Nauna si Sage na umakyat. Naglagay siya ng unan sa couch at doon ay nahiga. Hindi na siya nagpalit pa nito ng damit dahil sa antok.
Dahil nakahuga si Sage sa couch ay sa kama siya natulog. Sarap ng tulog ng dalawa.
Pag gising ni Sage ay mabigat ang katawan nito. Nagtungo siya ng banyo para maghilamos. Nakaramdam na rin ito ng gutom. Paglabas niya ay tumingin siya sa wall clock, 8:15am na. Pagbaling ng tingin sa kama ay wala si Ava pati ang baby ay wala sa crib. Nagbaka sakali siyang nasa baba na sila.
Bumaba na rin siya dahil nagugutom na talaga siya. Kumuha siya ng sandwich at fresh juice sa kusina at nagpunta ng garden. Wala sila Ava roon, nagkunot noo na ito dahil pati sa sala ay wala sila.
Nagpunta siya sa swimming area, andoon si Ofelia at dalawang maids. Hawak hawak ni Ofelia si Sabrina.
Lumapit ito sa kanila at tumingin sa paligid.
"oh Sage andyan ka na pala, napakalikot ni Sabrina, gustong gusto makipaglaro. " ani Ofelia
"madam may tawag po galing sa shop" ani Herrero
"sige nariyan na" tumango ito at tumingin kay Sage. "Ikaw na mina ang bahala kay Sabrina, may aasikasuhin pa ako sa shop" pagpapaalam niya
Karga karga niya si Sabrina na masayang masaya noong kunin siya ni Sage. Nagheheadbangs pa ito.
"Nasaan si Ava?" tanong niya sa maid na naroon.
"Umalis po kasama ni madam Felomina" aniya kay Sage
"Ano? Sino magbabantay kay baby Sab?" tanong niya
May nag vibrate sa short ni Sage. Pagsukot niya sa bulsa ay rumihisto ang pangalan ni mamita.
"May pinuntahan lqng kami ni Ava, ikaw muna ang ang mag-aalaga kay Sabrina, total anak mo naman siya magbinding muna kayo" ani Mamita.
Naputol ang tawag, hindi na siya nakasagot pa.
Hindi niya pwedeng basta ipaalaga sa mga maids ang bata. Baka kung ano pa ang mangyari.
Naglagay siya ng sapin sa may bermuda grass at inilagay niya ang mga laruan ni baby Sab. Pinaupo niya ito at tinuturuan maglaro ng kotse kotsehan. May mga soldier at truck ng bombero din. Halos lahat ng ipinamili niya ay panlalaki. Tawa lqng ng tawa si baby sa ginagawa ni Sage. Kahit hindi ito nagpapatawa ay tuwang tuwa ang bata.
Umiyak bigla si baby. Binuhat niya ito, hindi pa rin tumitigil ang bay sa pag iyak. Tinignan niya ang sugat pero hindi naman dumurugo. Nataranta ito dahil hindi tumitigil si baby.
Isinayaw niya ito pero mas lalong lumakas ang iyak niya. Basang basa na ang pisngi niya ng luha. "Baby anong gusto mo, tahan na hindi ko maintindihan. Gusto mo ng pulis na laruan? Teka tignan namtin baka meron. Hinalungkat niya ang mga laruan. Wala siyang makita. Kinuha niya yung baril barilan na tumutunog kapag pinihit mo yung trigger neto. Inilapit niya ito pero itinapon ni baby. "haaaays huwag mo gagayin si daddy bad yun." ang lakas lakas na ng iyak niya. "Can someone help me!" sigaw ni Sage
Walang nakikinig o sadyang hindi siya naririnig.
Bag vibrate ang phone niya. Pagtingin sa screen ay may text galing kay mamita.
"Kapag umiyak si baby tatlo lang ang pwede mong isipin.
Una: nagugutom (3 scope ng gatas sa ika 8 na guhit sa botelya) maligamgam na tibig ang gamiting at haluin mabuti bago ito ibigay.
Pangalawa : Puno na ang diaper. Naiirita na siya
Ikatlo: Gusto na matulogNote: huwag mong ipaalala sa iba. Malilintikan ka sakin pagdating ko!
"Haaayst mamita talaga oh" bulong niya sa sarili
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)