Maaga pa lang ay nagising na siya. Nagluto siya ng almusal para makakakain si Sage bago pimasok sa trabaho.
Inilagay niya ang mgalutong ulam sa mesa at kinuha si baby na gising na rin. Pinalitan niya muna ito at dinala sa dining area.
Pinaupo niya sa high chair at pinapakain ng light food. Mahihirapan tunawin ng tyan niya ang mga matitigas na pagkain.
Lumabas na si Sage na nakabihis na. Hindi man lang ito tumingin o nagpaalam sa kanya. Basta na lang itong umalis. Nagkibit balilat na lang siya.
"Akala mo masasayang niluto ko, sino ngayon ang magugutom, emmmp" aniya sa sarili
Siya ang nag ubos ng mga niluto niya. Busog na busog siya dami ng kinain.
Naglinis siya sa buong bahay. Nakita niyang may sewang sa pintuan ni Sage. Sa curiosity ay sinilip niya ang loob nito. "Ano kaya tinatago niya bakit ayaw niya ako pumasol sa kwarto niya?" tahimik na naglalaro si Sabrina ng mingunin niya. Bumalik ang tingin niya sa pintuan. Walang ano ano ay pumasok siya sa loob. Masculine ang datin ng kulay asul at abo ng kurtina. Nagpagala gala siya sa paligid hanggang lumanding ang tingin sa picture ng isang babae sa sidetable. Kinuha niya iyon at tinignan ng mabuti. "Ang ganda naman niya, girlfriend kaya siya ni Sage?
Biglang umiyak si Sabrina, sa gulat ay nabitawan niya ito. Nabasag ang salamin ng frame. Sa taranta ay nasugatan ang kamay niya sa pagkuha ng mga bubog. "Aaaayst ang tanga mo talaga kahit kailan Ava" aniya sa sarili. Hindi niya alam ang gaagwin sa nabasag na frame. Lumakas na ang iyak ni baby. Itinago niya ang frame sa silong ng kama at mabilis na tumakbo palabas.
Kinarga niya si baby Sabrina. Nasanay itong karga karga siya ni Ava kaya huminto ito agad nang kunin siya.
Kanina pa kumakabog ang dibdib niya, malapit na kasing umuwi si Sage at baka mapansin nawawala ang picture ng gf niya sa side table. Malalagot siya dito. Nag ngangatngat ito ng kuko sa kaba. Hindi aiya mapakali, nakakatakot pa naman si Sage.
Kakatapos lang niya bihisan si baby Sab nang dumating si Sage. Walang hi ni ho, diretso siya sa kwarto. Hapunan na,hindi pa rin siya lumalabas. Napakain na niya si baby, time to bed na siya.
Nang makatulog na, nagligpit na siya ng pinagkainan. Naglinis siya ng mesa at buong paligid sa kusina. Naka updo hair siya para hindi istorbo ang mahabang buhok habang naglilinis. Hindi niya iyon magagawa sa umaga dahil gising si Sabrina.
Pinagpapawisan na siya sa sobrang galaw ng katawan sa pag is is ng sahig sa mga singit singit ng tiles.
Nahinto si Sage na balak kimuha ng maiinom ng makita si Ava. Nakatalikod at pinagpapawisan sa batok. (Weakness ng guy ang pawisang batok. Take note girls😉)
Nasamid siya ng sarili niyang laway sa paglunok. Mas lalong nanunuyot ang lalamunan.
Isinunod niya ang lababo. Nakatuwad ito, sinundan ng tingin ni Sage ang pag bent ng balakang ni Ava.
Nang mag angat si Ava para kumuha ng tubig sa frigde, pagsara niya ng pinto ay nagulat siya ng makita si Sage. Sa gulat ay nabitawan niya ang baso. Sa taranta ay agad na pinulot ang mga bubog. Dumulas ito sa daliri niya at nasugat. Tinutulungan siya ni Sage ng makita ang dibdib nitong, nanunukso ang half exposed nitong dibdib. Nang tumingin si Ava ay sinundan niya kung saan ito tumitingin. Nagtakip agad siya ng kamay doon, napasinghap at pinanlakihan niya ito ng mata. Nag iwas ng tingin si Sage at tumayo.
"Kukunin ko lang yung medicine kit" ani Sage na nataranta sa pagkapahiya. Pagpunta sa sala ay nakahinga siya ng maluwag. "Shit ano ba tong ginagawa ko" aniya sa sarili. Iniwaksi ang iniisip at inabot ang medicine kit sa may kabinet.
"Loko yun ah, masungit na nga pervert pa" ani Ava sa sarili napahawak siya sa duguang daliri. Hindi lang isa tatlong daliri ang nasugat ng bubog ng baso.
Nilinis niya ang kalat ng bubig bago ito nagpuntang sala. Nakalagay sa mesa ang med kit. Wala roon si Sage. Umupo siya at binuksan ang kit, tinignan niya ang laman niyon. Natakot siya sa unang kita, Alcohol....grosssss! Isinara niya agad iyon.
"Tapos mo ng hugasan ang sugat mo?" bungad ni Sage
Napatingala siya sa bigla. Tumango tango si Ava
Umupo ito sa tabi niya at binuksan ang kit. Kumuha siya ng bulak at nilagyan ito ng alcohol. Napakurap kurap si Ava habang pinapanood ang ginagawa ni Sage. Maya maya ay humarap ito sa kanya.
"Amin na yung kamay mong nasugat" ani Sage
"Huh, ano gagawin mo, aah ano teka ano kasi maliit lang naman yung sugat" nabubulol na sabi ni Ava. Natataranta ito sa iniisip na gagawin ni Sage sa sugat niya
"Takot ka ba sa alcohol ha?" tanong ni Sage
"ha, hindi ako ano kasi maliiy lang kasi siya talaga, ayan oh tignan mo?" itinaas niya ang kamay. Wrong move kasi nihila ni Sage ang kamay niya.
Binabawi niya ito pero hinigpitan ni Sage ang kamay nito. "Haaaaayst para kang bata. Alcohol lang to hindi ito nakakamatay" ani Sage
"Ako na maglalagay baka mamali ka pa" ani Ava
"Ako pa magkakamali? Palusot mo ang lame." habang nagtatalo sila kung sino ang magpapahid ng alcohol ay biglang idinampi ni Sage ang bulak at piniga niya ito.
Napasinghap si Ava at lumaki ang mata ng maramdaman ang hapdi. "Aaaah ang hapdi!!!" sigaw niya. Pilit na binawi ang kamay at hinihipan niya ito.
"hindi pa ako tapos" ani Sage
"hindi ka pa tapos eh naipahid mo na" reklamo ni Ava na akmang tatayo ng hinalin ulit ang kamay niya. Napaupo siya sa couch. Wala na siyang nagawa sa mga sumunod na ginawa ni Sage sa kamay. Kung ano ano ang nilapat dito bago takpan. Nakapikit lang si Ava. Hindi niya namalayan na tapos na at nakapikit pa ito. Maya maya ay wala na siyang nararamdamang presensa ng katabi. Unti unti nagmulat siya ng mata.
"teka, asan na yun, bakit bigla nawala?" nagkibit balikat na lang siya at ibinalik sa loob ng kit ang laman. Matutulog na siya ng makita ang daliri na may bendahe. Napangiti siya ng maalala ang kaninang naganap. Hindi niya akalain na ang isang may galit sa mundo ay nagawa siyang gamutin.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)