Abala na ang mga tao sa paghahanda sa malaking piging sa susunod na araw.
"Yaya Ester bukas na po pala yung araw ng pasasalamat, taon taon po bang ginaganap iyon dito sa isla?" tanong ni Ava habang tumutulong siya sa pagkakabit ng mga palamuti sa stage
"Oo miss, taon taon ginaganap iyon dahil sa masaganang huli ng mga mangingisda. Nagpapasalamat ang lahat sa pamamagitan ng pag sayaw at pag kanta alay sa karagatan" ani Manag Ester
Tumango tango siya. "Ang dami ngang huli bawat daong ng barko at malilit na bangka"
Hindi magkamayaw ang tuwa sa mga mata ng mga tao sa tulong tulong nilang pag aayos ng lugar nang pagdaraosan ng piging.
Yung damit niyang isusuot sa sayawan ay ipinadala na sa mansion. Nagmali itong nagpunta sa silid at tinignan niya iyon.
Kinuha niya iyon at isinayaw sa hangin habang yakap yakap wng damit.
Sa di kalayuan sa may labasan ay may mga matang nakamasid sa kanya.
Nang huminto siya sa pagsayaw ay napansin niyang nakabukas ang bintana. Lumapit siya rito, nakita niya si Sage na nasa veranda ng kanyang silid, nakatingin sa langit habang sumisimsim ng inumin nito.
"Bakit bigla kang nagbago, hindi ikaw si Sage na nakilala ko at nakasama ko ng ilang buwan" aniya sa kanyang sarili. Nakaramdam ito ng lungkot ng alalahin ang mga iyon. "Bahala ka buhay mo, matigas ka ha, pwes matigas din ako. Ganyan pala ang gusto mo!" inirapan niya ito.
Kinuha niya ang canvas at stand. Inayos niya iyon at umupo siya sa gilid ng kama. Bumuntong hininga siya bago hawakan ang brush. Pumikit siya at inalala ang mukha ni baby Sabrina. Nakangiti ito habang ipinipinta ang mukha ni baby. "Miss na miss na kita baby, makikita pa kaya kita ulit?" aniya sa gitna ng kanyang ginagawa. Huminto siya ng makitang tapos na siya sa pagguhit. Isinabit niya iyon sa tapat ng kama.
Ilang katok ang kanyang narinig. "Miss nakahain na po ang tanghalian."
"nariyan na po"
Nagmadali niyang iniligpit ang mga gamit at tyaka lumabas na ng silid. Nakita niyang nakaupo ma si Sage at kumakain.
"tsk, hindi man lang niya ako hinintay" bulong niya sa sarili. Pag upo niya ay sinulyapan niya ito sa dulo ng kanyang mga mata. Hindi niya napansin na marami na siyang nailagay na kanin, isinunod ang isda at ang malaking pusit sa kanyang plato dahil nakatitig ito kay Sage.
Napalingon si Sage sa pinggan ni Ava. Napangisi siya ng makita na parang mt. Everest sa taas ng kanin sa plato nito
"sure kang mauubos mo yan?" ani Sage
Napakunot-noo si Ava ng marinig si Sage, sinundan niya ang mata nito. Nang makita ang olato ay nagulat siya sa dami ng kanyang nilagay. Naintindihan na niya ang gusto nitong sabihin. "ha oo naman, masarap kaya magluto si yaya Ester kaya masarap din kumain" pagtataray ni Ava kay Sage. Hindi na niya ito pinansin at nag umpisa na itong kumain.
Nakakamay ito at ganadong ganado sa kinakain. Nasusulyapan niya si Sage na tinitignan tignan siya nito. Nakaisip siya ng kapilyuhan. Inangat niya ang nabalatang hipon at unti unting kinakagat iyon papasok sa kanyang bibig. Pagkatapos ay dinilaan ang kamay na may naiwang juice ng hipon.
Nasamid si Sage sa ginagawa ni Ava, naasiwa siya ng may maramdaman mumunting apoy sa kanyang lalamunan, nag iwas agad uto ng tingin ng magtama ang mga mata nila.
Gumuhit ang ngiti sa dulo ng labi ni Ava, successful ang olano nitong pagnasain si Sage. "Kala mo ha, makuha ka sa tukso" aniya sa kanyang isip.
"hhhoooo ang init" ani Ava na kumakampay sa hangin. Kapansin pansin ang pagtulo ng pawis nito sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg. Sinundan ng tingin niyon ni Sage, hinihintay niyang dumaloy pa iyon, nag bent ang ulo nitong nakatutok sa may leeg ni Ava.
Napansin iyon ni Ava na agad nakaisip ng kapilyuhan ulit, itinaas niya ang kanyang buhok at dahan dahang pinunasan ang kanyang batok papunta sa kanyang leeg. Para talaga itong nang aakit.
Tumikhim si Sage at lumingon sa ibang direksyon.
Nagpipigil ng tawa si Ava sa reasuon ni Sage. "Magmatigas ka pa, lalambot ka rin sa akin" aniya at tyaka napangiti ng nakakaloko
Tapos na ang kanilang huling practice para sa sayaw na gaganapin bukas. Nagpunta ito sa pampang at pinagmasdan ulit ang paglubog ng araw. Naglalaro laro siya ng buhangin sa paa na naglalakad lakad ito habang bitbit ang kanyang tsinelas. Para siyang bata sa kanyang ginagawa. Huminto siya ng biglang naisip na maligo. Tumingin siya sa paligid. Malayo na siya sa mga tao at sa mansion, napinta siya sa mau mga batong mamaki sa pampang. Agad siyang naghubad ng suot na puting damit, naka two pieace na lang ito. Inilapag niya ang damit at tsinelas sa buhanginan na hindi abot ng tubig. Lumusong ito sa tubig, eneenjoy niya ang malamig na simoy ng hangin at ang gandan ng pag aagaw dilim at liwanag.
Lumangoy ito na parang serena, pag ahon niya ay gulat na gulat ito ng makita si Sage sa tabi niya. Hindi ito nakapagsalita agad sa pagkabigla. Nakatitig lang siya sa mga mata ni Sage. Wala rin itong kibo na nakatitig din sa kanyang mga mata.
"Ang hirap mo tiisin" ani Sage sa mahinang boses
"huh, anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Ava habang nakatitig pa rin ito sa mga mata ni sage
"Kailangan ko pa ba sabihin?" nagbibirong ngumiti si Sage na nakatitig rin sa mga mata niya
"So ano yun, nah you're just tripping me, bwesit ka talaga!" ani Ava at pinagpapalo niya ito sa balikat.
Tawa ng tawa si Sage sa itshura ni Ava. "Ang ganda mo kapag limalaki butas ilong mo" aniya dito
"Bwesit ka, diyan ka na nga!" aniya tyaka sinabuyan ito ng tubig, paalis na siya ng hawakan siya sa magkabilang pisngi. Hinalikan siya ni Sage sa labi.
Imbes na sawayin ito ay hindi ito nakagalaw.
"Are you still mad at me?" ani Sage nang putulin niya ang halikan nila.
"Hindi nagustuhan ko nga eh" para siyang timang natulala habang nagsasalita. " oo pala, hoy! Oo galit ako sayo, pinagtriptripan mo ako sadya eh" aniya tapos kinurot ito sa tagikiran.
"aaah aray aray ang sakit Ava" ani Sage na pimipitlag siya sa kurot nito
"tama lang yan sayo dahil ang sama mo, hindi mo ba alam na kung ano ano na iniisip ko tungkol sayo. Naging lucifer ka na nga sa isip ko!" pagtataray niya dito
"wala pa nga yan sa level 2" ani Sage na natawa sa inisip ni Ava
"Kainis ka, so may level 2 pa yan kung sakali. Subukan mo ulit pagtripan ako, putulin ko yang kaligayan mo!" ani Ava
"Kapag pinutol mo hindi na kita mapapaligaya niyan." pagbibiro ni Sage na nakangiti ng nakakaloko.
"Tse, kung ano anong pinagsasasabi mo, diyan ka na!" ani Ava at tyaka sumisid sa ilalim. Sinundan siya ni Sage at hinawakan siya sa kamay. Para silang mga serena sa ilalim ng dagat. May mga maliliit na isda. Pag ahon nila ay may nakaabang na mga tuwalya na hawak hawak ng mga katulong sa pampang. Nahihiyang kinuha niya iyon at itinakip sa kanyang katawan.
Nang malapit ma sila sa mansion ay may mga baabeng nagtitilian. Tumigil siya at sinundan kung saan sila nakatingin.
Ngumisi ito ng si Sage pala ang tinitignan. Lumalit ito kay Sage at ipinulupot ang kamay sa baywang nito.
"Huwag mong tatanggalin, maglakad ka lang " ani Ava kay Sage na inirapan niya ito
Nagtataka si Sage ngunit nagustuhan nito ang pagyakap nito sa kanyan. Umakbay ito kay Ava at kinabig niya ito palapit sa kanya.
Nauntog si Ava sa bukol bukol na musle nito.
"aray!" ani Ava na napasapo sa noo at tumingin kay Sage. Nakangiti ito ng malapad "Huwag mo ring tatanggalin" ani Sage na nagpipigil ng tawa.
Siilip niya ang mga babae sa gilid ng mga mata niya, nagsitaasan ang mga kilay nila na kung nakakasugat lang ang mga tingin na iyon ay kanina pa siya nahiwa ng maliliit. Nakangiti siya sa mga reaksyon ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)