"Sir, tumawag po ang isa sa mga staff ng ospital, pwede na raw po umuwi si ms. Jessica" ani ng sekretarya niya"Sige, tumawag ka sa bahay at sabihing maghanda sa pagdating niya" ani Delfin.
"ah sandali, Icancel mo ang meeting sa araw na ito , pupunta tayo sa ngayon sa Las Palmas." pahabol niua sa sekretarya
Nasa sasakyan siya sasakyan habang nakasapo ang kamay sa noo
Nang himinto ang sasakyan ay napatingin siya sa bintana.
"nandito na po tayo" ani ng driver
Tumango ito at lumabas ng sasakyan. Inayos niya ang suot na tuxido at tinignan ang lugar.
"Sir, hindi pa po ba tayo papasok sa loob?" tanong ng sekretarya niya
"Tayo na" aniya at nagpatiuna na siyang naglakad. Nakabukas ang gate na yari sa tagpi tagping kahoy. Tumuloy sila sa loob ng bakuran.
Kumatok ang sekretarya niya sa may pintuan. Naka ilang katok pa ito bago sila pagbuksan.
Si Panyang ang nagbukas ng pinto. Nakatitig lang siya sa mga ito.
"Panyang sino ang nariyan?" tanong ni aling Dolor na papalapit na sa kanya. "Sino bang-" hindi niya naituloy ang sasabihin ng makita ang bisita. Biglang bilis ng tibok ng puso niya.
"Senior Delfin?" gulat na gulat na sambit niya
"Kamusta ka Dolor?" ani Delfin
"Pa paapasok ho kayo sa aking munting bahay" anyaya ni Dolor na nauutal sa pasasalita nito
"Ang tagal rin nating hindi nagkita. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, tatapatin na kita kung bakit ako naririto, gusto kung makita ang bunso kung anak, gusto kung makita si Arabella Torilyo Alfaro" diretsyahang sabi ni Delfin
Napa hawak ito sa kanyang dibdib, naninikit ito sa pagkabigla na darating ang kinatatakutan niyang araw. " maupo muna kayo, Panyang tawagin ang kuya Pako para maghanda ng meryenda" bumalik ang tingin niya sa kausap "Wala si Ava rito, nasa Sanctuary Island ito kasama ng asawa niya" sagot ni Dolor. Nanginginig ang mga tuhod nito kaya humawak ito sa headboard ng kahoy na upuan.
"May asawa na ang anak ko? Sino ang napanggasawa niya?" tanong ni Delfin
"Isa sa anak ni Donya Felomina Mariano, si Sage Mariano" ani Dolor. Hindi ito makatingin ng diretso dito.
"Alam mo ba kung saan yang Santuary Island?" tanong ulit ni Delfin
"Hindi ko rin po alam senior, tanging si Dinya Felomina lang ang nakakaalam ng kugar na iyon" paliwanag niya
"kung ganoon ay kailangan naming mag-usap. Hindi na ako makapanghintay pa" ani Delfin. Sa tono ng boses nito ay desidido siyang makilala ang anak at sa kinakatakot ni Dolor ay baka ilayo niya si Ava sa kanya. "Hindi na kami magtatagal Dolor, aalis na kami." aniya
"Sige ho, mag ingat po kayo sa daan" ani Dolor na hinatid niya ang mfa ito hanggang sa labas ng kahoy na gate.
"Nice meeting you again, Dolor" aniya bago ito pumasok sa sasakyan
Pagpasok sa bahay ay dumiretso ito sa kwarto. Napasapo ito sa dibdib at ang iyak na pinipigilan kanina ay hindi na niya napigilan pa. Dahan dahan itong napaupo sa sahig sa sobrang bigat ng nararamdaman niya. "Ang anak ko" sambit niya sa gitna ng hagolgol niya sa pag iyak.
Nang pumasok si Pako ay agad na nilapitan ang nanay. "Nay ano pong nangyari?" nag-aalala nitong tanong
"Kukunin na sa atin ang kapatid mo" ani Dlolor na basang basa ng luha ang mga pisngi
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)