Chapter 32 (the war Begin)

1.4K 31 0
                                    


Nang gabing iyon ay nagbihis si Jessica ng fitted na damit at leggings. All black with cap. Dahan dahan itong lumabas ng mansion. Kabisado na niya ang shifting at rotation ng mga tauhan na nagbabantay kaya nakalabas siya ng gate ng hindi nila napapansin.

Sa labas ay may sasakyang nakapark. Nang makita siyang palabas ay lumabas rin si Porter para sunduin siya.

Tumakbo si Jessica palapit at hinila si Porter sa sasakyan. "Bakit ka lumabas, mamaya baka may makakita sayo mahirap na, mauudlot pa plano ko dahil sayo!" ani Jessica

"Plano mo? Baka nakakalimutan mo tayong dalawa ang magkasabwat dito, huwag mo ako ponaglololoko dahil iba ako magalit Jessica!" ani Porter na hinawakan niya ng mahigpit sa braso

"Ano ba nasasaktan ako, oo Plano natin... Nag iingat lang ako kaya dapat ikaw rin!" ani Jessica "Sumakay na tayo!"

Bago sumakay si Porter ay lumingon lingon pa ito sa paligid baka may mga matang nakatingin.

Sa di kalayuan sa may veranda ay nakatingin si Ava, hindi siya nakikita ng mga ito pero kahit nakasuot ng sombrero ay alam niyang si Porter iyon. Hindi niya nakita ang babae, pasakay na ito ng sasakyan ng dumungaw siya sa veranda.

Nasa dining na sila para sa almusal. Huling dumating si Jessica na umupo sa tabi ni Apollo sa tapat ni Sage.

"Good morning" masayang bati nito sa lahat.

Hindi siya sinagot ng mga ito. Ayos lang sa kanya kahit walang tumugan dahil wala siyang pakialam at hindi naman niya rin inaasahan na may babati sa kanya. Sukang suka silang lahat sa presensya nito.

"Pass the rice please" aniya kay Sage.

Inabot naman iyon ni Sage, sinadyan niyang hawakan ang kamay ni Sage ng abutin ang big bowl. Napangiti siya sa pgka asiwa nito sa ginawa niya.

"Mahal, subukan mo itong pako salad masarap ito sa mainit na kanin" ani Ava

Nilagyan niya ang plateto ni Sage ng salad at tyaka inasikaso naman si Sabrina.

Kumuha ng kunti si Sage at tinikman iyon. Naubo siya dahil sa lasa ng bagoong. First time niyang makatikim niyon.

"Hindi kimakain ng ganyan si Sage, naalala ko noong kami pa.... Itinapon niya lahat ng bote ng fish sauce dahil sa amoy nito" ani Jessica

Magsasalita na sana si Ava ng unahan siya ni Sage "Ang sarap Mahal, medyo nadamihan ko ata sa paghigop ng bagoong kaya napaubo ako" aniya at ngumiti kay Ava.

"Talaga? Akala ko allergic ka sa amoy niyan" ani Ava

"Noon yun, iba na ngayon" ani Sage, hindi niya pinapahalata na hindi niya gusto ang lasa ng bagoong. Ayaw lang niyang mapahiya si Ava lalo sa harap ni Jessica.

"Ito tikman mo Sage, Creamy garlic chicken, classic style. Ipinaluto ko dahil alam ko Paborito mo yan." ani Jessica. Hindi na niya hinintay ang pagsang ayon nito. Nilagyan na niya ang plato ni Sage.

Sinulyapan niya si Ava "Gusto mo Ava?" alok niya

"Salamat pero okay na ako sa salad" ani Ava na napilitang ngumiti

"Why don't you try it, this is not the usual recipe that  most knows the taste" ani Jessica

Nginitian lang niya si Jessica. Tumingin siya sa mga ulam. Wala siyang maialok kay Sage. "Gusto mo ng tubig, mahal?" aniya

"Ahmm emm" Tipid na sabi ni Sage at tumango

Palipat lipat ang tingin ni Apollo at Hunter sa dalawa.

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon