Sakto sa araw ng sabado ang kaarawan ni Ofelia ang nanay ng apat na bruskong Mariano. Dahil importanteng araw ito lahat ay dapat pumunta. Selebrasyon sa Pamilya lang ang gaganaping birthday.
Walang maisip a iregalo si Ava at sa yaman nila ay tyak na kayang kaya nila bumili ng kahit ano na gusto nila. Naisip niyang idrawing na lang ang mukha ng ginang sa medium size na canvas. Hindi na pinag ukulan ng pansin ni Sage pa ang triangulong bitbit ni Ava, sumakay siya ng sasakyan ng tahimik lang.
Bitbit ni Ava ang regalo sa kabilang kamay, sa kabila ay sibaby Sabrina at bag. Hindi man lang siyra tinulungan nito.
"Napaka ungentleman naman" ani Ava na naiinis na sumakay. Buong byahe ay walang imikan. Okay lang sa kanya dahil wala naman siyang sasabihin at naiinis pa ito sa pagka ungentleman ni Sage.
Dumating siya sa mansion. Naunang lumabas si Sage, diret-diretso ito sa paglalakad, hindi man lang siya naalala o sinasadyan niya talaga. Yung mga maids ang tumulong sa kanya. Sila ang nagbitbut ng mga dala niya.
"Paki ingatan na lang ito" ani Ava sa taga silbi
Iginiya kami sila ni Herrero sa may Garden. Andoon na ang lahat. Nang makita siya ni Ofelia ay kinawayan siya na pumaroon.
Lumapit siya sa kinaroroonan nila at nag mano sa dalawang ginang. Umupo siya sa tabi ni Sage, kahit aloof ito sa kanya ay kailangan nilang magpakita na okay sila para hindi sila paghinalaan.
"Kamusta naman ang Sabrina?" ani Ofelia na kumakaway sa baby.
"Marunong na po siyang tumayo kahit saglit lang, nabibigkas niya na rin ang mama" ani Ava
"Ooh really apo?" tanong ni Mamita kay Sage
Nag angat ng tingin si Sage na tela walang narinig.
"Wala ka yata sa sarili Milo at hindi mo man lang narinig ang sinabi ko" paninita ni mamita
"Ah hindi naman po, may iniisip lang"Ani Sage na bahagyang ngumiti kay mamita
"Kung sa trabaho yan, pwede bang kalimutan muna natin, kaarawan ko naman eh" ani Ofelia
Tumango si Sage "Sorry ma" paghingi niya ng tawad.
"Da.....da......da" salita ni Sabrina na naglahad ng dalawang kamay, gusto magpakarga kay Sage.
Tinignan ni Sage si Sabrina sandali, maya maya ay lumulukot na ang labi ni baby na naiinip na, hindi siya kunin ni Sage.
"Milo gusto yata magpabuhat sayo si Sabrina" ani Ofelia
Tumango ito at kinuha si Sabrina. Ayaw man niya pero wala siyang magagawa dahil baka questionin nila lalo si mamita na mabilis mag-isip at baka mabuko sila. Malilintikan siya nito ulit.
Sinalinan ng maid ang mga baso. Itinaas nilang lahat ang baso
"Sana sa kaarawan kung ito ay walang magkakasakit. Maging malakas ang pangangatawan ng lahat. Masaya at malusog ang bawat isa." ani Ofelia
"Cheers!" sabay sabay nilang sambit
Ang mga bata ay juice ang iniinom. Tikim tikim lang kay baby Sab. Kapag kinukuha ang baso ay umiiyak ito. Naiirita na si Sage sa kulit ng bata at nababasa na siya nito. Maya maya ay nakaramdam siya ng mainit sa pang upo ni baby Sab. Napanganga ito sa gulat. "Ano iyon, bakit may mainit?" napalakas na sabi ni Sage
Nakuha niya ang atensyon ng lahat. Nagtataka ang dalawang ginang.
Tinignan ni Ava agad ni Ava ang diaper ni Sab. Nag leak na nga, agad niyang binuhat at inilayo kay Sage.
Tumayo si Sage. "Look what messed she did to me!" sinigawan niya si Ava.
Nagulat silang lahat sa pagsigaw ni Sage kay Ava. Kahit si Ava ay hindi nakakibo sa gulat.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)