Pumayag si Ava sa imbetasyon ni Delfin na maghapunan siya sa mansion. Kahit nag-aalala si Sage ay wala itong magagawa at may karapatan si Ava na magdecision at isa pa tatay niya naman ang makakasama sa mansion, ang isa sa inaalala niya ay baka mag away ang dalawa at masaktan si Ava lalo at buntis pa ito.
"Basta kapag nakita mo na kahinahinala na ang kilos niya umiwas ka na o kaya tumawag ka sa akin. Kapag sa umpisa pa lang ng sasabihin niya galit na siya, lumayo ka na baka bigla ka niyang saktan" ani Sage
Hinampas siya ni mamita ng baston. "Ano ba yang mga pinagsasabi mo diyan bata ka!" suway ni mamita.
Napahawak ito sa braso at hinihimas kung saan siya natamaan ng bakal na baston ni mamita.
"Pinalala mo lang ang sitwasyon sa ginagawa mo!" dagdag pa ni mamita
"mamita, mabuti na yung handa siya, hindi natin alam baka nagpapanggap lang siya" ani Sage
"Shhh tumahimik ka!" ani mamita
Hindi na ito nagsalita pa. Inihatid siya sa labas. "Mag iingat ka mahal, hihintayin ka namin dito ni baby Sabrina" ani Sage
"Opo, uuwi ako after ng dinner ko doon" ani Ava na lumapit kay Sage at hinalikan ito sa labi ng mabilis lang.
"It would be better if it will takes long" ani Sage ng nabitin sa halik nito
"loko, alis na ako" ani Ava at sumakay na sa sasakyan.
Naka kagat labi ito habang nakahawak sa mga tuhod ang mga kamay niya.
Pagjarating nila sa loob ng gate ay nakaabang na ang ama niyang si Delfin sa harapan ng pintuan.
Tumingin ito sa may bintana, parang ayaw niyang bumaba, naalala ang huling sinabi nang nanay Dolor niya na kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan at harapin ito. Masyado nang matagal na panahong nqngulila si Delfin sa mga anak kaya karapatan din niya na makasama ang mga ito.
Humugot siya ng malalim na hininga bagi ito lumabas. Pagkababa niya ay ngumiti ito ng bahagya kay Delfin.
"Welcome sa ating bahay anak" ani Delfin na inilahad ang dalawa nitong kamay. Nang makalapit si Ava ay mahigpit na yakap ang ginawa ni Delfin. Hindi siya sanay kaya hindi niya ito ginantihan ng niyakap.
Naramdaman iyon ni Delfin. Sa pagkalas niya sa pagkakayakap sa anak ay ngumiti ito. "Pumasok na tayo sa loob" anyaya niya
Maaliwalas sa loob, puno ng Chandeliers ang mataas na kisame, ibat ibang designs ito.
May mga paintings din na nakasabit sa pader, huminto siya ng makita ang malaking litrato, si Delfin at ang babae na katabi niya.
"Iyan ang picture wedding namin ng mommy Vivien nyo" ani Delfin ng mapansin nakatingin siya sa picture.
(Kung hindi ako ipinamigay, anong buhay meron ako, magiging masaya rin kaya ako tulad ng maging nanay ko si nanay Dolor, ipagtitimpla ba niya ako ng gatas tuwing hindi ako makatulog sa gabi? Ipagtatanggol kaya niya ako sa mga may gustong mang away sa akin?) napabuntong hininga siya sa mga tanong sa isip niya.
Nag umpisa na ulit silang maglakad ng makita si Jessica sa may hagdan na nag aabang sa kanila.
Malungkot ang itshura nito. Makikita mong nangayayat ito di gaya noong huli nilang pagkikita.
Napayuko ito ng matapat siya dito, hindi niya kayang harapin ito sa ganoong pagkakataon.
Inilahad ni Delfin ang kamay nito sa harap ni Jessica. Sinilip iyon ni Ava.
Humawak ito sa braso ni Delfin at ngumiti. Sabay sabay silang naglakad papunta sa dining area.
Magkatapat si Jessica at Ava sa upuan. Pinagsilbihan sila ng mga kasambahay, sila ang naglalagay ng pagkain sa kanilang plato.
Sa ilang buwan niya sa mansion ng mga Mariano ay natuto na ito sa proper etiquette sa harap ng mesa samantalang si Jessica ay sanay sa karangyaan.
Sa bawat pagsubo niya ay tila nasisilaban ang pwet na gusto na tumayo. Masyadong tensyunado sa mesa. Hindi niya halos malunok ang pagkain.
"subukan niyong tikman yang Seafoods Tinowa, paborito namin iyan ng mommy nyo" alok ni Delfin sa dalawa.
Tumango si Ava, maglalagay na sana siya ng ipinagsalop siya ng kasambahay sa maliit ng bowl. Hindi siya sanay pero hindi rin siya makapagreklamo.
"thus taste good dad" ani Jessica na bahagyang ngumiti kay Delfin. Nagawi ang tingin kay Ava na kasalukuyang nakatingin din sa kanya, ngumiti siya ng kaunti at bumalik sa pagkain ang atensyon.
"I know Vivien is happy now king nasaan man siya ngayon. We are reunited and I hope we have more memories to build." ani Delfin.
Nang matapos silang kumain ay iginiya sila ni Delfin sa Veranda para mag tea. Ayaw na ayaw ni Ava ng tsaa pero hindi niya maindihan ang ama. "Patawarin niyo ako kung ngayon ko lang kayo nahanap, I have many connections pero sadyang mailap ang pagkakataon sa akin. I wasn't stopped to roamed every part of the world to find you both hanggang sa malaman ko I have this illness" napatingin si Ava kay Delfin pagkabanggit niya.
Nagkatinginan sina Jessica at Ava pero agad din silang nag iwasan. Sa ekpresyon ng kanilang mukha ay halatang may pag-alala sa kondisyon ng kanilang ama.
"Senior Delfin oras na ng pagtulog ninyo" ani Flora ang punong kasambahay.
Tumango ito at tumayo. "Gusto ko pa kayong makasama at makakwentuhan pa pero kailangan ko na matulog" ani Delfin
"Kung ganoon po, kailangan ko na rin imuwi" ani Ava
"Hindi ka ba pwedeng matulog na lsng dito?" ani Delfin
"Naghihintay po ang mag-ama ko" ani Ava na agad tumingin kay Jessica.
"Hayaan nyo dad, baka mag-alala sina Sage at Sabrina sa kanya, she is always here anytime naman eh." ani Jessica na bahagyang ngumiti kay Ava
"Okay then, let's call it a night." inilahad ni Delfin qng mga kamay niya sa dalawa. Lumapit sila sa kanya, niyakap niya ang mga ito. "Good night mga anak" aniya sa dalawa.
Pagdating niya sa mansion ay sinalubong siya ni Sage sa may hagdan. Niyakap siya nito ng mahigpit.
"Na miss kita mahal ko, parang ang tagal mong mawala" bulong ni Sage
"Ano ka ba, dinner lang yun, hindi yun paglipat bahay" ani Ava
"namiss talaga kita, hindi ako makatulog, hindi ako sanay na hindi kota nakikita." ani Sage
"Oa mo Mr. Sage Mariano ha" ani Ava na ipinulupot nya ang kamay sa baywang ni Sage
Umakyak na sila ng kwarto at tinignan ang mahimbing na natutulog na si Sabrina.
"Ang laki na ni Sabrina, parang kailan lang noong una natin siyang nakita." ani Ava
"God is really good, she never let her feel unwanted and grew up in the street. May be this the reason why he let Jessive leave her infront of my car" ani Sage
"I thought so, at kung ano man ang dahil ni Jessica, siguro ipagpasalamat na lang natin iyon because Sabrina ia in good hand, sa sitwasyon niya baka kung napahamak si Sabrina" ani Ava
"You are her tita plus mommy, mimmy tita" ani Sage
"Parang maganda pakinggan ah" ani Ava na nakangiti siya kay Sage.
Nagpunta sila sa Veranda
"Kamusta naman dinner mo kasama si Jessica at si sir Delfin?" tanong ni Sage na niyakap si Ava mula sa likuran.
"Nakaka tense halos hindi ko malunok yung kinakain ko. Malaki ang ibinawas ng timbang niya, she is gloomy tapos napaka lungkot ng mga mata niya. She is different from what we know. Hindi ko maipaliwanag pero ang laki ng pinagbago niya ngayin. For all of what she did parang ang hirap maniwala pero there's a part in my head telling me she is change. "pag kwento niya
"That's good if she is a nice person now. Siguro naman eh totoong nagbago na siya knowing that you are both related. Sana ito na yung way for the three of you to settle things done." ani Sage
"Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, marahil mahirap but I am not losing faith for us to be okay. Alam ko darating kami s apuntong iyon, not now but too soon." ani Ava
Sabay nilang pinagmasdan ang liwanag ng langit sa mga nagkikislapang mga bituin.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)