Chapter 29 (The connaivance)

1.4K 33 2
                                    

"Bwesit talaga yang babae na iyan. Naghigpit ng security si Sage dahil sa kanya."Gigil sa galit na sabi ni Jessica

"Relax, hindi naman nila alam na magkasabwat tayo" ani Porter

"Buti na lang at may spy tayo sa loob ng mansion. Sigurado ako baka pagbawalan na rin ako pumasok doon" ani Jessica

"Sigurado ka bang hindi kakanta yan kapag nahuli?" tanong ni Porter

Tinanggap na ni Porter ang pakikipagsabwatan kay Jessica dahil gusto niya talaga si Ava at lust lang ang habol kay Jessica.

Pareho silang naggagamitan at makikinabang naka nakapagkasundo sila sa plano.

"Oo naman kung hindi papatayin ko pamilya niya" ani Jessica.

Biglang iniangat ni Jessica ang glass table at itinapin. Nagulat si Porter sa ginawa niya. Nagsisigaw ito na parang nababaliw. " You didn't do that again to me!" sambit niya. Nanlikisik ang mga mata nito

Nakakunot noong pinagmasdan ni Porter ang kinikilos ni Jessica. Maya maya ay napakurap ito at marahas na huminga. Nakita niyang nakatitig lang sa kanya si Porter. Inirapan niya ito at pumasok sa kwarto.

(Marahil ay sa sobrang inis nito kaya niya nagawa iyon.) Aniya sa isip

"Fuck hindi dapat niya malaman." aniya. Kinuha niya ang bag at hinanap ang medkit niya. Kumuja siya ng ilang tablet at isinubo niya ito at nginuya kahit mapait ang lasa nito. Itinago niya iyon sa bag at inilagay sa loob ng drawer.

Sabay silang lumabas ng hotel. Nagmamadali silang sumakay sa sasakyan. Pero bago yun ay nahagip sila ng side mirror ni Hunter. Nakita niyang magkasama ang dalawa. Kahina hinala ang kilos ng dalawa dahil tumingin pa sila sa paligid bago sila sumakay.

Sinundan niya ang dalawa, three cars ang nasa unahan para hindi siya mapansin. Dumaan sila sa kabilang kalsada. Napansin niyang kakaunti lqng ang establishimento sa lugar at parang tago pa ito. Inihinto niya ang sasakyan sa di kalayuan ng makita niyang pumarada sa tabi ang sasakyan at bumaba sila.

Isinara ni Porter ang gate.

"Teka nakalimutan ko yung phone ko sa loob ng kotse mo pakibalikan" ani Jessica. Papasok na sana siya sa loob ng mapansin na amy kotseng nakaparada. Mukhang pamilyar ang sasakyan pero hindi niya alam kung saan niya nakita.

Pagpasok ni Porter ay hinila niya ito sa may tapat ng bintana. "Alam mo ba kung kanino ang sasakyang iyan?" tanong ni Jessica na itinuro ang kotseng nakaparada sa kabila.

Tinignan ni Porter ang sasakyan. "Fuck!" sambit niya. "Sasakyan ni Hunter yan" aniya

"Ano, nasundan tayo dito. Paano niya nalaman?" ani Jessica

"Hindi ko alam, pero baka may hinihintay lang siya at mali Teayo ng hinala" ani Porter.

"Tanga ka ba o hindi ka nag-iisip. Sino naman ang puluntahan ng isang Hunter Mariano sa ganitong lugar?" ani Jessica

Hinawakan niya ito sa leeg. Nagulat si Jessica sa ginawa ni Porter."Ulitin mo pang sabihan ako niyan gihilitan ko yang leeg mo" ani Porter na bigla naman niyang binitawan.

Napahawak ito sa leeg at umubo. "Nabigla lang ako ano ka ba" pagtataray niya dito pero sa loob loob ay nakaramdaman ito ng takot. Hindi lang niya pinalahalata.

Ilang minuto pa, hindi ito lumabas sa sasakyan. Wala rin lumalapit na kung sino.  Naiinip na sila sa pagbabantay.

Isang oras, bumaba ito sa sasakyan ng hindibnila napapansin. Nasa gate na siya ng makita ni Jessica.

Sinampal niya ng malakas ang sarili at sinabunutan ang buhik. Pinunit nito ang damit at nagsisisigaw ito "Saklolo tulungan niyo ako!" aniya.

Limapit si Porter at tinakpan ang bibig niya. "anong ginagawa mo?" bulong niya dito

"Sinasalba ko tong sabwatan na ito. Sumakay ka na lang." ani Jessica  kinagat niya ang kamay ni Porter. Sumigaw ito sa sakit

"Aaaarh bswesit ka!" sigaw ni Poter

Tumakbo ito sa labas. "saklolo tulungan ninyo ako" ani Jessica

May naririnig siyang sigaw sa loob. Sinisilip niya ito sa may sewang ng gate. Nakita niyang tumatakbo sa labas si Jessica. Agad na inakyat ang pader at nilapitan siya.

"Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong niya dito.

"Hunter? Tulungan mo ako, ilayo mo ako sa lugar na ito" ani Jessica na umiiyak sa takot

"Bwesit ka bakit mo ako kinagat!" sigaw ni Porter ng makalabas. Hindi niya akalain na nakapasok na oala si Hunter sa loob. Sinungaban siya ng suntok ni Hunter ng ilang beses. Walang nagawa si Porter dahil hindi ito nakaready sa pagsugod niya. Natumba siya sa sahig. "Bwesit kang gago ka!!" ani Hunter

Hinila ni Hunter si Jessica at binuksan ang gate gamit ang pagsipa nito. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinasakay si Jessica.

"Gusto mo bang dumaan muna tayo sa clinic para magamot yang mga pasa mo." ani Hunter na sa daan naka tingin

Napangisi si Jessica (Ang dali mo namang mahulog sa bitag, akala ko iva ka sa tatlo, polpol ka rin pala) aniya sa isip. "Hindi na, ihatid mo na lang ako sa hotel" ani Jessica

"Paano kung balikan ka niya?"

"Hindi naman na siguro" ani Jessica

" Hindi tayo nakakasiguro diyan, mabuti pa sa mansion kita idiretso" ani Hunter

(Bingo) hindi siya nagkamali sa pagpapanggap. Pumabor sa kanya ang sitwasyon. Kapag nalaman nila ang nangyari sa kanya baka patirahin pa siya roon. Malaya siyang gawin ang binabalak niya sa mga Mariano lalo na kay Sage.












The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon