chapter 12 (Wedding bells)

1.6K 46 0
                                    

Nakapag ayos na si Ava, nasa labas na ng simbahan ang bridal car. Lalabas lang siya kapag dumating na si Sage.

Kalahating oras na wala pa si Sage. Naiinip na ang mga bisita, aburido na si Ofelia. Si mamita naman ay hindi umiimik.

Sumilip sa bintana si Ava, tumingin sa kanya ang wedding organizer at umiling.

"Bakit wala ang groom?" tanong ni Dolor

"Baka na late lang inay" ani Pako na nagtagis ang bagang nito.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Sage. Nag-aalala na rin sila dahil kagabi ay lasing na lasing siya. Hindi man lang nila napigilan ito.

Ang sakit sakit ng ulo ni Sage na bumangon. Hinawakan niya ang ulo sa sobrang hang over nito. Tumingala siya at hinawakan ang batok. Maya maya ay nagmulat ito ng mata at naalala ang kasal. Agad na tumingin siya sa orasan. Napamura siya at agad na kumaripas siya ng takbo sa banyo.

"Im late, paaptayin ako ni mamita nito" aniya habang mabilis na naliligo.

Wala ng suklay suklay pqgbihis ay agad na nagmaneho.

Isang oras na ang lumipas.

"Pako, tara na, hindi ko na mahihintay pa  at marinig ang mga bulong bulongan ng mga tao" galit na sabi ni Dolor.

Agad na tumakbo si Porter sa labas. Tinawagan niya si Sage. Ilang ring pa bago ito sumagot.

"Sage asan ka na? Iaannounce na nila na hindi itutuloy ang kasal." Bulyaw ni Porter

"Parating na ako" ani Sage at ibinaba na niya ang phone.

Nagmadaling pumasok si Porter. "Parating na si Sage, naipit siya sa traffic." pag alibi ni Porter.

Nakahinga ng maluwag si Ofelia. Si mamita ay hindi pa rin umiimik

"tama ba ang narinig ko Pako?" tanong ni Dolor

"Opo inay" ani Pako

Nilapitan sila ng staff ng wedding planner. "Tayo na po sa labas para masamahan niyo na po ang anak ninyo." aniya

Sa gilid sila dumaan. Sa labas ay tense na tense ang mukha ni Ava. Hindi siya mapakali

Kahit na hindi man totong mahal nila ang isa't isa ayaw niyang mapahiya ang nanay niya ang mga kapatid sa ganito. Baka kung anong mangyari sa ina kung sakaling hindi sumipot si Sage. Aburido ito sa kanyang kinauupuan.

Nang makita ang ina na palabas ay nag iba ito ng facial expression. Pilit itong ngumiti ng makita na siya nito.

"Okay ka lang ba anak?" bungad na tanong ni Dolor ng bumukas ang bintana

Tumango siya sa ina at ngumiti

Nakita nila ang sasakyan ni Sage. Nagmamadali itong pumunta sa harap ng pintuan. Inayos ng staff ang damit nito at ang kanyqng buhok. Lumabas si Ofelia at Lucas na siyang kasama ni Sage papasok ng simbahan.

Tumunog ang kampana ng bumukas ang pinto. Hudyat na bubukas na ang pinto.

Ang daming tao, mga kilalang personalidad ang mga bisita. Ngumiti ng malapad si Ofelia. Si Sage ay sakto lang. Ilang minuto na lang at ikaaksal siya sa taong hindi niya mahal. Hindi niya aakalin na magpapakasal siya ng ganito. Punong puno kasinungalingan. Ito na ba ang parusa sa kanya sa pagsulot ng girlfriend ng kapatid noon? Bakit sa ganitong paraan pa?

Nasa labas na ng pintuan si Ava, kasama ang nakataTeandang kapatid ni Ava na si Pako at ang nanay na nakaupo sa wheelchair. Dahan dahan silang naglalakad habang tulak tulak ni Pako ang wheelchair ng nanay nila. Magkahawak ng kamay si Dolor at Ava.

Nanginginig si Ava habang papalapit siya sa dulo. Nasa loob siya ng simbahan pero nagkakasala siya sa diyos. Hindi man niya gusto ang magsinungaling, wala na rin siyang magagawa dahil mas gugulo ang lahat kapag nalaman nilang wala ni isa ang totoo sa mga sinabi nila ni Sage. Baka itakwil siya ng Pamilya niya at ang maaaring gawin ng Mariano kapag nalaman nilang niloloko lang  nila sila.

Nagsimula na ang seremonya. Hindi siya tinitignan at kinikibo ni Sage. Ramdan niya ang panglalamig nito sa kanya. Hindi siya pwede magreklamo dahil in first place wala namang sila.

Nagpalitan sila vows na parang nagbasa lang si Sage walang feelings. Tuloy tuloy iyon hanggang matapos ang process ng kasal. Hinawakan niya ito sa pisngi at sa kabila niya ito hinalikan. Dumampi lang ng kunti sa pisngi niya ang labi ni Sage. Hindi iyon nahalata ng mga tao dahil nakaharang ang kamay ni Sage.

Diretso sila sa reception. Nagpunta si Sage sa labas. Doon ay tahimik na umiinom.

May tumikhim sa likod. Lumingon siya ng marinig niya iyon. Nakita niya ang kapatid. Palapit na si Hunter ng magsalita si Sage.

"Huwag ngayon Hunter, kung may balak kang inisin ako, ngayon pa lang sinasabi ko na, panalo ka na" inis na sabi ni Sage

"woooah, chill. Andito ako para icongratulate ka bro, ceeasefire muna tayo" ani Hunter

"shut the hell up, I need to be alone.... Pakiusap ko lang!" ani Sage

Nag hands up si Hunter at nagkibit balikat. "Okay" aniya at tyaka umalis na ito

"nasaan na ako ang asawa mo at nang makapagpaalam na kami, medyo sumasakit na ulo ko, gusto ko na humiga" ani Dolor.

Nagpagala gala ang tingin ni Ava pero hindi niya mahagilap si Sage

"Hanapin ko lang nay, saglit lang" pagpapaalam ni Ava

Lumabas si Ava, nagbabaka sakaling makita niya si Sage. Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ito na umiinom mag-isa. Lumapit siya dito

"I said leave me alone, hindi ka ba makaintindi Hun-" pqglungon niya ay hindi niya naituloy ang sasabihin ng ang inaakalang si Hunter ay si Ava pala.

Nagulat si Ava sa pagsigaw nito sa kanya. Hindi ito nakaimik sa pagkabigla.

Kumunot ang noo ni Sage. "anong ginagamo dito?" matigas na tanong ni Sage sa kanya.

"Hinahanap ka ni inay magpapaalam sana sila, uiwi na dahil sumasakit ang ulo niya" nabubulol niyang paliwanag ni Ava

"Di umalis sila bakit kailangan pa nila magpaalam sa akin?" ani Sage

"Bilang respeto" ani Ava

Tumingin ng diretso si Sage kay Ava sa sinabi nito. Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Ava.

"Hindi naman pwedeng umalis na lang sila ng hindi nagpapaalam, kabastusan kasi iyon" dagdag ni Ava

"Nandiyan ka naman kaya okay na yun" ani Sage

"Pero gusto nila sayo magpaalam dahil asa-" hindi na jiya tinuloy ang sasabihin

Marahas na inilapag ni Sage ang baso sa lamesa at umalis. Bumalik siya sa loob at tinungo ang kinaroroonan ng nanay ni Ava.

Napabuntong hininga na lang si Ava sa tinuran ni Sage

"Andiyan ka na pala, ejo" ani Dolor na naka ngiti

Gumanti ng ngiti si Sage "Aalis na raw kayo sabi ni Ava?" tanong nito

"Oo, sumasakit na ang ulo ko at malamig na rin sa labas." paliwanag ni Dolor

"Sige ho ipapahatid ko na lang driver para hindi na kayo mahirap, inay" ani Sage

Nakamasid lang si Ava sa dalawa

Nakipagbeso beso ito kay Dolor. Pagkaalis ng matanda ay sunod na umalis na rin ito. Niluwagan niya ang neck tie bago ito sumakay ng kotse. Pinaharorot niya ang takbo.

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon