Chapter 41 (Nice meeting you, again)

1.5K 40 0
                                    

Sumasama si Ava kay aling Menda sa pagtitinda sa bayan, wala kasi siyang ginagawa sa mansion, ayaw rin naman siyang payagang tumulong sa gawaing bahay tyaka magluto... In short Prinsesa siya sa mansion. Minsan napapaisip na lang siya kung parusa ba talaga ito sa kanya?

(Prinsesa sa isang liblib na lugar then where is my Prince? Sana naman makita ko na siya para hindi lang ako mag-isa nalulungkot at nababagot buong araw. Lagi na lang ganito ang aking ginagawa, kakain maliligo, matutulog tapos sa hapon tinuturuan ng sayaw kasama ng mga iba pang kababaihan sa isla., may magaganap na malaking pagtitipon at lahat ay pinaghahandaan iyon.) napabuntong hininga siya at bumalik sa kanyang huwesyo ng may bumibili sa kanilang oanindqng isda.

"150 per kilo po yan" aniya sa lalaking bimibili

"130 na lang miss" tawad ng lalaki

"Sa gwapo mong yan tatawad ka pa, malukugi naman kami niyan kapag binawasan namin ang presyo, sa iba nga 180 yan eh" ani Ava

"Sige na nga miss oh heto ang pera" ani ng lalaki at tyaka na inabot ang pinamiling isda

"Miss pabili ng pusit, magkano ang isang kilo?" tanong ng customer, lalaki ulit

"160 per kilo kakahuli lang yan kanina" ani Ava

"Sige dalawang kilo" aniya

Pag alis ng customer ay syang pagdating ni aling Menda

"Oh Ava ang galing nating magbinta, kakaunti na oaninda natin, tyak mapapaaga tayo ng uwi niyan" ani Aling menda

"Oo nga po, teka bakit sobrang mura ng benta niyo ng mga isda, samantalang halos lahat ng mga nagtitinda mataas kung mag presyo" ani Ava

"iba iba kasi ang diskarte ng mga negosyante, yung iba gusto umasenso agad agad kaya nagtataas ng dobleng presyo, ang akin lang naman makatubo lang ng sapat okay na yun tyaka ang importante nauubos ang laninda arar araw lara sa susunod sariwa ulit ang ibebenta" paliwanag ni Aling Menda

Mataas pa ang araw ng magsara sila ng pwesto dahil naubos agad ang oaninda nilang isda.

Bago lumubog ang araw ay nasa pampang ito para panoorin ang sunset.

"I fell so happy every time I am enjoying the sunset view, whenever I see it it gives solemnly into my soul. The innerpeace that it made to me." aniya habang tingala sa langit at ponagmamasdan ang mapulang araw.

May dumaong bangka sa di kalayuan. May mga naka tuxido ang lumapit dito. Nakakunot-noo si Ava na pinagmamasdan ang nangyayari.

Napatayo ito ng makita kung sino ang lumusong sa tubig. Hindi siya pwedeng magkamali, hindi siya namamalikmata. Napasampal ito sa kanyang pisngi ng marahan.

"Sage" sambit nito ng makita ang kabuuan ng mukha ng tanggalin niya ang kanyang sombrero. Hindi niya alam kung lalapitan ba niya ito o hindi. Nagdadalawang isip ito na lumapit pero tela may sariling utak ang mga paa nitong kimilos mag isa, hindi niya namanlayan na sa ilang sandali ay nasa harap na niya si Sage.

Huminto ito sa ginagawa at tumingin kay Ava. "Hi, nice to meet you, again" aniya at tyaka ngumiti ng bahagya. Pagkatapos niyon ay nilagpasan na siya nito at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa mansion.

Nagtaka siya, bakit ganoon na lamang ang ikinilos ni Sage sa kanya, hindi ba siya nito namiss, bakit wala man lang excitement sa sinabi nito. "Hi, nice to meet you again" pag uulit ni Ava sa sinabi ni Sage

"Ano yun, walang kabuhay buhay, o baka pagod lang siya kaya ganoon na lang yun. Aaaaayst ano ba itong iniisip ko, bakit ba ang dami kung tanong, wala lang siguro yun diba?. " aniya sa sarili, napakamot siya ng ulo at nagsimula na siyang maglakad papunta sa mansion. Nakahanda na ang mesa ng pumasok siya, maaga ang oras ng hapunan nila dahil maaga rin ang pagtulog nila. Strict ang matanda sa oras, lahat ay tansyado niya.

Tinawag na siya ng matanda mesa. Lumapit naman ito at naupo. Maya maya ay umupo na rin si Sage.

"na miss ko luto mo manang Ester, meron ba yung paborito kung kilawing bangus?" ani Sage sa matanda.

"Meron ho seniorito, Dalia kunin mo ang kilawin na itinabi ko para kay seniorito Sage" utos ni matanda

Hindi man lang siya tinitignan ni Sage, sarap na sarap ito sa pagkain. Naka kamay ito na HDanadong ganado sa kinakain.

Tahimik lang siyang kumakain habang palihim na sinusulyapan si Sage. Wala talaga itong balak na tignan siya o kausapin.

(Kung ayaw mo eh di huwag, hindi rin kita papansinin) sabi niya sa isip.)

"Tapos na po akong kumain"ani Ava, nawalan ito ng gana sa pagkain... Hindi niya alam kung bakit o dahil sa di pagpansin sa kanya nito.

Tumayo siya at umalis, hindi niya matagalan ang stranger Sage na  kasabay niyang kumain.

Pagpasok ng silid ay marahas na umupo ito sa kama. "Sabi ko na eh, kakalimutan niya ako pagkatapos niyang malaman na si Jessica ang nanay ni Sabrina, na may anak sila" aniya na may luhang pumatak sa kanyang mata sa inis. "Heto na ang huling iiyak ako, hindi na talaga pagkatapos nito!" aniya sa sarili.

Maaga siyang nagising, nagpunta siya sa likod ng mansion, nakita niya si mang Gardo at mga kasamahan nito na naglalagay ng kahon kahon sa mga kalisa.

Lumapit siya at pinapanood sila. "Mang Gardo ano po iyan?" tanong niya habang tinitignan ang nilalagay sa mga kahon.

"Ah kayo pala Miss, mga tuna yan na dadalhin sa rancho, doon po kasi ang Factory ng sardinas. " paliwanag ni mang Gardo

"Aah ganoon po ba, malapit lang po ba iyon mula rito?" tanong niya ulit.

"kalahating oras kapag karwahe ang sasakyan mo kapag motor 20minutes lang."

"pwede ho bang sumama?" tanong ulit niya dito

"Sigurado po ba kayo Miss, baka mabagot lang kayo doon" ani mang Gardo

"Hindi naman po siguro, nakakavagot kasi rito sa mansion, ayaw din po kasi nila ako payagang tulungan sila sa gawaing bahay" paliwanag niya sa matanda

"Sige ho kung yan ang gusto ninyo. " ani ni mang Gardo

Lumiwanag ang mukha nito ng pumayag ang matanda na sumama siya.

Tinuruan siya kung paano sumakay sa kalesa, natatakot man ito sa pauga uga ng sinakyan ay nasasanay na rin ito paunti unti.

"Ah mang Gardo matagal na po ba kayo rito sa isla? " tanong niya habang binabaybay nila ang daan.

"Oo Miss, dito na ako lumaki at nagkaasawa" pahayag nito

"Ehmm sanay na kayo na walang kuryente sa dito?"

"ay opo, sinubukan nilang magtayo ng power plant dito noon pero sinira ng bagyo kaya simula noon ay wala nang nagbalak na magtayo ulit ng power plant dito. Napag iwanan na ng makabagong mundo ang lugar na ito kumpara sa syudad. Ang tulad kung matanda na ay hindi na hinahangad pa ang magkakuryente." dagdag pa ni Mang Gardo

Napatango na lang ai Ava at palihim na sinulyapan ang matanda.




The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon