Chapter 49 ( the truth) Revelation Part 1

1.5K 37 0
                                    


Nang umalis sila ay magulong iniwanan nila ang syudad sa mga rebelasyon, ngayong pabalik na sila.. Kakayanin na ba nila itong harapin?

Sinundo sila ng mga naka tuxido. Tahimik lang sila habang binabaybay ang daan. Hawak hawak ni Sage ang kamay ni Ava habang nakapilig ang ulo nito sa dibdib niya.

Pagbukas ng malaking gate ay sya ring pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

"Andito lang ako" bulong ni Sage

Nag angat ito ng ulo at tumingin kay Sage at ngumiti

Malayo pa sila pero tanaw na nila ang dalawang ginang na nag aabang na sa kanila sa harap ng pintuan ng mansion.

Naka pila ang mga tauhan at kasambahay na nakayuko. Pagbibigay galang sa kanilang dalawa

"Maligayang pagbabalik" sabay sabay ng mga ito

Nahihiyang lumapit si Ava, nakayuko ito at hindi makatingin.

"Hindi mo ba ako yayakapin?" ani mamita

Nag angat bigla ito ng ulo dahil sa narinig. Inilahad ni mamita ang mga kamay nito.

Ngumiti si Ava at niyakap si mamita. "Namiss ko po kayo" ani Ava na naiiyak ang tuno ng boses nito

"Shhhh kararating niyo lang, walang iyakan" ani mamita

Niyakap din niya si Ofelia. "namiss mo rin ba ako?" nagbibirong tanong ng ginang

Tumango si Ava "opo, lahat po kayo rito sa mansion" aniya

Yumakap din si Sage sa dalawang ginang.

"Tayo na sa loob, may naghihintay sa inyo kanina pa" ani mamita

Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ni mamita. Nagkibit balikat si Sage at inakbayan si Ava. Sabay silang pumasok, sa paseo pa lang ay rinig na nila ang boses ni Sabrina.

Nagmadali silang pumunta sa sala.

Napatakip ng bibig si Ava ng makita si baby Sabrina. Nadagdagan na ang buhok nito ay meron na siyang ngipin. Lumapit siya at kinarga agad siya. "Na miss kita ng sobra, walang araw na hindi kita inisip" aniTea dito. Lumapit si Sage at hinalikan ito sa noo.

"Pap papapa apapa"salita ni Sabrina

Nagkatinginan ang dalawa at tuwang tuwa sa narinig mula kay baby. "Nakakapagsalita ka na, ang galing galing naman" ani Ava

"Lagi niya binabanggit ang mama at papa tuwing gabi, sa umaga gusto niya sa labas ng pinto. Naghihintay ng pagdating ninyong dalawa" ani mamita

"Sorry baby kung hindi kami nakabalik agad, pakipot kasi itong si mommy mo eh" ani Sage

Malakas na hampas sa kanyang braso ang dumapo. Hinihimas niya habang nakangiti ng nakakaloko si Sage " Ikaw hindi ka na mabiro, sadista ka ha" aniya kay Ava

Hindi niya ito pinansin. Napunta na kay baby Sab ang atensyon ni Ava. Napakamot na lang sa ulo si Sage na umupo sa couch.

"Kamusta dude!" ani Apollo na nakipag fist bump kay Sage at umupo sa tabi niga.

"Ngayon ay nakabalik na kayo, marami tayong pag-uusapan at una na diyan ang adoption papers ni Sabrina, Jessica is incompetent for taking care of the baby, you both need to file for the adoption papers as soon as possible." ani mamita

Huminto si ava sa pakikipaglaro sa bata at tumingin kay mamita, ganoon din si Sage.

"Porter is a like a crazy dog, naghahabol siya ng rights para sa bata. He is claiming that he is the biological father" ani Mamita

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon