Chapter 28 ( After the Part) Part 2

1.5K 45 0
                                    

Naalarma si Ava, hindi ito mapakali. Hindi siya dalawin ng antok. Bumangon siya at nagpuntang vanyo. Naghilamos siya ng mukha st tumingin sa salamin.

"Anong alam niya at paano niya nalaman iyon."  sabi niya sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Paglabas niya ay nakita niyang nagsasayawan ang mga kurtina. Nilapitan niya ito para tingan kung nakasara ang pintuan. Pagsilip niya sa labas ay naroon nanaman yung babaeng nakita niya ilang gabi na. Hindi ito nagpahalata, nagmadali siyang lumabas at bumababa ng hagdan. Ingat na ingat siyang lumabas ng mansion. Paglapit sa gate ay may guard na nakabantay. Nagtungo siya sa kabila, naghanap siya ng bato na tutungtungan para makadungaw sa labas.

Ilang minuto rin niyang inipon ang mga bato na pinagpatong patong niya. Nang makita na sapat na iyon ay dahan dahan itong pumatong sa mga iyon.

Madilim sa kinaroroonan ng babae na nakatingala sa direksyon ng silid nila Ava. Halos lumuwa ang mata niya ng makita si Porter na lumapit sa babae. Tela may binulong dito at tyaka sabay na silang sumakay ng sasakyan at umalis.

Bumaba si Ava na tulala. Napasapo ito sa noo ng maalala ang nangyari. Napaupo ito sa malamig na semento na hindi man lang kumukurap pero ang luha ay nag uunahan sa paglabas.

Naalimpungatan si Sage ng marinig ang pag iyak ni baby. Inalo niya ito sa pwetan, huminto siya sa pag iyak  at bumalik ulit ito sa pagtulog. Nang bumaling ang tingin sa kama ay wala roon si Ava. Tinignan niya ang banyo, wala rin siya. Pati sa closet at sa kusina. Bakita niyang bukas ang pintuan sa veranda. Pagdungaw niya ay nakita niya si Ava na nakaupo sa sahig. Nagmadali itong lumabas. Iniwan niyang bukas ang pinto para marinig nila kung sakaling umiyak si baby Sabrina.

Paglapit niya ay kitang kita niya ang basang pisngi nito. "Ava" mahinang sambit niya dito, inalalayan niya itong tumayo. Inilagay ni Sage ang balabal sa balikat ni Ava dahil malamig sa labas  at  Dahan dahan silang naglakad papasok ng mansion. Hinawakan miya ito sa baywang upang maging suporta sa pag akyat nila sa hagdag. Pinaupo niya ito sa couch at nagmadaling kumuha ng tubig.

Inilapag niya iyon sa lamesita.

"Bakit ka nasa labas, anong nangyari?" ani Sage na may pag-aalala sa tuno nito

Tumingin ito sa mga mata ni Sage. Nangingilid nanaman ang mga luha na nagbabadyang pumatak ulit. "Nakita si Porter kasama niya yung babae sa labas. Ilang beses ko nang nakikita yung babae sa ganitong oras tuwing isasara ko ang pintuan sa may veranda, hindi pa noon nangyari yung muntik ng pag gahasa sa akin Porter" pagpapaliwanag ni Ava

"May babae sa labas tuwing gabi?" nagtatakang tanong ni Sage

"Hindi ko alam kung gabi gabi pero tuwing isasara ko ang pintuan pag tumitingin ako sa labas nandoon siya. Noong nakita ko ulit siya ngayon ay bumaba ako para sana tignan kung ano itshura niya at hindi ko akalain na makikita ko si Porter, lumapit siya doon sa babae at sabay silang sumakay ng sasakyan at tyaka umalis. Dagdag ni Ava. Tuluyan na ito umiyak. "Anong ibig sabihin nang nakita ko? May balak bang balikan ako ni Porter? May masama ba siyang gagawin, batatakot ako" ani Ava

Niyakap siya si Sage. Habang inaalo nito ang ulo ni Ava ay tahimik itong nag-iisip. Hindi niya alam kung anong gustong sabihin ng mga nakita ni Ava. Sino iyong babae at anong koneksyon niya kay Porter. Totoo kaya ang hinala ni Ava na baka balikan siya nito.

Siya naman ngayon ang hindi dalawin ng antok. Nakatulog na si Ava sa kakaiyak nito na nakapilig ang ulo sa kanyang dibdib. Binuhat niya ito at dahan dahan niyang inilapag sa kama. Kinumutan niya ito at naupo sa tabi niya. Pinunasan ng marahan ang pisngi nitong basang basa sa mga luha niya.

Bumaba siya sa at nagpunta may guard house. Tinawag niya ng mga bantay doon, may naiwang isa para magmanman. Tinawag din niya ang ibang tauhan.

"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag, ang sabi ng asawa ko may babaeng nasa labas tuwing gabi, at kanina ay nakitang kasama nito si Porter. Kilala niyo naman ang itshura ni Porter. Hindi sila pwedeng makapasok sa area na ito. Kung too man ang naiisip namin mabuti ng handa tayo. Predator will never fall into his pray trap kaya kailangan ng masusing pag iingat baka may mga kasama pa ito na hindi natin alam. Mahirap maging kaaway ang walang mukha. We can't defeat the enemy without his identity. Dapat maging alerto at mapagmasid sa paligid. Lahat ng kahina hinalang kilos direktang ereport ninyo sa akin, simulan ito bukas. Bumuo kayo ng tatlong grupo na magpapalitan sa umaga sa tanghali at sa gabi" utos ni Sage

"Masusunod master" sambit nila.

"Pasensya na abala ng tulog ninyo, makakbalik na kayo sa kanya kanya tulugan" ani Sage. Naiwan ito sa lugar at napatingala. Nakapamaywang siya habang hawak hawak ang baba at nag-iisip. Sa di kalayuan ay may matang nakamasid sa kanya.

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon