"Milo nasa labas ng pintuan ang lola mo, anong gagawin ko?" tarantang sabi nito
"Ikaw na ang bahala, nasa meeting pa ako"
"bahala na nga lang!"
Kinakabahan siyang binuksan niya ang pinto. Matapang ang awra ng matanda at seryoso ang mukha.
"Ang tagal niyo naman buksan, ano bang meron?" ani Mamita na paglingon ay kumunot ang noo dahil ang inaakalang apo ay iba pala ang nagbukas. "Sino ka at anong ginagawa mo sa condo ng apo ko?" nagtatakang tanong ni mamita pagkaupo niya sa couch. Ang kalat ng paligid, ang daming laruan ng bata ang nakaka kalat sa paligid.
Kinuha niya ang bata sa crib dahil umiiyak ito.
"Kaninong anak ang batang iyan?" tanong ni mamita
Yumuko siya at nahihiya siya sa matanda.
Pagkatapos ng meeting ay nagmadali siyang umuwi. Pagpasok ay nadatnan niyang karga karga ni mamita ang bata. Lumapit siya at nag mano tyaka humalik sa pisngi ni mamita.
"Hanggang kailan ka magtitino ha Sage (Milo) Mariano!" ani mamita na hinampas niya ng baston si Milo sa braso.
Nagtatakang bumaling ang tingin ni Milo kay Ava habang hinihimas ang braso. Nginitian lang siya nito.
"Bakit hindi mo sinabing may anak ka na pala, kawawang bata, paano mo naisip o nakakatulog ng maayos sa gabi habang sila naghihirap sa pag abandona mo sa mag-ina mo. Buti na lang at nahanap ka nila kung hindi baka kung saan na sila napunta at nagpalaboy laboy." ani Mamita na inalo alo ang bata. "Wala sa Lahi natin ang tumatalikod sa responsabilidad kaya magpapakasal kayo ni Ava sa lalong madaling panahon!." ani mamita
"Ano po!" sabay sambit ng dalawa. Nagulat sila sa sinabi ni mamita.
"Mamita huh pero ano " hindi na natapos ang sasabihin ni Milo ng magsalita ulit si mamita
"Walang pero pero kung ayaw mong ibalik kita ulit sa santuary Island" pagbabanta ni mamita. Tumayo na siya at hinalikan sa noo ang bata, bumaling ang tingin niya kay Ava. "Ipapatawag kita sa mga susunod na araw"
Nang makaalis si mamita ay makahinga sila ng maluwag. Humugot ito ng malalim nq hininga bago ito tumingin kay Ava.
"Ano bang sinabi mo at ganoon na lang ang sinabi ni mamita?"
Yumuko ito at hindi makatingin kay Milo. "sabi mo ako na bahala kaya nasabi ko na girlfriend mo ako noon at may anak tayo at inabandona mo kami, sa taranta ko at wala akong ibang maisip na idahilan yun ang nasabi ko" pagpapaliwanag niya.
"ano!!?" hindi makapaniwala si Milo sa nangyayari. Napahimas siya sa mukha at umupo sa couch.
Ang desisyon ni mamita na ipakasal sina Milo kay Ava ay magiging daan na ba ito at mauuwi na ba sa totohanan?
Si Ava Saavedra na ba ang babaeng magpapatibok ulit ng puso niya pagkatapos niyang mabigo sa one great love niya?
Paano kung biglang dumating ang tunay na ina ng bata at bawiin ang anak sa kanila kung ang bata at napamahal na ng lubusan sa mga ito?
Abangan ang istorya ng buhay ni Sage (Milo) Mariano at Ava Saavedra.
April 4-24, 2020
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)