Chapter 30 (Fall Trap)

1.5K 34 0
                                    

Pagdating sa mansion ay agad nagpakuha si Hinter ng gamot. Nadatnan sila ni Apollo na ginagamotbni Hunter ang sugat niya

"Teka, nahulog ka na rin ba sa babaeng yan?" ani Apollo

"Hindi ito ang tamang oras ng pagbibiro" ani Hunter.

Nagulat si Apollo ng seryoso si Hunter sa sinabi niya.

"Aba, seryoso ka? Iba talaga nagagawa ng kamandag mo ah" aniya kay Jessica

"Umalis ka sasapakin kita!" pagbabanta ni Hunter

Gumuhit sa dulo ng labi ni Jessica ang ngiting tagumpay. Nasa lanig niya si Hunter, sapat na iyon para matuloy ang nasa isip.

"Bwesit, akala ko dalawa lang ang naging tanga may ikatlo pa pala" pagkatapos niyang sabihin ay umalis na ito. Kumampay sa hangin.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito!" ani Sage

"Teka, bago ka magalit alamin mo muna" ani Hunter

"Anong aalamin ko sa babaeng iyan, wala naman siyang ibang dinadala dito kundi gulo" ani Sage

"Pwede ba, kahit man ngayon lang huwag niyo naman siyang pag-isipan!" sigaw ni Hunter

"Anong kaguluhan ito!" ani Mamita na nagmamadaling pumaroon kasama si Herrero. Nakita niya si Jessica. "Ikaw nanaman ang dahilan, pwede bang umalis ka sa mansion ko!" sigaw ni mamita

Hinawakan ang kamay ni Hunter, pinigilan siya sa pag gamot ng sugat niya at tyaka tumayo. "Aalis na ako" aniya na naluluha ang mga mata na yumuko.

"Sandali, mamita pakinggan nyo mina sana ang paliwanag ko. Ako ang nagdala sa kanya dito dahil may nangyaring hindi maganda sa kanya kanina" ani Hunter

"Hindi kita maunawaan, ano ang ibig mong sabihin?" nakakinot-noong tanong ni mamita.

"Muntik na siyang halayin ni Porter kanina kung hindi ako dumating" pahayag niya

"ano?" tumingin si mamita kay Jessica. May mga pasa ito sa mukha at punit ang damit nito. 

Dumating si Lucas at Arriette pati na rin si Ofelia. Nagtataka sila sa nangyayari.

"Totoo ba sinasabibng apo ko?" tanong niya kay Jessica

Tumango lang ito na hindi makatingin kay mamita

"Paano ka nakapunta sa lugar iyon?" tanong ni mamita

"Nakita ko sila sa side mirror ng kotse. Sinundan ko sila hanggang sa huminto sila sa isang lugar. Paglapit ko sa gate may narinig akong sigaw kaya pumasok. Nakita ko siyang tumatakbo sa labas habang umiiyak at humihingi ng tulong. " paliwanag ni Hunter

"Magkasama kayo Porter?" nagtatakang tanong ni mamita

Tahimik lang na nakikinig ang iba

"Opo, may business proposal siya sa akin, gusto niya akong maging kasosyo sa negosyo niya kaya sumama ako, hindi ko akalain na gawa gawa lang pala niya iyon" ani Jessica

"mamita, kung papayagan ninyo pwede po bang dito muna siya dahil delikado siya hotel baka balikan siya ni Porter, alam kung galit tayong lahat sa kanya dahil sa mga nagawa niya sa pamilyang ito. Mahirap man pero kahit sana ito lang. Ilang araw lang" ani Hunter

Nag-isip si mamita bago ito nagsalita. "Umayos ka dahil kahit ganyang sitwasyon mo ipapatapon kita sa labas kahit anong oras" ani mamita

Tumango ito "Salamat" tipid niyang sabi

Tinitigan siya ni Arriette. Duda siya sa Jessica na yan. Parang may mali, hindi siya convinced sa mga nangyari sa kanya.

"Herrero, ihatid mo siya sa kanyang pansamantalang kwarto" ani mamita at tyaka umalis ito, sumunod si Ofelia

Nang makalayo ay nagsalita si Ofelia. "Mama sigurado kayong patitirahin niyo yan dito?" tanonG niya

"Sa tingin mo ba basta na lang ako maniniwala, sabi nga sa salawikain "Keep your friends close but your enemies closer" ani mamita kay Ofelia

"Pero mama"

"our enemies too dangerous if we are unaware of thier doing, we should see it as a threat. So to have a chance to avert any mishap. We need to  " keep your enemies closer" paliwanag ni mamita.

Huminto sa paglalakd at bumuntong hininga si Ofelia. May point ang mama niya pero hindi ba nakakatakot na magpatira ng isang kaaway?" Hindi maalis ang pangamba sa dibdib ni Ofelia bilang ina.

Umalis ang lahat maliban kay Hunter. "May gagawin pa ako" ani Hunter

Nagpunta si Sage sa kwarto, nadatnan niyang nasa veranda si Ava. Malayo ang tingin, kapansin pansin na malalim ang iniisip nito. Una na diyan ang pansamantalang pagtira ni Jessica sa mansion. Ang takot sa kanyang dibdib na baka gumawa ng hindi maganda ito na magpapalayo kay Sage sa kanya, galit ang ipinapakita ni Sage dito pero paano kung sa madalas nilang pagkikita ay bumalik ang pagmamahal niya dito. Paano na si Ava, paano na ang silang dalawa? Napasinghap siya sa alalahanin.

Hindi niya naramdaman ang paglapit ni Sage sa kanya. "Ang lalim ng iniisip mo ah" aniya kay Ava

Nagulat siya sa pagsasalita ni Sage sa likuran niya. "Papatayin mo ba ako sa gulat?" aniya dito

"Nagulat ba kita? Ang lalim ng iniisip mo hindi mo man lang naramdaman ang paglapit ko" ani Sage

Tama naman siya eh, ang dami niya iniisip kaya hindi niya ito naramdaman.

"Ikaw, anong opinyon mo sa decision ni mamita?" tanong niya dito

"Kahit sabihin ko wala naman tayo magagawa eh" ani Sage

Humarap si Ava dito. "Naman eh, sabihin mo lang, wala naman si mamita dito hindi niya maririnig" aniya na may halos inis sa boses niya

"Ang cute mo talaga kapag naiinis ka" pagbibiro ni Sage

"seryoso ako Sage!" naiinis na talaga siya na pumadyak pa

Hinawakan niya ang pisngi nito at mabilis na dumapo ang labi niya sa labi ni Ava.

Hindi agad napag react si Ava sa pag halik ni Sage sa kanya. Sa halik na iyon naramdaman niya ang kakaibang halik na kung ikukumpara sa nauna ay ito na yata ang pinaka matamis sa lahat.

"Yan ang sagot ko, kung nag-aalala ka dahil sa pagtira ni Jessica rito, pansamantala lang iyon, hindi rin niya tayo magugulo. Hindi ko iyon papayagan." aniya kay Ava

Sa sinabi ni Sage ay nakaramdaman ito kapanatagan kqhit kunti. Pero hindi pa rin maiaalis ang pangamba  at takot sa dibdib niya.

The Bachelor|the story: Fall Trap-Pretentious Lover #2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon