CHAPTER 6

429 37 2
                                    

"Next week pala, pupunta rito ang mga ka-trabaho ko. Alam mo na, konting celebration, kasi 'yung station namin dumarami na ang listeners from all over the world. Take note huh, hindi lang rito sa Tokyo kundi sa iba't ibang parte ng mundo. I wonder nga kung napapakinggan na rin kami ng kapwa natin Pinoy. Atsaka irerelease na rin 'yung bago naming station ID. Ikaw, Cel? Kumusta naman ang pag-aaral mo?" Nauntag ang pag-iisip ko nang ipitik ni kuya Chester ang daliri niya sa harap ko.

"H-ha? Ah, ayos lang. Medyo...marami lang school works. Alam mo na, graduating." Napatango-tango siya sa naging sagot ko. Tinusok-tusok ko ng chopstick ang pagkain na inihanda ni kuya para sa almusal at napangiwi. Napansin ata niya ang reaksyon ko.

"Hindi mo kakainin kasi hindi mo alam kung ano 'yan? Oh hindi mo kakainin kasi hindi mo type ang lasa? Alin doon sa dalawa?" tanong niya kaya napailing ako habang natatawa. Kuya Chester really knew me.

"For your info Celeste, iyang brown rice na nasa mangkok, that is called genmai here in Japan. Eto namang miso soup o miso shiru masarap rin 'yan kung hindi mo pa natitikman. Masarap rin itong fermented soy beans o mas kilala sa tawag na natto tapos grilled fish---"

"Kuya tama na. Kakain na nga oh. Eto na, nangwa-warshock ka talaga eh, noh?" pambabara ko sa kanya kaya napailing siya at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

"Tinuturuan kitang huwag maging maarte sa pagkain, Cel. Healthy naman ang mga 'yan ah. Anong gusto mo? Puro frozen foods? Hotdogs, ham, mga pang-paikli ng buhay? Atsaka wala tayo sa Pinas, narito na tayo sa Japan. Hindi Tokyo ang mag-aadjust sa atin, kundi tayo mismo," sermon na naman niya. I almost choke kaya napainom ako ng tubig.

"Eto naman si kuya, daming sinasabi eh. Sorry na. I'm trying my best okay?" Napakamot ako sa ulo. Pilit ko na lang nilunok ang gulay na kinakain ko kahit sukang-suka na ako.

***

Tulad ng mga nakaraang araw, papasok na naman ako sa eskwelahan. This time, medyo lutang na lutang. Bukod sa kulang sa tulog, hindi na rin maalis sa utak ko ang boses na noon ko pa naririnig. I already talk to Erika last night and I found out, pareho lang sila ng babaeng tinutukoy ni Madame Akako. And the confusion that hits my mind was, I'm hearing voices the same as Hera heard four years ago. Are we connected? Kamukha ko ba talaga s'ya? And what's with the book? Bakit ayaw ipahawak iyon sa akin ng librarian? Ang dami kong tanong na wala pang sagot. Nalilito na ako.

Maingay at magulong classroom ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa klase.

"High five!" alok agad sa akin ni Truce sabay harang ng kanyang palad sa hangin. Nang makita ko ito ay itinaas ko rin ang palad ko. Nag-apir kami sa hangin sabay fistbump. Dinaluhan naman kami ni Patrice at inabutan kaming dalawa ng papel.

"Ano 'to? Para saan?"
"Application paper para sa graduating students. Fill-up-an na lang raw natin since wala si Sir Taka," sagot ni Patrice atsaka ngumisi ng malapad.

"Mygassh guys! 2 months na lang gagraduate na us! Anong plano n'yo sa college? Dito pa rin ba kayo sa Hirokoshi?" Naghuhugis-bituin ang mga mata ni Patrice habang tinatanong kami.

"Ako, baka sa Pinas na, eh," nanghihinayang na sagot ni Truce kaya bigla kaming nalungkot.

"Joke lang HAHAHAHA April Fools?" dugtong niya kaya halos masapak na naman siya ni Patrice.

"Gago ka talaga. Walang iwanan di'ba?"

"Ikaw Celeste? Anong balak mo?"

"Punta lang akong library," paalam ko at hindi pinansin ang tanong nila sa akin. Nagkatinginan sila habang bagsak ang balikat na tiningnan ako.
"May balak ka bang palitan si Madame Akako oras na mag-retire siya? Lagi ka roon eh," nakangiwi si Truce at napailing. Napakamot na lamang ako sa batok.

"May ichecheck lang akong libro, ano ba kayo. Since wala naman pala si Sir, sasaglit lang ako promise." Itinaas ko pa ang kanan kong kamay bilang panunumpa na babalik.

"Okay, we got yah Cel. Text mo na lang kami later. Tutal wala nga siya ay pupunta na lang muna kami sa cafeteria. Sunod ka na lang ah?" Sa huli ay pumayag na rin si Patrice kaya napatango na lamang ako at dali-dali nang lumabas ng room.

***

NAKITA ko si Madame Akako na nakaub-ob sa mesa at mahimbing ang pagtulog. Imbes na gisingin ay nagpatip-toe na lamang ako at nilagpasan siya. I proceeded to the only shelf where I saw the old book last time. Alam kong mali itong suwayin ang librarian dahil binalaan na niya akong huwag bumalik. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman lahat. Lalo na at ako naman ang ginugulo ng boses na iyon. I just want to know everything. Wala namang makatutulong sa akin kundi ang sarili kong curiosity.

Sa tulong ng munting sinag ng liwanag mula sa maliit na bintana ay nagawa kong mahanap ang mismong libro. Halos mapaubo pa ako nang hugutin ko ito ngunit pinigilan ko sa takot na mahuli ako ng librarian. Mahirap na, baka tuluyan akong ma-ban sa library na ito.

Pinagpagan ko ang aklat na nababalot ng sapot ng gagamba at mga alikabok. Tumambad sa akin ang cover nito kung saan nakaukit ang isang pamagat na, "Yukue Fumei No Ie." Kung hindi ako nagkakamali, missing home ang ibig sabihin nito. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at binuklat na ito. Mas namangha ako sa aking nakita. May pahina roon ng mga larawan ng isang lumang pamayanan. Kasunod nito ay mga kagubatan, mga hindi pamilyar na tanawin at tauhan.

Napataas ang kilay ko nang mahulog mula sa mga pahina ng aklat ang isang polaroid. Dahan-dahan ko itong pinulot. Kupas na ito at mukhang napaglumaan na ng panahon ngunit kung hindi ako nagkakamali, isa itong larawan ng babae. Suot rin niya ang uniporme ng mismong school namin.
My eyes automatically widened as I examine the photo.

"Sh*t, ba't kamukha ko?"

"Hera..."

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses. Kusang nagliwanag ang librong hawak ko kaya naitapon ko ito bigla. Hindi ako makakilos lalo na nang magpalipat-lipat ito ng pahina habang mas lumiliwanag ang kabuuan.
Napaatras ako dahil sa sobrang takot.

"Fck! What the hell is happ----AAAAAHHHHHHHHH!!!!"

Ang kaninang bulong ko ay tuluyan nang naging sigaw nang maramdaman kong hinihigop na ako papasok sa libro. May kung anong puwersa ang humihigit sa akin at sa huli ay hindi na ako nakapalag pa. Tuluyan na akong nagpalamon sa liwanag.

***

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon