Nang malaman na nagdadalang tao si Ava ay ingat na ingat ang mga ito na hindi pag-usapan ang nangyari.
Nakapag-usap na ng masinsinan si Sage at si Delfin.
Nintindihan niya na kung bakit ganoon na lang ang naging reaction ni Ava sa mga katotohan sa kanyang tunay na pagkatao. Siguro ay sa pagkagulat kaya siya nawalan ng malay. Kahit si Sage ay hindi makapaniwala na magkapatid si Ava at Jessica.Sa pag bisita ni aling Dolor sa mansion ay sinabihan siya tungkol sa kalagayan ni Ava. Nasa Garden siya, nakatingin lang sa langit habang hawak hawak nito ang kanyan tiyan.
Tumikhim ito ng makalapit sa kinaroroonan ng anak.
Napabaling ang ulo nito sa likuran. Nakita niya si Dolor na nakangiti sa kanya."Nay" mahinang sambit nito at lumapit kay Dolor at niyakap niya mahigpit
Naramdaman ni Dolor na may mabigat itong dinadala, sa yakap pa lang nito ay alam niya na kahit hindi ito magsalita.
"Nay, totoo po bang hindi kayo ang tunay ina?" Tanong ni Ava na basag ang boses nito
Umupo sila sa couch at hinaplos ang likod nito upang tumahan. "Tahan na, hindi makakabuti sayo ang pqg iyak, hindi lang ikaw ang mahihirapan kapag nagpatuloy ka ganito, isipin mo na lang ang baby diyang sa sinapupunan mo" ani Dolor
"Pero nay, bakit ngayon pa, para sa akin kayo pa rin ang nanay ko, hinding hindi kayo mapapalitan sa puso nay" ani Ava, para itong bata king umiyak
"Haaaayst huwag matigas ang ulo mo, hindi naman ako mawawala eh kahit hindi ako ang tunay mong ina, ayaw mo ba nun dalawa ang nanay mo at dalawa ang tatay mo. Yun nga lang wala na ang tatay mo at si madam Vivien. Ang mahalaga ngayon ay ang makita at makilala mo ang daddy Delfin mo. Marami pang pagkakataon para gumawa kayo ng bagong alala na magkasama, hindi na rin bumabata si Sir Delfin kaya pagbigyan mo na siya na maging ama sa inyong dalawa, hindi naman niya kasalan ang nangyari, lubos siyang nangulila sa inyong dalawang magkapatid siguro ay dapat na nating tanggapin at yakapin ang katotohanan dahil kahit anong gawin mo, baliktarin mo man ang ikot ng mundo ang katotohanan ay hindi magbabago." ani Dolor
Sa mga pangaral at paliwanag ni Dolor ay tila nahimasmasan si Ava sa mga nangyayari. Tama ang kanyang nanay pero hindi madali ang lahat, hindi niya alam kung papano haharapin ang kapatid, hindi niya alam kung magiging maayos sila ngayon dahil noong huli silang nagharap ay matindi ang galit nito sa kanya. Paano kung hindi siya tanggapin nito na maging kapqtid siya dahil kay Sage at kay baby Sabrina?
Nagkausap pa sila ng masinsinan bago sila pumasok para sa hapunan.
"Because of tge blessing kailangan nating icelebrate ito" masayang sambit ni Ofelia
Hawak hawak ni Arriette ang cake na ginawa nilang dalawa ni Ofelia.
Napa wow ito sa reaction ni Ava ng makita ang cake. Ang white cake na may boy and girl sa ibabaw. Wala pa kasing gender ang baby, masyado pang maaga para sa 4 weeks niyang pagbubuntis.
Pumapalakpak si baby Sabrina ng makita ang cake na inilapag sa harapan niya, bago mag umpisa ang lahat kumain ay sinindihan ni Sage ang candle sa cake. Binuhat niya si Sabrina at pinatayo sa upuan.
"Baby Blow the candle" ani Sage dito
Tumingin lang si Sabrina kay Sage at tumatawa. Hirap pa nitong maintindihan ang sinasabi nila, nag demo si Ava na ipinakita kay Sabrina kung ano ang gagawin nito. Sa ikalawang demo nito ay nakuha ni Sabrina ang gusto nilang gawin niya dahil hinihipan niya ang candle, dahil mahina lang ito ay sinamahan siya ni Sage sa pag ihip. Pumalakpak sila sa ginawa niya, tuwang siya at ginaya niya sila na pumalakpak.
Sa pagdating ng bagong biyaya sa kanila ito na ba ang bunuo sa Pamilya ni Ava. Matatanggap na ba niya si Delfin bilang ama, Magkakaayos na ba sila ni Jessica at tanggapin na sila ay magkapatid?
Dahil sa nangyari kay Ava ay nag set ng Family outing si Sage sa kanilang tatlo plus the baby inside her womb. Nag file siya ng indefinite leave.
Nasa sasakyan na ang mga gamit. Sa pag-iingat ay may mga kasama silang body guards dahil hindi nila alam kung si Porter ay may binabalak pa o wala na. Medyo madilim pa sa labas ng umalis sila, pagdating nila sa lugar ay pasikat pa lang ang araw. Ang mga tauhan, sila rin ang nagtayo ng tent. Sa di kalayuan ay may tent din ang mga ito.
Nasa paanan sila ng bundok. Napapagitnaan ng batis ang kinaroroonan nila at ang bundok.
Gumawa agad ng apoy ang mga ito at nilagyan ng panggatong na dala nila habang si Ava at Sabrina ay nagduduyan na ikinabit nila sa magkabilaang puno.
Tuwang tuwa ang bata na may nginig tuwing bumababa, parang nahuhulog ang tyan niya.
Abala si Sage at mga body guards na nagluluto ng ulam, nagpapainit ng tubig.
Nagtimpla siya ng hot choco para kay Ava at gatas naman sa botelya si Sabrina.
Inihinto ni Ava ang duyan at nagpunta sa lamesita kasama si Sabrina.
Umupo si Sabrina sa inilagay na sapin direkta sa damuhan. May cookies silang dala ipinabaon ni Arriette sa kanila bago sila umalis. Meron din ang mga body guards nila.
"Am...am..am am" salita ni Sabrina. Hindi man nila naiintindihan ay agad na nahulaan ni Sage ng abutin ni Sab ang cookies. Sumasayaw ito habang nakasubo ang cookies sa bibig niya.
"Sab dahan dahan lang, iilan pa lang ang ngipin mo" ani Ava na natutuwa sa pananabik ni Sabrina sa pagkain.
Idinuduyan ng isa sa tauhan si baby Sab habang natutulog ito habang si Ava nagliligpit ng pinagkainan nila. Si Sage naman ay nakahiga sa loob ng tent.
Nang matapos ay tulog ang mag ama sa magkaibang lugar. Naiihi ito, hindi niya alam kung saan ito iihi, nahihiya siya sabihin sa mga tauhan nila. Lumapit siya sa tent, sinilip si Sage, tulog na tulog. Naiihi na talaga siya. Ginising niya ito at nagpasama, napa kamot ng ulo si Sage ng maudlot ang mahimbing niyang tulog.
Naglakad lakad sila sa may halamanan. Tumingin tingin muna sila sa lugar baka may ahas o ano mang uri ng hayop. Nang wala namang gumagalay sa mga dahon dahon ay agad na nagsalita si Ava. "Sige na dito na ako iihi, tumalikod ka, huwag kang sisilip" aniya
"Oo na bilisan mo na para makabalik na ako sa tulog ko" nakabusangot si Sage na nagsabi
Naiinip ito at lumingon " Matagal ka pa ba diyan?" aniya.
"sabi nang huwag kang titingin eh" sigaw ni Ava
Tumalikod ulit si Sage. " bakit kasi ang tagal mo tyaka memorized ko na yan no!" inip na sabi ni Sage
" nah ikaw talaga, pumunta punta tayo rito para matulog ka. Sana sinabi mo para magbakasyon ka na lang sa kama" angil ni Ava
Pagkatapos nilang umihi ay bumalik na sila sa lugar. Tulog pa rin si baby Sabrina. Inilipat ni Ava si baby sa loob ng tent dahil malamig pa baka sipunin siya.
Dahil bakanti na ang duyan ay siya naman ang pumwesto
Ang mga tauhan ay may kanya kanya ding duyan. Nagkukwentuhan sila habang nasa duyan.
Sa sarap ng tulog ay nakalimutang nasa duyan siya, pag ikot niya ay diretso sa baba. Tumama ang mukha niya sa lupa. "Aray!" aniya na napahawak sa ilong nito
"Baby Sabrina, tignan mo si mommy inagawan ka niya ng pwesto kaya ayan nahulog siya" ani Sage sa baby at pinag clap niya ang mga kamay nito
"Ah ganun, hindi mo na nga ako tinulungan, magkampihan pa kayo diyan." ani Ava na nag pout pa
Naligo si Sage sa batis habang si Ava at Sabrina nasa gilid lang, pinapanood lang siya. Gusto rin sana maligo ni Ava pero ayaw niya iwan si Sabrina.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)