Dahil sa behavior ni Jessica ay nagpapakita ito ng senyales na may sira ito sa pag uisip, inilipat siya sa isang mental hospital.
Lumitaw na rin ang mga tistigo laban sa kanyang pagpatay kay Lazaro ang kayang unang kasintahan bago naging si Lucas at Sage. Pinatitibay ng tistimonya niya ang kanyang pahayag at ang mga ebidensyang nakalap na tugma ang mga ito sa isa't isa sa pagkakapatay sa biktima. Non bailable ang kaso kaya walang magawa si Porter na ilabas siya nito.
Nakatulala lang si Jessica sa sulok. Hindi siya umiimik man lang.
Nabalitaan ni Sage ang nangyari kay Jessica. Dumalaw ito sa mental hospital.
Nag aabang siya sa labas habang nakatingin sa mga pasyente. Hindi niya lubos akalain na ganito ang magiging sitwasyon ni Jessica ng makita niyabitong naka wheelchair. Tulala lang siya, hindi makausap.
Hindi napigilan si Sage na maiyak, naaawa ito kay Jessica. Lumuhod siya harap niya at tumingin.
"Bakit mo hinayaan na maging ganito ang buhay mo? Maganda ka, matalino. May maayos na negosyo, bakit pinili mong maging ganito" ani Sage na naiyak na ng tuluyan.
"Mahal ko si Sage" sambit ni Jessica na hindi man lang kimukurap
Niyakap niya ito ng mahigpit. "patawarin mo ako kung hindi kita natulungan noong mga panahon na kinailangan mo ng tulong ko. Hindi kita hinanap, pinili kung magmokmok at hayaang mawala ka na lang." ani Sage
Pinahid niya ang luha sa mga mata niya at tumayo siya ng makitang paparating si Porter.
"Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Porter
Tinignan lang niya ito.
"Hindi mo nakikita o nagbubulag bulagan ka lang. Ano pa ang paghijirap na ipaparanas niyo sa kanya?"
"Siya ang nag decision na gawin niya iyon." ani Sage
"oo dahil mahal ka niya, dahil mahal ka pa rin niya!" sigaw ni Porter
"Hindi ako nagpunta rito para makipag away" ani sage na mahinahon lang siya sa pakikipag usap
"Pwes umalis ka na!" ani Porter na pinagtatabuyan na niya ito.
"Aalis ako kung kailan ko gusto. Hindi ikaw ang magdidikta dahil wala kang karapatan" ani Sage na nagtagis ang mfa bagang nito
"Meron akong karapatan, ahh nabanggit mo yan... Babawiin ko ang anak ko, anak ko si Sabrina" ani Porter
Natawa si Sage sa sinabi ni Porter
"Ano nanaman ito Porter, lahat na lang ng tao na mapapalapit sa akin, mga mahal ko gusto mo rin, una si Jessica, pagkatapos si Ava, ngayon pati ang anak ko?" tinawanan niya si Porter
"Anak namin ni Jessica si Sabrina, umamin siya bago siya dinala rito kaya kung may tatawa man sa ating dalawa ako iyon dahil naloko ka nanaman niya" ani Porter
Natahimik si Sage sa sinabi ni Porter.
"Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa labas" ani Porter
"nahihibang ka na Porter" ani Sage na tinignan si Jessica bago ito umalis.
Yun na ang huling pqgkikita nila Sage at Jessica dahil haharapin na niya ang parusa niya.
Tahimik lang si Ava maghapon, hindi siya kinikibo ng nanay Dolor niya sa mga nagawang kasalanan. Nagalit din si Pako sa kanya. Labis labis ang lungkot na nararamdaman niya, binigo niya ang mga ito sa pag aakalang matino siyang babae. Nasira niya ang tiwalang ibinigay sa kanya.
Hindi sumasabay sa pagkain si nanay Dolor nila kapag andiyan siya. Para siyang hangin sa dalawa. Kahit anong gawin niya, magluto maglinis, makipag-usap ay hindi siya pinapansin.
Namasyal silang mag-anak pero hindi siya kasali. Maagang maaga umalis ang mga ito habang tulog pa siya. Hindi siya makapagreklamo dahil wala itong karapatan, siya dapat ang manahimik dahil sa malaking kasalanan na kanyang nagawa.
Ilang araw na at hindi pa rin siya kinikibo ng mga ito, bukas na siya susunduin.
"Kung ayaw niyo akong panainin, eh di huwag. Total ang laki laki ng kasalanan ko, hindi kapatapatawad iyon kaya tanggap ko na. Hindi na ako importante sa pamilyang ito. Sabay takbo sa labas. Nagtungo siya sa tabig ilog na may puno ng acasia. Andun pa rin yung duyan. Umupo siya doon at umiiyak.
Insert background music ➡️ Me Muero de amor(I'm dying for your love) by: Natalia Oriero
"bakit ganito, namimiss na kita ng sobra kayo ni Sabrina, hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa mansion, ngayon alam mo ng may anak kayo ni Jessica, sigurado akong babalikan mo na siya, alam ko namang hindi ako yung mahal mo. Pero bakit nagoon, bakit ako sobrang nasasaktan ng ganito ngayong alam ko simula pa lang na ang mahal mo ay hindi ako. Kung ganito rin lang kasakit sana ay hindi ko na hiniling na makatagpo ako ng lalaking mamahalin ko, bakit sa maling paraan at pagkataon." ani Ava sa gitna ng kanyang pag iyak, sa ilalim ng maliwanag na buwan.
"Dahil nagmahal ka lang, hindi pumipili ang ng tao o kung sino ang mamahalin mo ang pag-ibig. Hindi ikaw ang magdidikta kung sino ang iibigin mo. Kusa itong mararamdaman sa tao. "
Napabalikwat ito ng tayo ng may magsalita sa likuran niya. Nakita niya si Pako, nakapamulsa ito at nakasandal ito sa kahoy na poste.
"Kuya Pako" mahinang sambit niya
"Pinapasundo ka na ni nanay, baka mahamogan ka rito, magkasakit ka pa. Malalagot kami niyan kay mamita" ani Pako
Lumapit siya kay Pako at niyakap niya ito.
"Sorry kuya" aniya
Hinimas nito ang ulo niya na parang bata. "Sa susunod mag isip ka muna bsgo mo gawin ng hindi ka nasasaktan ng ganito" ani Pako
Tumango tango siya."Opo tara na po" ani Ava.
Kinurot siya sa tagilirin ni Dolor pagkarating niya. "Aray aray araaay!" namimilipit siya sa sakit
"Tama lang yan sayo pilyong bata, hindi biro ang pagpapakasal. Hindi iyon basta basta lang. Hindi ka nag-iisip,matalino ka pero tanga naman, haaaayst anong gagawin ko sayo bata ka" ani Dolor na napasapo sa noo
"I love you nay!" ani Ava at niyakap ito
Naiyak si Dolor ng yakapin siya, hindi niya lang ipinahalata kay Ava.
"Susunduin ka na bukas, tama na na parusahan ka dahil sa panloloko ninyo sa amin, nawa ay magtanda ka na at matutunan mo na dapat pag-isipan mina ang mga bagay bagay bago mo ito gawin"
"opo inay" ani Ava na nakayakap pa rin sa inay.
"Sya sige matulog ka na baka maagang dumating ang sundo mo." ani Dolor na siya na mismo ang kimalas sa pagkakayakap ni Ava.
"Salamat nay, mahal na mahal po kita, kayo ni kiya Pako" ani Ava tumingin siya kay Pako na nginitian siya nito habang nanonood ng tv.
"Alam namin iyon kaya sana hindi na mauulit . Mahal na mahal kita anak, hinding hindi ko kayang tiisin ang sinuman sa inyo. Mga anak ko kayo, nanggaling kayo lahat sa sinapupunan ko. Dugo't laman kaya walang sinuman o ano pa man ang makapagpapahinto sa akin na mahalin kayo jigit kanino man kung hindi kamatayan lang. "ani Dolor
Tumango si Ava at hinalikan ang nanay sa pisngi bago pumasok sa silid.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)