Chapter 45 ( Welcome to my Paradise )

1.5K 38 2
                                    


Araw araw may pabulaklak si Sage sa mesa ni Ava bago ito magising sa umaga. Inilalagay naman iyon ni Ava sa vase.

Tuwing kakain ay pinagsisilbihan siya ni Sage

"Ikaw ha, nahahalata ko marami rami ang nilalagay mo sa plato ko" ani Ava

"sakto lang tyaka mas maganda ka kapag mataba" ani Sage

"Tse, kapag mataba na ako baka tumingin ka na sa iba" ani Ava na nginisihan niya ito

"Hindi no, kahit sumupa pa ako sa lahat ng santo hindi ako titingin sa iba kahit umabot pa sa katawan ni Majembo ang waist line mo" ani Sage

"Nah, nagbibiro ka lang eh, mag eexercise simula mamaya" ani Ava

"Huwag na, kapag sumeksi ka lalo ka nilang oagtitingina, dukutin ko mga mata nila" ani Sage na marahas na tininidor ang bacon sa plato. Nagkadutog durog iyon.

"Hindi ka naman galit ano?" ani Ava ng makitang nadurog ang bacon

"Hindi" umiling iling ito ng sabihin iyon pero ang mukha ay naiinis

"Alam mo kung gusto mo akong tumaba magpataba ka rin para it's a tie" ani Ava at nanunuksong tinaasan ito ng kilay

"Yun lang ba sige deal!" ani Sage na natatawa sa pinagsasabi nila.

Pagkatapos nilang kimain ng agahan ay lumabas si Safe. Si Ava naman ay nasa sala, nagpapaturong mag crochet kay aling Ester. Balak kasi niyang gawahan si baby Sabrena ng sombrero nito.

Maya maya ay nakuha niya na rin ang pattern at sinubukan niyang gayahin ang nasa libro. Natutuwa siya sa nakikita kahit hindi pa ito tapos at wala pa sa kalahati ay nagagandahan na siya, ilang oras na niya itong ginagawa kaya hindi niyabnamalauan na nakatulog siya sa ganoong ayos.

Nadatnan ni Sage na tulog si Ava sa sofa. Binuhat niya ito at dinala sa kanyang silid. Inilapag niya ito ng dahan dahan sa kama, akmang aalis na ito ng hawakan ni Ava ang kamay niya.

"Sabrina" sambit niya habang natutulog

Umupo siya sa tabi ni Ava at hinahaplos ang ulo nito. Inalis niya ang mga buhok na humaharang sa mukha niya.

"Sabrina miss na kita" sambit ni Ava

Napabunting hininga si Sage ng maalala si Sabrina, kahit siya ay namimiss niua na rin si baby.

"Kamusta na kaya ang anak natin" bulong niya kay Ava na mahimbing na natutulog.

Nakatulog din ito sa tabi ni Ava... Nakayakap si Ava kay Sage habang ang ulo niya ay nakapatong sa braso nito.

Kumapa kapa ito ng maramdaman ang bukol bukol sa hinahawakan. Nakakunot-noo siyang nagmulat.

Pinandilafan ang kamay ng makita na sa matigas nitong dibdib nakahawak. Unti unting nag angat ito ng ulo, tumingin siya kay Sage. Nakatingin rin sa kanya. Napapikit ulit ito at yumuko.

"Bswesit, nakakahiya.." aniya na napakagat labi pa

"Enjoy?" ani Sage na nanunukso pa

Lalo lang nahiya at pinamumulaan si Ava sa ginawa. Hindi naman niya alam na dibdib yun eh tyaka sino bang may sabi na tumabi siya. Bumangon siya at nagtakip ng kumot

"Bakit ako nandito tyaka bakit katabi kitang natutulog?" ani Ava na lumayo kay Sage

"First mo?" kabisado kobna lahat yan mula sa hugis at laki ng_" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng takpan ni Ava ang bibig niya

"napaka mo, bakit hindi ba pwedeng magtaka!" pagtataray niya dito. Inalis niya ang kamay niya sa bibig

"Eh kung makareact ka diyan parang nerape kita" ani Sage

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon