Nauna na siyang natulog dahil hindi niya alam kung aning sasabihin pagkatapos nilang nag kiss.
Humilata siya sa kama at nagkumot. Kinakabahan siya at pati tibok ng puso nito ay singbilis ng mga kabayo sa pagtakbo.
Narinig niyang bumukas ang pinto, pumikit siya bigla. Narinig niya itong bumuntong hininga, siguro ay nagsisisi ito sa nangyari. Napakagat sa daliro ito na psrang gustong magbanyo.
Biglang umiyak si baby Sabrina. Napamulat siya (Naku naman, wrong timing ka baby, bakit ngayon pa) aniya sa sarili. Bumangon siya at mabilis na lumapit sa crib. Nauna si Sage na lumapit. Lumayo siya bigla na naiilang na tumingin. Napayuko na lang para hindi magtama ang mga mata nila.
"dadadada........da.......da......da" salita ni Sabrina na sinasabunutan ang iilang hibla ng buhik. Nagtatantrum nanaman ata siya.
Inalo alo siya ni Sage
"Baka nagugutom, magtitimpla lang ako ng gatas" ani Ava.
Nagpunta siya sa mini kitchen sa kwarto, nakahinga siya ng maluwag, sapo sapo ang dibdib ng marinig na umiiyak na si Sabrina. Nagtimpla siya ng gatas at nagmadaling lumabas. Inilapag ni Sage si Sabrina sa kama. Doon ay hawak hawak ni Sage ang bote habang dumididi si baby. Tahimik lang si Ava na tinitigan si Sabrina na naglulumikot ang paa.
Nagpunta ito ng banyo, pagbalik ay tulog si Sage pero si Sabrina ay mulat na mulat. Nilalaro niya ang buhok ni Sage na mahimbing na natutulog. Pinanggigigilan niya iyon mahigpit ang hawak.
Kapag inaalis niya ang kamay ay umiiyak kaya hinayaan na lang niya. Inaalo niya sa pwetan si Sabrina habang siya ay nakahiga na rin.
Hindi pa rin ito dalawin ng antok. Gusto pa yata makipaglaro.
Alam ng mag crowl si baby at dumagan siya sa dibdib ni Sage. Nilapitan agad ni Ava baka mahulog sa kabila. Saktong nagmulat ng mata si Sage sa gulat ng may mabigat na dumagan sa kanya. Malapit ang mga mukha nila sa isa't isa.
Tumatawa si baby na nakatingin sa kanila. Parang nanunukso ang tawa nito. Napakurap kurap si Ava na dumistansya.
"Bigla kasing dumagan sayo si baby kaya nilapitan ko" mahinang sabi ni Ava. Pasimpleng kumamot ito sa noo. " aj ano sige dito ka na matulog, doon na lang ako sa couch" aniya na tatayo na sana siya ng hawakan ang kamay niya ni Sage
Napalingon siya dito.
"dito ka na matulog baka mahulog sa kabila si baby. " ani Sage
Hindi na ito tumangi, tumango tango ito at bumalil sa kama. Nahiga siya at ngumiti ng bahagya dito.
Naglalaro sa ibabaw ni Sage si Sabrina. Ayaw niyang ilapag siya sa kama, bumabalik siya sa dibdib ni Sage at ibinabaling ang ulo at niyayakap siya nito.
"Ang lambing talaga ni Sabrina" ani Ava
"Ginagawa rin ba niya ito sayo?" ani Sage na dahan dahang jinihimas ang ulo ni Sab.
"Oo" minsan gusto niya matulog sa ibabaw ko. Magigising siya kapag inililipat ko sa crib. " paliwanag niya.
"nakakatuwa siya, yung kapag ngumingiti nakakawala ng stress at pagod. Ganun yata siguro kapag anak mo, ano kaya kung adopt natin siya para legal?" ani Sage
"Sigurado ka ba, paano kapag nalaman ni mamita?" ani Ava
"Hindi naman niya siguro malalaman iyon agad agad, basta ang importante legal na siya sa atin na tayo na ang legal guardians niya" ani Sage
Natahimik siya bigla. Napaisip si Ava.
Dahil wala itong sagot ay sinulyapan niya si Ava. "Anong iniisip mo?" ani Sage
"Naisip ko lang paano kung biglang dumating yung tunay na parents niya, hindi ko yata kakayanin na mahiwalay si baby Sabrina. Kunting panahon lang na nakasama ko siya, binago niya ang buhay ko. Hindi man ako handa sa pagdating niya, wala naman ako pinagsisisihan na maging nanay sa paningin niya" ani Ava
Si Sage naman ngayon ang natahimik.
Lumingon si Ava kay Sage. "Oh bakit ikaw naman ngayon natahimik?" ani Ava
"Tama ka, parang hindi ko na maimagine ang buhau ko kapag wala si baby. Ngayon na nag-uumpisa palang na nagiging malapit kami sa isa't isa. Siguro nga kailangan na natin siya iadopt legally para wala ng habol pa ang parents niya." ani Sage na kumbinsido sa gusto niyang gawin. Kahit si Ava ay gusto ang plano ni Sage.
Inilapag ni Sage si baby sa kama. Pumikit na sila pero parehong mga hindi dalawin ng antok. Sabay silang bumangon.
"Hindi ka rin makatulog?" ani Sage
Tumango lang si Ava
"Gusti mo ng tsaa?" ani Sage
Umiling ito. Nakalimutan niya na hindi ito umiinom ng tsaa.
"Gatas gusto mo?" tanong niya ulit
Tumango ito at ngumiti
"Magtitimpla ako, sandali lang" ani Sage at mabilis na nagtungo sa kitchen.
Nagpinta sa veranda si Ava at umupo sa bakal na upuan. Malamig ang ihip ng hangin. Hindi masyadong maliwanag ang langit. Makulimlim ito at walang bituin.
Dumating agad si Sage at inilatag ang tray sa mesa. Umupo siya sa tabi ng upuan ni Ava at tumingin sa langit sabay ng pagsimsim sa tsaa niya.
Kinuha ni Ava ang gatas "Salamat dito" ani Ava.
"Don't mention it" ani Sage na nginitian siya.
"Mukhang uulan yata" ani Sage
"Mukha nga, makulimlim at walang bituin" ani Ava
"may ikukwento ako sayo, you won't believe it, but swear it happened. alam mo ba noong bata kami, tumatakas kaming apat sa gabi para maligo sa malapit na batis dito noon. Kahit umuulan ng malakas kasi sa gabi maaga natutulog si mamita. Doon lang namin nararanasan na maging ordinaryo lang kami. Walang maids at bodyguards sa paligid. Gumawa kami ng duyan na itinali namin sa puno tapos yun ang ginawa naming dive. Ang saya saya noong panahong iyon. Tapos kinabukasan, may sinturong nag aabang pala sa amin dahil isinusumbong kami ng butler, yung tatay ni Herrero. Lahat kami padadapain sa may Garden sa damuhan tapos tig limang palo yan sa pwet. Kahit ganoon hindi pa rin kami natigil sa pagtakas. " kwento ni Sage
"Nakakatakot pala si mamita" ani Ava
"Wala pa yun sa level 1 kapag galit siya. Pero kahit ganoon mabait si mamita, mabait siya sa lahat. Lahat ng katiwala sa mansion ang mga anak o kapatid pinag-aaral ng Mariano's Foundation kaya ang loyalty ng mga ito ay hindi matatawaran."Paliwanag ni Sage
"Kami noon, malaya kami sa paglalaro sa lupa, si kuya pako ang gumagawa ng sako na bahay bahayan namin kasama ang mga kapitbahay na mga kasing edad rin namin. Tanghaling tapat nagpapalipad naman ang iba ng saranggalo kaya maiitim kami noon. Nagagalit na si nanay kapag umuuwi kaming pawisan at amoy araw. Ani Ava
"You have a happy childhood memories" ani Sage
"emm oo"ani Ava
Nagkakwetuhan pa sila ng kanilang buhay buhay hanggang dalawin na sila ang antok.
BINABASA MO ANG
The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETED
RomanceBook1 Night Trap (completed)