CHAPTER 1

1.1K 60 3
                                    

"Sumama ka sa akin."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa isang paraiso..."
"Hera..."

Napabalikwas ako ng bangon habang humihingal. Kakaibang panaginip. Sabi ko na lamang sa sarili.

"Celeste, gising na! Handa na ang almusal, male-late ka na sa klase!" Sa totoo lang ay hindi ko na kailangan ng orasan o alarm clock. Kusa akong napadilat nang marinig ang boses ni kuya  Chester. Palibhasa ay mala-broadcaster ang boses nito at nagtatrabaho sa isang sikat na radio station rito sa Tokyo, ginagamit na rin panggising sa akin. Napahikab muna ako at napatingin sa orasan. 6:30 ng umaga. Isang nakasisilaw na liwanag ang sumilay mula sa bintana ng kwarto ko. Ibang klase ang umaga ngayon, pakiramdam ko ay katanghalian na, samantalang ang aga-aga pa.

"Celeste!"
"Nariyan na!" sigaw ko pabalik.

"Ohayogozaimasu kapatid!" Napapokerface ako nang batiin ako ni kuya Chester.

"Magandang umaga rin," bati ko sa kanya at dire-diretsong umupo sa lapag para mag-almusal.

"Kailan ka ba masasanay rito sa Japan? Hays, pambihira ka naman Cel." himutok ulit niya at dinaluhan na rin ako sa hapag.

"Kuya hindi naman ganoon kadali mag-adjust eh. Lalo na at buong buhay ko sa Pilipinas ako nanirahan unlike you." Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kanya.

"Anong hindi madali mag-adjust? Umayos ka nga, isang taon ka na talaga rito. Ang sabihin mo tinatamad ka lang. You have lots of time to make adjustments. Why don't you---"

"Okay, shut up na kuya. Enough na. Kain na tayo." Isinupalpal ko sa kanya ang isang kutsarang kanin para lamang tumigil ang bunganga niya. Ang broadcaster nga naman, sobrang daldal. Tss.

"Maiba ako, kumusta ka naman sa school mo? Marami ka na bang friends? Di'ba nalipat ka ng section?" kahit maraming laman ang bibig ay tuloy pa rin ang dakdak ng bunganga niya sa pagsasalita.

"Marami na akong librong nabasa," tipid kong sagot kaya napatango na lamang siya. Alam na niya ang ibig sabihin noon. Hindi naman kasi ako palakaibigan na tao. Mas gusto ko kasama ang mga libro.

"Okay, if that suits you," pagsuko niya. Tinusok-tusok ko na lamang ng tinidor ang almusal na inihanda ni kuya para sa akin at agad napangiwi. Shocks, ano bang klaseng pagkain 'to? Almost one year na ako rito sa Japan pero hindi pa rin makuha ng taste ko ang mga pagkain nila.

"KUYA, pasok na ako. Bye!" Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa bike ko bilang service papuntang eskwelahan.

"Sayonara, Celeste! Ingat sa pagpasok!"

"Err. Cringe." Halos mapatakip na lang ako sa tenga nang marinig kong nagja-Japanese na naman si kuya.

Hindi pa rin ako masanay. Pero kahit ganito ako kabitter sa buhay ko ngayon sa Tokyo, ang laki pa rin ng utang na loob ko sa kuya Chester ko. Siya kasi ang tumayo bilang guardian ko magmula noong nagkahiwalay sina Mama at Papa. Si Mama, may iba nang pamilya sa Pinas samantalang si Papa, narito rin sa Japan pero may iba na ring pamilya. Ginawa talaga lahat ni kuya para makapag-aral ako at maisunod rito sa Tokyo dahil gusto n'ya, nagagabayan pa rin niya ako. Isa pa, iba pa rin 'yung malapit sa kaisa-isang pamilya mo. This life in Tokyo is teaching me to be independent. Siguro dapat sanayin ko na rin ang sarili ko para hindi na ako maging pabigat pa kay kuya. Medyo nakakahiya na rin.

This school year, grade 12 na ako taking Accountancy Business and Management sa Hirokoshi High o mas kilala bilang Horikoshi Gakuen. Karamihan sa mga nag-aaral rito ay mga anak ng celebrities. Yung iba may kakayahang makabayad ng malaking tuition fee. Ako? Ewan ko nga kung bakit at paano ako napasok ni kuya rito eh hindi naman kami ganoon kayaman. Sapat nga lang ang kinikita niya bilang radio broadcaster to feed my needs and school fees. Nakatulong na rin marahil ang pagiging brainy ko para magkaroon ng full scholarship. Dahil roon, medyo nabawasan ang bayarin.

Tutal maaga pa, binagalan ko lang ang pagpepedal sa bisikleta. Imbes na makipagsiksikan sa LRT, humanap talaga ako ng short cut kung saan pwede ko idaan itong bike ko. Mag-aalas syete y media na ako nakarating sa school. Sinalubong agad ako ni Patrice. Seatmate ko at isang half-Filipina, half- Japanese. Madali kaming nagkasundo dahil na rin sa pagiging dugong Pinay niya.

"Ohayogozaimasu Celeste!" bungad niya sa akin kaya nginitian ko lang siya. "Akala namin ni Truce hindi ka papasok ehh," dagdag pa niya kaya naigala ko ang paningin at nakita si Truce sa tabi ng bintana na abala sa panonood ng anime.
Isa rin si Truce sa tinuturing kong kaibigan rito. Pure Filipino rin siya gaya ko pero since may kaya ang pamilya niya, dito na siya pinalaki ng parents niya. Silang dalawa lang ang tangi kong kaclose sa loob ng apat na sulok ng classroom.

"Medyo na-late lang." Napakamot na lang ako sa ulo at nagtungo na sa assigned seat ko, malapit rin sa bintana.

"Sabay us mag-lunch mamaya?" alok ni Patrice kaya ngumisi ako.

"As usual," tugon ko.

"Oy, damay n'yo ko d'yan," Walang tingin-tingin na sabat ni Truce dahil abala sa panonood ng kung anong bagong series sa kanyang cellphone.

"May narinig ka ba Cel? May nagsasalita atang sperm." Dahil sa sinabi ni Patrice ay napahagalpak ako ng tawa.

"Hera, Hera..." Ngunit mayamaya ay napatigil ako nang makarinig ako ng bulong. Napakislot ako.

"Pat, narinig mo yon?"

"Ang alin?" naguguluhan niyang tanong.

"N-nothing HAHAHA, the talking sperm over there!" pagtukoy ko kay Truce na nakasuot ng eyeglasses niya. Nakatingin na ito sa amin at parang pikon na pikon.

"Do I look like a talking sperm to you, guys?" asar niyang tanong sa amin kaya natawa kami.

Wala siyang narinig. Nang marealize kong wala siyang narinig ay binawi ko ang tanong ko at nanahimik na lamang.

Pero ang totoo, pinanindigan ako ng balahibo.

***


This is the portrayer of Celeste San Pedro :) Thank you, for reading!

This is the portrayer of Celeste San Pedro :) Thank you, for reading!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon