CHAPTER 28

214 21 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Nabalitaan mo na ba? Mamaya na raw darating ang pangalawang prinsipe. Nakakahanga ang tapang niya! Biruin mong dalawang giyera ang napagtagumpayan!"

"Tunay? Napakagiting talaga!"

"Napakaswerte naman ng mapapangasawa niya!"

"Sinabi mo pa. Lalo na kung ako 'yon."

"Napaka-ambisyosa mo naman!"

Natigil ang pag-uusap ng mga katiwala nang mapadaan si Prinsesa Takumi na tumigil pa sa kanilang harapan habang nakataas ang kilay. Napayuko ang mga ulo nito.

Nagmamataray na napalingon si Takumi sa mga kasunod niyang alalay na ngayon ay malapad na ang ngisi.

"Nagbago na ang isip ko. Mananatili muna ako rito sa palasyo ng ilang araw," nakangiti niyang sambit at agad tumalikod na parang tuwang-tuwa.

Mukhang tama ang desisyon niya sa muling pagbisita rito sa loob ng palasyo. Paparating na ang taong hinihintay niya mamaya. At hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na makausap ito.








"Pagbuksan ang prinsipe!" Muling umalingawngaw ang boses ng bantay at agad binuksan ang mataas na gate. Sakay ng kabayo ay pumasok si Tsuyu sa loob ng palasyo. Pagkababa pa lamang ng kabayo'y nagbigay-pugay agad sa kanya ang halos lahat ng kawal. Napatango na lamang siya at napabuntong-hininga habang iginagala ang paningin sa paligid.

Ang totoo'y wala naman talaga siyang balak na bumalik agad sa kaharian. Gusto niyang maglakbay pa at manatiling mag-isa. Ngunit  kailangan niyang tuparin ang pangakong binitawan kay Celeste na uuwi siya rito. Na babalik siyang ligtas, na babalikan niya ang dalaga.

"Mahal na prinsipe!" Napalingon siya sa tumawag at nakita ang humahangos na si Yasu, ang pinagkakatiwalaan niyang alagad rito sa palasyo.

"Maligayang pagbabalik! Nakakatuwang makita kang ligtas at walang kasugat-sugat, igen! Walang duda, isa ka talagang dugong-mandirigma!" Halos yakapin na siya nito dahil sa sobrang tuwa kaya napangiwi siya.

"Ipinag-utos ng hari na dumiretso ka muna sa iyong silid upang makapagpahinga. Mamayang gabi ay may magaganap na selebrasyon.  Ipinaghanda ka ng piging bilang pagdiriwang ng iyong tagumpay sa giyera at pagbabalik," masayang balita sa kanya ng kawal.

Napatango na lamang siya.

"Sandali, si Hera ba..." Hindi niya matuloy ang sasabihin kaya't napaubo naman ang kawal. Halatang may ibig itong sabihin.

"Huwag kang mag-alala, igen. Binantayan ko siya ng mabuti tulad ng inutos mo sa akin bago ka umalis. Hindi naman siya gumawa ng mga bagay na ikakagalit ng nakatataas." Dahil sa binalita ng bantay ay nakahinga nang maluwag Tsuyu. Pero mayamaya ay agad ipinilig ang ulo.

Mali ito. Bakit ba niya laging inaalala ang dalaga?

***

"Please, umapoy ka na. Aish! Kainis!"

Pawis na pawis na si Celeste habang pinapaypayan ang gatong upang magpainit ng tubig sa palayok. Ito ay bilang parusa sa kanya sa palpak na lasa ng tsaa na kanyang tinimpla kahapon. Maayos naman ang lasa nito ngunit may kulang. Ewan ba sa sarili niya at tila nawala siya sa huwisyo ng mga oras na iyon. Dagdag pa rito ang paglabag niya sa kautusan na mapalapit sa alin mang prinsipe. Namataan siyang nakasama ni Jin sa silid-aklatan kaya naman doble ang parusa sa kanya. Kapag naiisip niya ito, parang gusto na lamang niyang maglaho dahil sa sobrang hirap na nararanasan.

Kung titingnan niya ang sarili sa salamin ay tiyak maaawa na siya. Bukod sa pagod na ito ay, dugyot na rin kung titingnan. Puno na ng uling at alikabok ang mukha niya ngunit hindi pa rin niya mapaapoy ang mga kahoy.

Gusto na niyang maiyak.

"Walang mangyayari sa ginagawa mo kung panay lang ang paypay mo."

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang isang boses mula sa likuran niya. Pamilyar ang linyang ito para sa kanya. Napatayo siya bigla at agad lumingon ngunit tila nadismaya siya sa nakita.

Hindi ito ang inaantay niya. Hindi ito ang inaasahan niyang dumating.

Napatikhim si Kaisei at agad dinaluhan ang dalaga sa tabi ng malaking palayok na ngayon ay umuusok na. Inagaw nito ang abaniko at siya mismo ang nagpaypay.

"Pati alaala mo sa pagluluto, nalimutan mo na rin. Ibang klase ka, Hera," sambit ng binata at siya mismo ang nagpaapoy sa gatong. Napaiwas ng tingin si Celeste.

"Mahal na prinsipe, ang utos ng hari ay huwag kayong---"

"Pwede bang kapag kausap mo ako, kalimutan mong anak ako ng hari?" baling nito kay Celeste na hindi na mapakali dahil baka may makakita sa kanila na nag-uusap. Tiyak, maparurusahan na naman siya nito.
"Ayoko lang mapahamak ka," depensa ng dalaga sabay iwas ng tingin. Natawa na lamang si Kaisei sa inaasal ng dalaga kapag siya ang kausap nito. Waring hindi ito mapakali.

"Oh, ikaw na. Parusa mo nga pala 'to. Bakit ko aakuin, hindi ba?" Agad inabot ni Kaisei ang pamaypay kay Celeste at hinayaan ito sa ginagawa. Ngunit hindi siya umalis sa tabi nito. Gusto lamang niya itong pagmasdan.

Hindi niya namamalayang napapangiti na siya habang nakatitig sa dalagang matagal na niyang nagugustuhan apat na taon ang nakararaan.

"Umalis ka na, mahal na prinsipe. Kaya ko na 'to," pagtataboy ng dalaga sa kanya.

"Sigurado ka?" May pagdududa sa boses ng prinsipe.

"O-oo naman! Sobrang husay ng nagturo sa akin, eh," may pagmamayabang nitong sagot sa binata kaya nawala ang ngiti ni Kaisei.

"Si Tsuyu ba?" Mas lumawak ang ngisi ni Celeste nang mabanggit pa lamang ang pangalan ng kanyang pangalawang kapatid.

"Oo s'ya nga! Hindi na ako makapaghintay na makita ulit ang mokong na 'yon. Balita ko babalik  na siya, hindi ba?" Kahit hindi naman tinatanong ay tuwang-tuwa na nagkwento si Celeste. Mas lalong naglaho ang kasiyahan ni  Kaisei.

Pakiramdam niya ay ito na naman katunggali niya sa dalagang hindi napasakanya noon.
"M-may problema ba?" tanong ni Celeste sa binata nang mapansin na nag-iba ang timpla nito. Agad itong umiling at ngumiti ng tipid.

"W-wala. Lapit ka, punasan mo nga 'yang mukha mo. Ang dumi mo na," ani Kaisei at naglabas ng malinis na panyo sabay punas sa nanlilimahid nang mukha ni Celeste.

Ang nakakailang na tagpo  na ito ang naging dahilan para mamula ang pisngi ng dalaga at kabahan na naman.

Sa hindi kalayuan ay nakatunghay lamang pala ang panganay na si Jin. Kanina pa nito pinagmamasdan ang pangatlong kapatid. Napaiwas siya ng tingin at ipinilig ang ulo.

Mali itong nararamdaman niya.

Bago pa siya mapansin ng dalawa ay agad na siyang umatras palayo.


***

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon