Nagtagal pa sila ng isang buwan doon.
Sinamahan nila si aling Menda sa pagtitinda sa palengke, habang nagtitinda siya ay nagsasideline naman si Sage na magkargador. Napaka payak ng pamumuhay nila sa Isla na hindi nila akalain ay magagawa nila at magiging masaya sila sa lagiging simple lang. Si Ava ay sanay nang magbanat ng buto dahil lumaki siyang mahirap pero ang isang Sage Mariano, nakakamangha at nakakatuwa na sa mga pagkakamali sa buhay ay heto siya ngayon. He is embracing the consequences of what he did wrong from the past. Mas masaya siya ngayon kung ihahalintulad sa buhay niya sa Manila.
Would you believe and imagine a Sage Mariano is going down his feet for the love of his life?
Sa kaparusahang ito sa kanila ay marami silang matututunan. Mamita really did great for the of them. Magaling siya sa negosyo, magaling siyang bilang Ina sa anak at sa mga apo.
Pagkatapos nilang sa palengke ay dumiretso sila sa rancho Verde. Namitas sila ng mga prutas at gulay, mga ilang basket din ang maipon nila.
Mainit pa at mahangin, gumawa si Sage ng sarangola... Pinapanood lang siya ni Ava habang kumakain siya ng hinog na mangga. Sinisubuan niya ito paminsan minsan dahil abala si Sage sa ginagawa.
"How did you learn that?" ani Ava
"Kay dad, if I am not mistaken I was 5 years old back then when the four of us spending time with him, he taught us how to make kate, hindi pa ako marunong noon eh lagi ako pinagtatawanan ni Lucas at Hunter dahil hindi ko mapalipad yung ginawa kung kate."
"Emm kaya pala, pero bakit parang hindi kayo magkasundo ni Hunter? Tuwing nagkakalapit kayo laging may tensyon sa pagitan ninyong dalawa?"
"Hunter is a quiet person but he is keen observer, may ugali siyang hindi mo aakalain at mapapabilib ka na lang. Hindi ko enexpect that he knows my relationship to Jessica when Lucas and Jessica still in a relationship. Siya yung naging conscince ko through out the years. Pero kahit ganoon, hindi niya ako pinangunahan he waited me to tell the truth. Kayo lagi niya akong tinutukso." paliwanag ni Sage
Bahagyang ngumiti si Ava, siguro ay hindi pa siya sanay na marinig ang pangalan ng ex niya at sa mga nangyari sa kanila. Sage aware of that but he didn' do it on purpose. Nagtanong siya kaya sinagot lang ni Sage.
Nang matapos ito at tumayo na siya habang hawak hawak ito. "Let's go the open field, try natin if tama ba ang paggawa ko." ani Sage "Hawakan mo ito tapos mag go go sign ako king kailan mo bibitawan" aniya kay Ava
Lumayo si Sage habang pinapahaba ang lubid. "Ready na, ihagis mo dali!" ani Sage
Inihagis din ni Ava ang saranggola. Unti unti itong tumataas pero magalaw siya sa hangin. Parang siyang wild kate na kailangan paamuhin muna bago ito maging tame at mag steady sa iisang direksyon.
Lumapit ito kay Sage "Ang galing!" kiniss niya ito sa pisngi sa tuwa. Pagtingala niya ay mataas na iyong saranggola nila.
"Gusto mo bang subukan?" tanong ni Sage
Tumango tango si Ava na limusot sa mga bisig nito. Natawa si Sage sa ginawa niya. "Paano ito hawakan?"tanong niya
Tuwang tuwa siya habang tinuturuan siya nito. Dumating ang malakas na hangin, dahil sa taas ng kanilang saranggola ay hindi nila ito makontrol. Habang hinihila ito at napupunta ito sa ibang direksyon. "Sage mapuputol na yung lubid!" tarantang sigaw ni Ava.
Malapit na ng biglang naputol nga iyong lubid at nilipad sa malayo yung saranggola.
Nalungkot si Ava, nakabusanggot ang mukha nito na tumingin kay Sage. "Kasalanan ko" aniya at nag pout ito.
"oh bakit nagdugtong ang kilay mo, huwag ka ng malungkot, minsan talaga nangyayari yan tyaka makakagawa pa naman tayo ng panibago eh" ani Sage at hinalikan niya ito sa noo. "mamasyal na lang tayo" aniya
"Talaga?" lumiwanag ang mukha niya ng marinig si Sage
"tara sa loob. Magsuot muna tayo ng pang kabayo" ani Sage
"Pangkabayo, naku hindi ako marunong ikaw na lang" tangi ni Ava
"Ano pa at nandito ako?" nakangiting itinuro ang sarili ng tumingin kay Ava
"sabi ko nga" ani Ava na nakangiti
Pagkatapos nila magbihis ng damit pangkabayo ay lumabas na sila. Nasa labas na pala ang kabayong, ang kintab nito sa kulay itim. Kitang kitang alagang alaga ito.
"Ilagay mo ang paa mo sa stirrups at sumampa ka, ilagay mo rin ang isa sa kabilang stirrups." ani Sage
Kinakabahan itong sumampa sa kabayo. Ang bilis ng tibok ng puso nito. "Sage bilisan mo baka tumakbo itong kabayo!" sigaw ni Ava
"ayan na po" ani Sage at sumampa na rin ito sa kabayo sa likuran ni Ava
naramdaman niya ang pagtapik ni Sage sa kabayo gamit ang paa. Nag umpisa na itong maglakad.
Unti unting nawawala ang kaba sa dibdib niya. Napapalitan iyon ng saya.
Iniikot nila ang buong rancho pati sa mga taniman at sa binansagqng little mountain sa lugar. Para lang siya inimbak na lupa na natamnan ng mga puno.
Nag eenjoy sila sa pamamasyal, nagkukwentuhan pa sila sa gitna ng kanilang pqglalakbay.
Malapit nang gumabi ng makabalik sa kwadra. Inalalayan niyang bumaba si Ava
"Nag enjoy ako!" sambit ni Ava ng makababa si Sage ay agad niya itong niyakap. "Salamat mahal" bulong ni Ava sa tenga ni Sage
Pagkauwi nila sa mansion ay nakaimpake na ang mga gamit nila. Lumapit si yaya Ester at ibinigay ang sulat.
"Kailangan nyo nang bumalik ng mansion"
Biglang nakaramdam ng lungkot si Ava dahil hindi niya aakalain na aalis na na sila sa isla. Ngayon kung kailan napamahal na ang lugar sa kanya. Talagang sobrang mamimiss niya ito at ang mga taong naging kaibigan niya rito, si Deniz, si aling Menda ang mga bata at si yaya Ester.
Nasa pampang na sila ng dumating ang mga taong mamimiss niya. Isa isa silang niyakap nito at umiiyak..
"Babalik ako, magkikita po muli" aniya sa mga kaibigan
Sumampa na sila sa bangkang di makina. Kimakaway ang mga ito kahit papalayo na sila.
Sa pagbalik nila sa mansion, handa na ba nilang harapin ang mga rebelasyong naghihintay sa kanila?
Haharapin na ba nila iyon ng sabay?
Mga rebelasyong hindi na mapipigilan, humanda na, kumapit na!
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
Roman d'amourBook1 Night Trap (completed)