Chapter 25 ( self Portrait-naked )

1.7K 52 0
                                    

"Aaah Sage busy ka ba? Ano kasi..nakita ko walang kalaman laman yung opisina mo, naisip ko lang na baka pwede mo idagdag ang mga ito sa iilan mong decor sa wall" nahihiyang sabi ni Ava na bitbit ang dalawang canvas. Inilapag niya iyon sa table ni Sage.

Nag angat ito ng tingin at tinignan ang mga iyon. "Drawing mo ito?" tanong ni Sage

Tumango siya at ngumiti.

"You have a talent, bakit ngayon ko lang ito nakita?" tanong ulit ni Sage

"hindi mo nakita kahit sa flat mo hindi mo napansin?" nagtatakang tanong ni Ava

"Magtatanong ba ako kung nakita ko na ito. Teka matagal mo na pala ito nadrawing ngayon mo lang ipapakita?"

"Lagi ka kasi nakatingin sa picture frame ng ex mo sa kwa-" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng maalala ang nabasag na salamin. Napapikit ito sa kadaldalan.

"Ano, paano mo alam iyon, pumasok ka sa kwarto ko?" tanong ni Sage

Nakapikit ito habang tumango tango

"Diba sabi ko bawal kang pumasok sa kwarto ko!" ani Sage

"Eh ano kasi ano iniwan mo kasing nakabukas tapos gusto ko sana linisan kaso may nagawa akong kasalanan" ani Ava habang ang mga kamay nito ay naka cross finger sa likod.

"Anong kasalanan?" tanong ni Sage

"Sorry patawarin mo ako🙏🙏🙏😭 nabasag ko yung salamin" pag aamin ni Ava

"Kaya ba may bandage sa daliri mo noong gabing yun at nadagdagan ulit dahil sa nabasag mong baso?" ani Sage.

(Aba may pictographic memory pala itong Sage na ito) bulong niya sa sarili

"Napaka clumsy mo talaga kahit kailan" ani Sage

"Hindi ka galit?" nagtatakang tanong ni Ava.

"Salamin ng frame lang yun. Bakit magagalit?" ani Sage.

"Talaga?" ani Ava na tinitigan ito na hindi makapaniwala

"Gusto mo ba magalit ako?" nakataas ang mga kilay ni Sage ng sabihin niya iyon.

"Aaah no hindi naninigurado lang kasi, ang tagal ko ng inaalala yun baka bugahan mo ako ng apoy kapag nalaman mong nawawala yung picture,kapag nagalit ka pa naman para kang si Sangoku nagpapasuper saiyan" paliwanag ni Ava.

"Saan nga ba?" tanong ni Sage na natatawa sa itshura ni Ava

"Sa silong ng kama mo. Nilagay ko roon para hindi mo makita kasi nabasag ko nga yung salamin" aniya

Kinabukasan ay dala dala ni Sage ang canvas, ayon sa request ni Ava. Isinabit niya iyon sa gilid ng dingding ng table niya para kita agad.

Drawing nilang dalawa ni Sabrina. Kuhang kuha ang mga itshura nila, magaling talaga ang guhit kamay ni Ava.

Dumating sina Porter at Sixto. Binibisita si Sage na biglang nagbago, hindi na siya sumasama sa mga lakad nila. Hindi na siya nambababae.

"Ang bilis naman nagbago dude, sayang yung mga bebot, naghihintay sayo gabi gabi" ani Sixto

"Huwag na siya denedemonyo, ang sabihin mo kahit wala si Milo doon siya pa rin ang hinahanap at hindi ikaw." Ani Porter

"Aba, siya lang ba... Sa charisma kung ito?" ani Sixto

Natawa lang si Sage sa dalawa

Pagsandal ni Porter sa headboard ng couch ah agad niyang napansin ang drawing. Nakita rin ni Sixto iyon.

"Ang ganda naman ng pagkakaguhit niyan" puna ni Sixto

Sinundan ni Sage ang kung saan nakatingin si Sixto "Drawing yan ni Ava" tipid niyang sabi

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon