Simula ng patirahin niya ang dalawa sa flat ay hindi na siya nakakatulog ng maayos, mga late night works niya hindi niya matapos tapos.
Nasa study table siya, gumagawa ng presentation. Masyado na siyqng delayed kaya nirarush niya iyon. After a while narinig nanaman niya ang iyak ng baby. Naglagay na siya ng takip sa tenga pero tumatagos pa rin ito at hindi siya makapag focus.
"Shut the baby up!" sigaw niya
Tumigil sa iyak ang bata. Pero wala pang isang minuto ay umiyak ulit ito. Humugot siya ng malalim na hininga at pumikit. He is consoling himself for getting irritation from the baby's crying.
"I just could not (and still can’t) concentrate at all when she cried!" ani Sage sa sarili na nawala na talaga sa focus. He shut the laptop harshly and turn the shovel chair facing the huge window. Nakikita niya mula sa kinauupuan niya ang maliwanag na buwan. Naalala niya ang nakaraan, napabuntong hininga na lang siya.
Nakatulog siya sa study room. Nang magmulat siya ay awtomatikong tumingin siya sa kanyang palapulsuhan. Nakita niya sa relo na ang oras. Nagmadali itong nagtungo sa banyo at naligo. Kahit wala pa itong kain ay hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin at nagmadaling umalis.
"Hay naku, hindi ko man maranasan maging mayaman, hindi naman ako nakakalimot kumain. Break fast is the most important meal in a day. Alam mo sabrina yang daddy mo, mangangayayat yan kapag ganyan siya kailap sa pagkain. Hindi ka na nga niya maalagaan pati ba naman ang sarili niya? Hay naku talaga!" ani Ava na kausap si Sabrina.
Parang binagyo ang flat ni Sage nang dumating siya. Nagkalat ang mga laruan sa upuan, sa lamesa at sa sahig.
"Oh andiyan ka na pala, gusto mo ba kumain,teka ipapainit ko lang yung niluto ko" ani Ava
"Wag na busog pa ako" ani Sage na niluwagan at neck tie at bumuntong hininga. Tumingin siya kay Ava at nag fake smile. "Pakiligpit ang kalat" utos niya dito at iritang pumasok sa kwarto
"Anyari doon? Nagtatakang tanong ni Ava na nagkibit balikat na lang. Tulog si baby Sabrina kaya nagligpit siya ng mga nilaro ni baby Sab.
Pangit ata ang gising ng baby kaya iyak siya ng iyak. Inaalo siya ni Ava para tumahan pero hindi pa rin siya tumitigil.
"Hindi ko nagawa ang presentation kagabi dahil sa iyak ng baby na yan, pwede ba patigilin mo nakakirita na eh!" inis na sabi ni Sage
" bakit ka nasigaw? Inaano ka ba ni Sabrina, alam mo dapat masanay ka na Milo dahil anak mo ito, tyaka magkaroon ka naman ng kunting pagpapahalaga sa kanya! Alam mo minsan ang bata umiiyak dahil naghahanap ng kalinga ng kanyang magulang. " ani Ava na napasigaw rin sa inis sa inasal ni Milo
"Stop calling me Milo, hindi tayo close. My name is Sage!!!!! Gawin mo ng maayos ang trabaho mo hindi yung ako ang pinapangaralan mo. Don't preach me like you are my mom, and you are not my girlfriend to tell me what to do. Have you forgot who you are? I am your boss, if you forgot it!" sigaw niya dito na nagpapitlag kay Ava. Nangingilid ang mga luha nito sa inis at pagkapahiya.
Napabuntong hininga ito at inayos ang sarili. "Oo nga pala nakalimutan kong yaya pala ako ng anak mo. Kaklase mo lang pala ako noon hindi tayo naging close sir Sage. Ang swerte ni Sabrena kasi may tatay pa siya samantalang ako, hindi ko nakita ang tatay ko." ani Ava
"I don't care of your story, just do it your job and mind your business!" ani Sage
Hindi na nagsalita ulit si Ava. Kinuha niya ang baby at pumunta sa kwarto.
Pagdating ng umaga ay nakahanda na ang almusal sa mesa, may natuping papel ang nasa tabi ng plorera. Nakita agad iyon ni Sage ng magtungo ito sa kusina para uminom ng tubig. Binitawan niya ang baso at kinuha iyon.
"Pasensya ka na kung makalat ang bahay mo dahil sa mga laruan ng baby mo. Yung advwnce sahod ko at yung binigay mo noong isang araw, pag iipunan ko yun para mabayaran kita. Maghanap ka na lang ng iba na mag-aalaga at makakaintindi sa bipolar mong mong ugali"
Napasinghap ito pagkatapos niyang basahin. Namaywang siya at hinimas ang baba. Papunta na siya ng sala ng makita niya si Ava na bitbit ang mga gamit.
Lumapit si Sage kay Ava. "Aalis ka paano ang baby, sino mag-aalaga?" tanong ni Sage
"Mayaman ka naman eh kaya makakahanap ka kaagad ng kapalit ko sir Sage!" diniinan niya ang huling sabi. Humakbang na ito palapit sa pinto nang humarap ulit siya. "Malambing at sweet si Sabrina, sana makita mo yun. Kung anuman ang galit mo sa mundo huwag mong idamay ang walang muwang na baby dahil hindi niya kasalanan ipinanganak siya sa mundo. Yung pera mo pag-iipunan ko yun. Hindi ako scam para takbuhan iyon. Mahirap lang ako pero hindi ako tumatakbo sa responsibilidad" ani Ava at pinihit na ang pinto at lumabas.
Hindi nakaimik si Sage sa mga biniTeawang salita ni Ava. Something hit him inside that he couldn't utter the words. Pinuntahan niya ang baby sa kwarto. Nakadungaw siya sa crib, nag aabang na may lumapit at kunin siya.
Tinignan lang niya ang baby, ngumiti ito sa kanya na parang nakikipag-usap. Baby Sabrina make a cooing noises. Itinaas niya ang kamay niya na parang gusto magpakarga. Dahil walang response si Sage ay unti unting naiinip ang baby at naiiyak na siya. Nang humikbi na ay tuloy tuloy na sa pag iyak.
"ssshhhhhh, wag kang umiyak."Ani Sage na naiirita sa iyak nito
Sa taas ng boses nito ay mas lalong umiyak si baby Sabrina.
Napahilamos siya sa mukha at namaywang. Nataranta si Sage ng wala ng sound ang iyak ni Sabrina. Binuhat niya ito at ipinilig ang ulo sa kanyang dibdib. "Tahan na baby, hindi naman kita pinalo para umiyak ka ng ganyan ah" pag-aalala nito. Isinasayaw na niya ito habang hinihimas ang likod nito. Unti unti tumatan si Sabrina. Nang wala na siyang ingay na naririnig ay sinilip niya ito, nakatulog na pala siya sa paglilini niya.
Nang ilalapag na niya ay biglang umuyak ulit ito kaya kinarga ulit niya at isinayaw. Ilang ulit na ganoon lang ang nangyayari tuwing ilalapag niya si baby Sabrina kaya wala siyang choice kundi kanlungin ito. Lumabas siya sa may sala at umupo sa sofa. Dinampot jiya ang telepono sa side table at nag dial gamit ang isang kamay habang ang isa ay nakahawak kay baby.
" Layla hindi ako makakapasok ngayin, may importante akong gagawin." pagpapaalam niya sa sekretarya.
Napabuntong hininga siya at tinignan ang tahimik na natutulog na si Sabrina. "Hindi ko alam kung sino ang magulang mo at bakit ako ang pinahihirapan ngayon, hindi kita responsibilidad pero kung hinayaan kita doon baka kung anong nangyari na sayo kaya sana makipag cooperate ka naman ha, magpatulog ka sa gabi please?" aniya sa animoy parang nakikipag usap kay Sabrina.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)