Chapter 8 ( Ava meet the Mariano Family )

1.8K 51 0
                                    

Maaga pa lang may dumating na naka tuxidong mga lalaki sa flat ni Sage

Nagpalit agad si Ava, pinalitan din niya si Sabrina dahil wala namang magbabantay dito kaya isasama niya.

Tumawag muna siya kay Sage at ibinalita ang pagpunta ng mga tauhan ng lola niya.

"Sige papunta na" ani Sage

Pinasakay sila sa sasakyan. Kinakabahan siya habang nasa daan sila. Nanginginig ang tuhod nito na nagtatap ang mga kamay nito sa tuhod.

Baby Sabrina stare at her without blinking. Kumunot ang noo ni Ava bakit nakatingin si baby sa kanya ng walang kurap.

In her age, a 5months old baby Sabrina are starting to recognizing her mother scent and voice. Kaya siguro nakatingin siya kay sabrina ng ganoon.

Pagdating nila sa mansion ay sinalubong siya ng mga nakatuxido.

"Welcome to Mariano's Mansion" ani Herrero

"Hi" bati niya kay Herrero

Iginiya siya ng butler papuntang sala. Huminto sila sa may bungad

"Diyan ka lang saglit" ani Herrero. Limapit siya sa may sofa. "Narito na po ang bisita" ani Herrero

Naglakad na palapit si Ava. Una niyang nakita ang lola ni Sage, may ginang na nakaupo sa kaliwa, sa kanan naman ay napukaw ang mata niya sa napakagandang babae na medyo Pamilyar ang mukha nito na ngumiti sa kanya.

"Ano pang tinatayo tayo mo diyan?" ani mamita

Nakatitig lang ito kay Arriette.

Nataranta si Herrero, nilapitan niya agad ang babae at tyaka bumulong "Magbigay galang ka" aniya

Napakurap si Ava ng bumalik ito sa huwesyo. "Magandang araw po" bati niya sa mga ito

"Maupo ka"Anyaya ni Ofelia

"Iyan ba ang anak niyo ni Milo?" tanong ni Arriette

"ah Oo" ani Ava, tumango siya at bahagyang ngumiti kay Arriette

"Napakagandang bata, ilang buwan na siya eja?" tanong ni Ofelia

"limang buwan po" tipid na sagot nito

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Mamita

"Ho Ava Saavedra" mahinang sabi niya

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa kung bakit kita pinatawag dito. Gusto ko makausap ang mga magulang mo sa nalalapit ninyong pagpapakasal ni Sage" ani mamita

"ho?" gulat na gulat si Ava sa sinabi ni mamita

"Kailangan kung makausap ang mga magulang mo nang sa ganoon eh maumpisahan na ang pagpaplano ng inyong kasal" dagdag ni mamita

"Mahina na po si Ina, hindi na niya kayang bumyahe. Si ama patay na po bago ako isinilang" ani Ava

Nagkatinginan ang mga ginang.

"Kung ganoon eh kami na lang ang pupunta sa inyo para makapag-usap kami ng nanay mo at bilwng respeto at paghingi namin ng pasensya sa pag abandona ng aking apo sayo. Ngayon ay maitutuwid na ang mga nagawang pagkakamaling iyon" ani mamita.

"Hin-" hindi na naituloy ni Ava ang sasabihin ng biglang dumating si Sage

"Oo na nga kaya dapat na tayo maghanda" sabat ni Sage na humalik sa pisngi ng dalawang ginang. Nakipag beso rin siya kay Arriette at mabilis na umupo sa tabi ni Ava. Inilagay niya ang kamay sa baywang ni Sage. Nagulat si Ava sa ginawa ni Sage, pinandilatan niya ito pero ngiti lang ang ganti ni sage sa kanya at mas lalong hinigpitan ang hawak.

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon