Chapter 52 (Mamita-Jessica)

1.4K 35 1
                                    

Sa mga natuklasan tungkol sa magkapatid ay hindi maialis sa isip kung paano sila magkakasundo. At ang pagtuklas niya tungkol sa tunay na tatay ni Sabrina ay hindi niya mapaniwalaan. Ang kawawang bata walang kamuwang muwang ay pinagkaitan na makapiling ang ama at ang ina naman nito ay walang kakayanan na alagaan siya dahil sa kondisyon. Kung inaangkin siya ni Porter na siya ang ama, kahit saan tignan ay wala itong karapatan sa kustodiya sa bata lalo na ngayon na si Ava At Sabrina ay totoong magtita. Kung siya ang mag adopt sa bata ay malaki ang chance na mapunta ang full custody sa kanya.

"ang lalim ng iniisip mo mama ah" pamumuna ni Ofelia ng makitang nakatingin sa malayo ang mama at napapabuntong hininga pa ito.

"kailangan magkaayos pa sila bago nila malaman ang lahat ng katotohanan na sasambulat sa kanila. Kapag sinabi ko ito ngayon ay tyak maghihiwalay ang dalawa kung magpaparaya si Ava sa kapatid" ani Mamita

Nakataas ang mga kilay ni Ofelia na nakikinig lang. Hindi niya lubos maintindihan ang ibig sabihin ng mama.

"Bukas na ang pag alis ni Sage, makakapag isip pa tayo ng paraan upang hindi ito mabigat kapag ipinaalam na natin sa kanila ang katotohanan" ani mamita at humugot ng pinaka malalim na hininga.

Nagpasya siyang dalawin ulit si Jessica ngunit wala na siya sa mentalang sabi ng isa sa mga staff na nakauwi na ito sa kanilang bahay, nakagawa ng paraan si Delfin para maging bailable ang kaso sa kanya, naiuwi niya ito sa kanyang mansion. Doon siya lubos na magpapagaling. Humanap siya ng mga expert na titingin sa kondisyon niya. 

Sinadya ni mamitang bisitahin si Jessica sa bahay ni Delfin Alfaro.

Pagkababa niya ay ibang iba na ito sa Jessica na huli niyang nakita noong nasa mental hospital pa. Bumalik na nga ito sa huwesyo nito na parang walang nangyari.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ni Jessica na nakayuko

"Kamusta ka na eja?" ani mamita

Tumaas ang tingin nito at diretsong nakatitig kay mamita. "Ayos lang po" aniya

"Kinalulungkot kong malaman ang naging kalagayan mo. Hindi ko inakala na sobrang masalimoot ang naging buhay mo." ani mamita

"Tapos na po yun, nangyari na ang ang nangyari. Patawarin nyo po ako sa mga nagawang kasalanan sa inyo, naging bulag ako sa mga bagay na dapat ay hindi ko ginawa dahil sa paghihiganti" ani Jessica na nangingilid ang luha sa mata nito

Napabunting hininga ng malalim si mamita. "gaya ng sabi mo tapos na iyon at hindi ako ang tamang tao na hihingian mo ng tawad. Dahil kung ako lang, napatawad na kita bago mo sabihin pa iyon." ani mamita

"Kamusta na si Sage at si Ava?" tanong nito na may pag-aalala

"okay naman sila. Hinaharap nila ang sarili nilang problema" sagot ni mamita

"Na ako ang dahilan" ani Jessica. Yumuko ito at napakurak kurap dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo s akanyang mga mata.  "Kasalan ko kung bakit sila ngayon nagkaproblema, nilamon ako ng  galit, galit at takot na amg-isa. Aniya na kahit anong pagkontrol ay tumulo pa rin ang luha sa mata niya, napa singhot ito at pinunasan ang pisngi. "hindi ko alam kong mapapatawad niya ako ngayon nalaman ko na kapatid ko siya. Ang sama sama kong kapatid. "  unti unti na siyang humahagolgol

Lumapit si mamita at niyakao niya ito. "marahil ay may nagawa kang pagkakamali pero kilala ko si Ava, mapapatawad ka niya dahil kapatid ka niya. Hindi mapagtanim na galit ang isang tulad niya. Sa maikling panahon na nakilala ko siya, napakabuti ng kalooban niya." hinawakan nito ang pisngi ni Jessica at inangat. "Magtiwala ka, lahat ng problema ay may solusyon, lahat naayos kung hahanapan mo ng paraan." ani mamita

Sa pag-uusap nilang iyon ay nabigyan ng pag-asa ang kanyang isipan, hindi na ito masyadong nag-aalala dahil may tiwala siya sa mga binitawang salita ni mamita.




The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon