Chapter 9 ( her mother's will )
Ang tradisyunal tuwing mamamanhikan, buong Pamilya ang pupunta except Lucas and Arriette na namamahala ng kanilang mga anak at negosyo.
Tahimik ang lahat habang binabaybay nila ang daan. Wala ni isa ang may balak na magsalita.
Nakarating sila sa lugar sa tamang oras. Nag abiso na si Ava na darating siya at may kasama kaya naghanda ang mga kapatid nito,inayos ang bahay at nagluto sila para sa bisita.
Bumaba si mamita sa sasakyan. Agad na bumungad sa kanya ang puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga.
"Aba, tignan mo Ofelia. Kay swerte ng may-ari ng punong ito."ani mamita
Tumingala rin si Ofelia at tinignan ang puno. "Oo nga mama" sinang ayunan naman iyon si Ofelia
"Tayo na po sa loob." anyaya ni Ava
Ang kahoy na bakod ay kanyang binuksan. Binigyan noya ng daan ang mga ginang. Ponauna niya ang mga ito
"Ate!" sabay sabi ng mga kapatid ni Ava. Sinalubong niya ang mga ito ng yakap.
"Kamusta na kayo?" tanong niya.
"ate si Panyang nereregla na" sumbong ni uling
"Uling naman, bakit kailangan sabijin mo pa yan" reklamo ni Panyang
"Oh kararating ko lang mag-aaway agad."
Yumakap ang dalawang bata na edad 12 ang babae at onse naman ang isa.
"Ate bakit may baby kang bitbit?" tanong ni Uling
"Pamangkin mo" sagot ni Ava
"Oh Ava andiyan na pala kayo" ani Kuya Pako
Naputol ang kwentuhan nila ni uling ng makita ang nakakatandang kapatid"Hi kuya" bati ni Ava
Niyakap niya ito ng mahigpit
"Mukhang ang tagal mong hindi nakauwi. Sabik na sabik ang mga kapatid mo sayo na makita ka" ani mamita
"Opo ilang taon na rin" tipid na sagot ni Ava
"Kaya naman pala" ani Ofelia
"Tara na po sa loob" anyaya ni Ava.
Di tulad sa mansion na napakaluwang at laki. May mga mamahaling gamit. Sa kanilang munting bahay ay may masayang Pamilya. Wala man ang karanyaan sa buhay masaya naman silang mag-anak. Hindi man sila lumaki sa layaw, nabusog naman sila sa pagmamahal ng bawat isa. Kahit kapos sila minsan sa pagkain ay hindi iyon hadlang para hindi sila maging masaya.
Pinatuloy niya ang mga Mariano sa salas. Kahoy na upuan ang naroon. Electric Fan lang ang meron sila.
Inalalayan ni Pako ang kanilang ina na maglakad papunta sa salas.
Nang makita ng tatlong Mariano ay agad silang tumayo at tumulong sa pag alalay sa matandang babae.
Nang makaupo ang nanay ni Ava ay saglit na katahimikan ang namayani sa salas. Nakatingin lang ito sa hawak hawak ni Ava na baby.
Magsasalita na sana si mamita ng maunahan siya ng nanay ni Ava
"Sa iyo ba ang bata na iyan?" tanong ni Dolor
Hinawakan ni Sage ang kamay ni Ava at pinisil.
Tumango ito bilang sagot.
Humugot ng malalim na hininga si Dolor bago ito muli nagsalita.
"Narito ba kayo para hingin ang kamay ng anak ko?" diretsyang tanong ni Dolor sa mga bisita.
Wala nang pagpapakilala sa isa't isa ang naganap.
"oo yun ang sadya namin kaya kami narito" mahinahong sagot ni mamita
"Mahal mo ba ang anak ko?" tanong ni Dolor
Hindi agad nakasagot si Sage sa tanong.
Nqghihintau ang nanay ni Ava sa sagot niya. Nakatingin lang ito sa mga mata ni Sage.
"Kung pakakasalan mo lang ang anak ko dahil sa may anak kayo, mabuti pang huwag na lang" ani Dolor
"Sage sumagot ka" utos ni mamita
"Aah o oo opo mahal ko po ang anak niyo" bulol na sabi ni Sage
"Napipilitan ka pa yata ejo. Alam niyo hindi kami mayaman nakikita niyo nan, tanging ito lang ang mga kayaman ko" itinuro niya ang mga anak " wala akong maipagmamalaki kundi ang maayos ko silang napalaki at nakapagtapos. Hindi ako papayag na masaktan ang alin sa mga anak ko magkapatayan na" ani Dolor
"Hindi naman siguro aabot sa ganon" sabat ni Ofelia
"Mabuti nang nakakasigurado kaysa sa daanin sa paspasan ng wala naman tyak na garantiya kong mahal ba nila ang isa't isa. Ikaw ba Ava mahal mo ba ang lalaking yan?" tanong ni Dolor
"Ha" tumingin siya kay Sage, ngumiti ito at bumalik ang tingin sa ina " Opo nay, mahal ko si Sage" ani Ava
"Kung ganoon eh wala na dapat tayong pag-usapan. Kailan ba ang kasal?" tanong niya ulit
"Sa susunod na buwan" ani mamita
"Ang bilis naman, hindi ba kayo nagmamadali?" ani Dolor
"Matagal na yun kumpara sa isang linggo. Huwag na kayong mag-alala, lahat ng gagastusin ay sagot na namin" paliwanag ni mamita
"Kung ganoon eh walang wala kaming maiaambag na salapi kaya tutulong nalang kami sa paghahanda" ani Dolor
"Huwag niyo na rin alalahanin pa yun. May gagawa na noon para sa atin" ani mamita
"ganoon ba?" napabuntong hininga si Dolor " wala na pala kaming gagawin, ang hiling ko na lang na sana hindi sasaktan ang anak ko dahil hindi ko siya ipapaubaya sayo para saktan lang."
"Opo, nangangako po ako" ani Sage na matamang tumingin sa ginang
Pagkatapos ng usapan ay masinsinang nag one on one ang mag-ina
"Ang tagal kitang nakita, tapos uuwi ka ng may bitbit na bata. Hindi sa hinuhusgahan kita anak pero sana inunna niyo ang kasal bago ang honeymoon. Mayaman ang pamilya nila halata sa mga damit na suot nila pero litaw na litaw ang kabaitan sa kanila. Hindi kayang gawin ng ibang mayayaman ang magpunta sa lugar na katulad nito. Humanga ako sa pagpapakita nila ng respeto bilang isang tao. Kung yan ang pasya mo at ng kasintahan mo ay wala nan akong tutol basta ang sa akin lang, dapat hindi saktan dahil lintik lanh ang walang ganti. Kahit ganito ma ako, makakatikim pa rin sa akin yan ng galit ko kapag ilaw ay kinanti niya.
"Opo nay, namiss ko po kayo" ani Ava at tyaka noyakap ng mahigpit ang ina
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)