"nawalan tayo ng spy dahil sa Ava at Apollo na iyan. Bwesit na matanda yan!"bungad ni Jessica ng sumakay siya sa sasakyan.
Nakatakip ang kamay sa bibig ng masaktuhan na makita si Jessica na sumakay sa sasakyan ni Porter. Hindi siya pwedeng magkamali. Alam niyang si Porter iyon.
Hindi ito mapakali sa higaan. Hindi niya alam kumg sasabihin ba niya kay Sage ang nakita O baka magdulot lang ito ng gulo. Nagugulihan siya, hindi siya makatulog kakaisip.
Kinabukasan......
Hindi ito nakatulog ng maayos, naglagay siya ng concealer sa ilalim ng mata para hindi kita ang nangitim nitong eyebags.
Sarap na sarap si Jessica sa kanyang kinakain na parang walang nangyari kagabi.
Hinalikan niya si Sage sa labi "Good morning mahal" bati niya dito
Nagulat si Sage sa ginawa ni Ava. Huminto ito sa kinakain at ngumiti "Pwede isa pa" hirit ni Sage
"gusto mo pa?" naninuksong tanong ni Ava
Tumikhim si Apollo, pag ubo kunwari sabay sambit ng "Langgam" tumingin sila kay Apollo at nginitian lang siya.
"Respeto sa pagkain!" sabat ni Jessica
Hindi nila siya pinansin ni Sage.
"mahal try mo ito" ani Ava na sinibuan si Sage.
Parang batang umasta si Sage nang gawin iyon ni Ava.
Natawa ang tatlong ginang.
"Para ba tayong nanonood ng sine?" ani Dolor na nagbibiro
"Sa palagau ko nga" sinang-ayunan naman ni Ofelia. Nagkatawanan ang tatlo
"Kakainggit sila babe, subuan mo rin ako" ani Lucas
"gusto mo?" tanong ni Arriette
Tumango tango si Lucas at ngumiti ng malapad
Sinubuan niya ng malaki si Licas. "Babe naman bakit ang laki ng sinubo mo" pagrereklamo ni Lucas
"Oh kaya kumain ka na mag-isa" ani Arriette
Nagpout naman si Lucas na parang bata na nagtampo.
Sa may Garden ay nakapag-usap ng masinsinam sina Ava at nanay Dolor. Tapos na silang mag-usap ng ipatawag siya ni Mamita para sa zumba dance class
Naiwan si Ava ng mag-isa sa garden. Lumapit si Pako ng makita siya
"Kamusta ka na?" bungad nito kay Ava na nakatanaw sa langit
Yumuko si Ava at ngumiti . "okay lang naman ako kuya" aniya sa nalakatandang kapatid
"Okay ka lang ba talaga o ayaw mo lang mag-alala" ani Pako
"Kilalang kilala mo talaga ako kuya" ani Ava
"Kung hindi ka masaya rito, bukas ang bahay natin... Ayoko na nahihirapan ka dito, huwag mo namang hayaan na buong buhay mo ganito." ani Pako na may pag-aalala sa boses nito
"Masaya ako rito kuya" ani Ava
"Hindi yan ang nakikita ko" ani Pako
"Kuya maniwala ka, masaya ako kasama ko si Sabrina at Sage, mabaubuti sila sa akin" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng sumabat si Pako
"Pero hindi ang ex girlfriend niya. Ano nga ulit pangalan niya, jesa?"
"Jessica" tipid na sagot ni Ava
"alam ko ang nangyari kagabi, sa tingin mo ba hahauaan ko na ganunin ka na lang niya" ani Pako
"Kuya andyan naman si Sage at pinagtanggol ako ni Apollo. Hindi nila ako pinapabayaan dito." paliwanag ni Ava
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)