?" panunukso ni Sage.
"Kapal mo ha, di no... Di ko nga narinig eh" ani Ava at inirapan niya ito. "sige na magbibihis lang ako
"sama" ani Sage
"Tse hindi pwede" pag tataray ni Ava
"Bakit hindi eh makita ko naman na yan ng ilang beses" sigaw ni Sage
Mula sa loob ng banyo ay rinig pa rin niya ang huling sabi ni Sage. "Tse, iba na ngayon... Tandaan mo hindi pa kita sinasagot!" binuksan niya ang pintuan at sigaw rin si Ava
"Meron bang ganoon mag-asawa na nga eh" reklamo ni Sage na natatawa sa kanilang dalawa
"Hoy Mr bugnutin.... Hindi lahat madaling mong makukuha, paghirapan mo! Sige ka, maraming nakapila!" sigaw ulit ni Ava na natatawa sa sinasabi
"Yang mga nasa pila hindi na yan aabutan ng araw... Babaliin ko mga buto ng mga yan!" ani Sage na nagbibirong may pagbabanta sa sinabi
"Effort ka kasi baka mag iba ang ihip ng hangin-" hindi naituloy ang sasabihin ni Ava ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo. "Ay unggoy ka!" sambit niya sa pagkagulat
"Sinong unggoy!" ani Sage na naka boxer short na lang ito. Limapit ito na seryoso ang mukha nito na tumingin kay Ava. Napaatras si Ava hawak hawak ang tabo na iniharang niya. Ngumisi si Sage ng tignan ang tabo.
"huwag kang lalapit!" ani Ava habang umaatras ito.
Ngumiti lang si Sage at patuloy pa rin ang paglapit nito. Kinuha niya ang tabo at tyaka nagbuhos ng tubig sa ulo. "ang sarap ng tubig, mahal!" aniya
Ngumisi si Ava at umirap. Akala niya talaga kung ano na.
Sumalop ulit siya sa drum at ibinuhos iyon kay Ava. Isinuklay niya ang kamay sa buhok ng may humarang sa kanyang mukha.
"you have a shape, pataba ka na please" bulong ni Sage
Doon lang niya naalala na hubad pala siya. Nagtakip ito ng katawan.
Natawa si Sage sa ginawa ni Ava. "Delayed action" panunukso nito. Iniharang niya ang mga kamay sa pader. Nakulong siya sa mga bisig nito. Nilabanan niya ang titig nito.
Napaawang ang labi nito ng lumapit pa ng husto ang mukha ni Sage. Nagdikit ang kanilang mga ilong. Naaamoy ni Ava ang hininga ni Sage. Para siyang nawawala sa katinuan habang nilalanghap iyon.
"Kain na tayo" bulong ni Sage sa tenga ni Ava, lumayo ito ng kunti at ngumiti.
"huh?" biglang sambit ni Ava na maypaka dismaya sa itshura nito. "Sige na mauna ka na, doon ka na nga tsooo tsoo" pagtataboy niya dito.
Nagmadali na rin itong natapos at lumabas ng banyo.
Nakita niya ang malaking manga sa harap ni Sage.
Lumapit siya at naupo sa lap ni Sage."Mukhang masarap ito ah,hinawakan niya ang kutsara at kumuha ng maliit ng piraso dito. "emmmmm ang tamis naman nito" aniya na malapad ang ngiti habang si Sage ay hindi mapakali. Nasisikipan siya sa pag upo ni Ava sa kanya.
Napailing na lang ito. Ava is teasing him for what he did sa banyo. Bumabawi ito sa pagputol ng arousal nito. Sage hard into this, sa paggalaw ng pwetan ni Ava sa kanyang harapan ay nakakaramdam ito ng kiliti. Hindi ito makahinga ng maluwag sa pigil na pigil niya sa nararamdaman.
"Ano yun, bakit may matigas diyan" ani Ava ng tinuturo sa ibaba ni Sage at nag evil smile siya.
"Maha balak mo ba akong patayin?" ani Sage na namumula na.
"Patayin, wala naman ako ginagawa sayo ah" sinadya niya itong iginalaw ang pwet.
Napakagat siya sa labi ng gumalaw ang pwetan ni Ava. Sinasadya niya talaga na ikiss ang pwet niya doon kahit naka tuwalya pa ito.
"Mahirap ba? Mabilis na hinalikan niya ito sa pisngi tyaka umalis. Nagpunta siya sa kwarto. Binuksan niya ng kaunti ang pintuan at tinignan si Sage. Tawang tawa siya sa reaksyon nito.
Tarantang uminom ito ng tubig. Pinagpapawisan ito ng butil butil na tubig sa kanyang noo.
Maliwanag ang buwan, tumatagos ang liwanag nito sa bintana. Parang nakangiti ang buwan sa kanya habang nakatingin ito roon. "Moon lover?" tanong ni Sage
Lumingon siya dito at tumango. "Oo ang ganda kasing tignan, it calms me every time I feel discomfort" paliwanag ni Ava.
"Halika dali" ani Sage na hinawakan ang kamay ni Ava. Hinila niya ito at bumaba sila sa may puno.
"Naririnig mo yun?" pumikit si Sage at unti unting gumagalaw ang mga paa nito. Hinawakan niya si Ava sa may baywang ang isang kamay at ang isa naman ay sa kamay nito.
"wala naman akong naririnig" ani Ava
Nagmulat ng mata si Sage at ngumiti, hindi kailangan ng musika para marinig mo iyon" kinuha niya ang isang kamay nito at inilapat sa kanyang dibdib. "You can't just hear the sounds of music by your ears, it's in the heart too" ani Sage
Namangha si Ava sa sinabi ni Sage, hindi niya akalain na may pagka Don Romantiko rin pala siya. Napakagat labi si Ava na sumusinod ang katawan sa galaw ng bawat pag galaw ng katawan ni Sage
"Did you hear that?" bulong ni Sage.
Tumango si Ava at ngumiti kay Sage. "I hear it every beat, the sounds of your love" aniya
Hinawakan niya ito sa baba. "You are like a rose that blooms into my darkness night and I crave of the scent of you." ani Sage na lumapat ang labi nito sa kanya. Hinapit niya ito sa baywang,masuyong hinalikan ito ni Sage, ang halik na punong puno ng pagmamahal na hinding hindi nila makakalimutan. The taste of sweet of their love to each other that filled their inner core na pati ang hangin at mga dahon sa mga puno ay nagsasayawan.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)