Nagmulat siya ng mata puro puti ang nakikita. Hinang hina pa siya, pagbanling ng tingin niya sa kanan ay nakita niya si Sage sa couch na natutulog.
Napasapo ito sa noo. Medyo kumikirot sa parteng iyon. Inalala niya ang nangyari kagabi, biglang pumatak ang luha niya nang alalahanin ang muntik ng pag halay sa kanya ni Porter. Hindi makapaniwala sa ginawa sa kanya nito. Bakit ganun, wala namang sign na may balak siya or ano. Ang bait bait ng pakikitungo nito sa kanya noon sa mall.
Naubo si Sage na dahilan para magising siya. Nakita niya si Ava na nagmulat na, agad siyang umahon at lumapit.
"Kamusta ka, anong masakit sayo?"nag aalalang tanong niya
Tumingin lang si Ava kay Sage. Hindi ito makapagsalita sa hiya. Tumagilid siya sa kabila at umiiyak. Rinig na rinig ang paghikbi nito.
Hinayaan lang siya ni Sage. Naiintindhian nito ang pinagdadaanan niya
Bumukas ang pinto. Agad na pumasok si Arriette at si Mamita. Nahinto sila sa paglalakad nang suminyas si Sage na huwag muna siya kausapin. Tumango naman ang dalawa at naupo sa couch.
Pabulong ang usapan ng tatlo na abot pa rin sa kanya ang mga pinag-uusapan nila.
"Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni mamita
Ipinaliwanag ni Sage ang lahat. Hindi makapaniwala si mamita sa ginawa ni Porter. Naging apo na ang turing niya dito at welcome siya sa mansion.
"Paano nagawa ni Porter iyon?" tanong ni mamita
Hindi na siya nag extend ng isa pang araw sa ospital. Gusto na niya makita si Sabrina, tanging si baby lang ang magpapasaya sa kanya ngayon.
Pag uwi niya ay agad na kinarga si baby. Umakyak siya sa silid at nakipagbinding kay Sabrina. Nakangiti si Sab na tumitig kay Ava. Marahil ay sabik siyang makita ang mommy.
"I miss you anak, sorry kung dalawang araw akong nawala. Hindi na ako aalis sa tabi mo" ani Ava at tyaka hinalikan sa pisngi si Sabrina at niyakap ng mahigpit.
Mahimbing na silang natutulog ng biglang managinip si Ava tungkol sa nangyari. Pinagpapawisan ito ng buti butil ng tubig sa noo. Bumabaling sa kaliwa't kanan ang ulo nito. Nagsisisigaw siya "Huwag, tama na.. Maawa ka!"
Bumangon si Sage mula sa couch nang marinig si Ava na sumisigaw. Nagmadali itong lumapit at tinatapik sa balikat. "Ava....Ava.....Ava wake up!" aniya
Nagmulat ito ng mata, pinaupo siya ni Sage. Hingal na hingal na animoy parang nakipag habulan sa aso. Nang makita si Sage ay niyakap agad niya ito.
Humagagulgol siya ng iyak. "Hindi ako lubayan sa pangaginip ko" ani Ava na humihikbi bawat salita na binibigkas niya.
Awang awa si Sage sa nangyayari kay Ava. Dahan dahan hinimas ang ulo nito.
"Huwag kang aalis baka balikan niya ako, ayoko na siyang makita" ani Ava na nagmamakaawa kay Sage
"Ssssh tahan na, hindi kita iiwan, dito lang ako. Babantayan ka namin ni baby Sabrina." ani Sage
Kahit umiiyak ay tumango si Ava. Basang basa na ang pisngi niya ng luha nito. Dahan dahang pinunasan ng mga kamay ni Sage iyon.
Nakatulog si Ava na nakasandik ang ulo sa dibdid ni Sage habang nakakapit ang kamay ni Ava sa damit niya. Kimuha si Sage unan, inilagay niya ito sa likod niya at sumandal si Sage sa headboard ng kama, naramdaman ni Ava ang paggalaw niya kaya mas humigpit ang hawak niya sa damit ni Sage.
Nakatulog sila na ganoon ang posisyon. Ikalawang beses na magkatabi sila matulog sa kama.
Habsng kumakain sila ay ng almusal ay biglang nabitawan ni Ava ang kubyertos. Nakita niya sa sabaw ang imahe ni Porter. Tumayo ito bigla na natatakot ang itshura niya.
Nagulat sila sa ikinilos niya. Tumayo si Sage at lumapit kay Ava.
Naiiyak ito, agad na niyakap siya ni Sage. "Bakit ayaw niya akong tantanan" ani Ava na tuloy na sa pag iyak ng yakapin siya ni Sage
Nagkatinginan si Arriette at Lucas. Hinawalan ni Lucas ang kamay ni Arriette.
Napasapo sa dibdib na awang awa si Ofelia habang tinitignan si Ava.
"Sssh tahan na, tara na, umakyat na tayo sa kwarto. Mamita,ma akyat na po kami" ani Sage
"Nakakaawa siya mama" ani Ofelia
"Bukas na bukas din ay ipatawag mo si Doctor bert para tignan siya." utos ni mamita
Tumango si Ofelia sa utos ni mamita.
Ilang araw na balisa at hindi masyadong makakain ng maayos si Ava.
Nag undergoing trauma counselling siya for one week.
Unti unting bumabalik sa normal ang dati. Nakakatuling si baba Sabrina sa healing process niya na sinang-ayuanan naman ng specialista.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)